Chapter 29: Halloween Party

39 6 0
                                    

Pagkatapos ng laban, nanalo ang school namin. Ang laki nga ng lamang, hindi ko alam kung bakit hinayaan ito ng kabilang school na mangyari.

Siguro dahil inaasahan nila si Kyle? Wala siyang ganang maglaro, tila tuliro. At sinisisi nila siya kung bakit hindi sila nanalo.

Dumating nga ang Mom ni Tyler kinabukasan. Sinubukan niya akong tawagan, makailang beses na, pero pinapatayan ko lang. Pumunta siya sa bahay para kausapin ako, pero hindi ako pumayag. Nasa labas lang siya na parang tutang naghihintay na papasukin siya ng amo at hinayaan ko lang siya sa ganung sitwasyon.

Wala na akong pakialam.

Dumaan ang isang buwan nang hindi kami nagpapansinan. Nagpalipat ako ng upuan, sa tabi ni Dianna para hindi na talaga siya makalapit sa akin.

Walang araw nang hindi siya nagmamakaawa sa akin. Kahit na katabi ko na si Dianna, nagmamakaawa pa rin siya. Mabuti na lamang at hindi masyadong matanong itong si Dianna, pero nakikita ni Jamie ang eksena kaya tinatanong ko siya.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil maiiyak lang ako at mapapahiya. Feeling ko tuloy ang kapal ng mukha ko. Pinagalitan ko pa si Jamie at sinabihan ko pa na dapat alam niya ang limitations niya. Dahil sa nalaman ko, ang kapal ng mukha kong pagsabihan yung kaibigan ko.

Sumasabay na ako palagi kina Dianna sa pag-uwi dahil kung hindi ko sila kasabay, ihahatid ako ni Tyler hanggang sa amin.

Isang araw na lang bago ang sem break. October. Tradition na ng Hilton University ang Halloween Party. Every grade level, bununot kung anong theme ang susuotin. Ang nabunot ng 3rd year ay Disney characters kaya ang costume ko ay si Miraculous Ladybug.

Ang effort talaga ni Mama sa pag-asikaso sa akin, parang bata lang kung ituring ako. Pero okay na iyon, kaysa naman pabayaan ako.

"Sexy natin ah, Yana?" compliment ni Angela. Ang costume niya ay si Tinkerbell.

"Ikaw nga ang sexy riyan, nako."

"So si Tyler si Cat Noir?" nang-aasar niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi ko alam," ang sabi ko. Wala na akong pakialam sa lalaking iyon.

"Bakit parang hindi mo siya kinakausap?" Hindi ako makapagsalita. "Palagi siyang nakabunton sa'yo na parang aso, pero dedma ka lang palagi." Pinagmamasdan ko ang paligid, nagpaparty-party ang iba, yung iba naman nakaupo lang. Hindi pa rin ako nagsasalita. "Tanong ko lang. . . naging kayo ba ni Tyler?"

Dito ko siya hinarap at sinagot. "Hindi."

"Pero bakit palagi kayong magkasama?"

Nginitian ko siya. "Ibabalik ko sa'yo yung tanong: kayo ba ni Romeo?"

"Hindi."

"Pero bakit palagi kayong magkasama?"

Kumunot ang noo niya, tila naguguluhan. "Dahil mag-best friend kami."

"Ganun din ang sagot ko sa tanong mo," nakangiti kong ani. "Pero hindi kami best friend. Walang label."

"Pero magkasama kayo?"

Nakaramdam ako ng asar, pero hindi ko pinakita ito sa kanya. Bakit ba ang hilig ng mga tao na maggawa ng issue? Minsan nakakainsulto na rin ang mga taong ganito, yung tanong nang tanong sa mga issue na sila rin naman ang gumagawa.

"Sabihin na lang natin na acquaintance ko siya."

Bago pa man siya makapagtanong ulit, naagaw ng atensyon namin ang mga kaklase naming naghihiyawan.

Narinig ko pa ang sinabi ng isa na, "Shet, ang pogi mo talaga!"

Saglit kaming nagkatinginan ni Angela at nagkaintindihan agad kami sa kung ano ang ibig sabihin ng titigan namin. Nilapitan namin ang pwesto kung saan doon pinagkakaguluhan ang isa naming kaklase.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon