Chapter 41: Totoo

8 3 0
                                    

Bago mag-umpisa ang concert, may isang linggo kaming walang pasok. Ang isang linggo na ito ay nakalaan para sa pagpa-practice pero dahil ayaw namin ni Demius na mapagod kami nang sobra, napagdesisyunan namin na magpahinga na lang.

Pinuntahan ko si Tyler sa bahay nila para yayain siyang mag-date (first time ko lang magyaya, kadalasan kasi siya ang unang nagyayaya). Nasa loob si Tita kaya nang nakita niya ako, niyakap niya agad ako at sinabing nasa kwarto pa si Tyler.

Napangiti ako nang nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya at mahimbing na natutulog (nakatalukbong siya sa kumot). Kahit na tulog siya, ang gwapo niya pa rin. Dahil malaki ang kama niya, humiga na rin ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

Ano kaya ang nasa panaginip niya ngayon?

Napatalon ako nang bigla siyang pumihit sa kanan, pinasok ako sa kumot, at niyakap ako! Siniksik niya pa lalo ang ulo niya sa leeg ko at nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang naramdaman kong inaamoy niya ito. Ito na namang puso ko, ang O.A. na naman kung tumibok.

Pinatong ko ang palad sa buhok niya sabay amoy rito. "Good morning." Bumaba ang kamay ko hanggang sa nasa likod na niya ito at ngayon ko lang napansin na wala pala siyang damit na pang-itaas. Namula na naman ang mukha ko dahil naalala ko yung sa swimming pool. Yung maskulado niyang katawan na pinanggigilan ko talaga nung araw na iyon. Hindi pa rin ako sanay na nakikita siyang walang saplot sa itaas, at mas lalong hindi ako sanay na naka-boxers lang siya! RAMDAM KO ANG MALAKI AT MATIGAS NIYANG. . .

Marahan ko siyang tinulak para hindi ko maramdaman ang ano niya pero mas dumikit pa siya lalo sa akin.

JUSMIYO MARIMAR! Ilayo niyo ako sa tukso!

"Good morning, milady."

"B-Bumangon ka na po," nauutal kong sabi. Nagpipigil talaga ako! Kung hindi ko lang mahal ang sarili ko, nagahasa ko na si Tyler eh! "T-tara na po."

Tumunghay siya para tignan ako at sinubukan kong ipakita sa kanya na hindi ako nao-awkwardan sa posisyon namin nagayon. "Where are we going?"

"Date," simpleng sagot ko. Ngumisi siya sabay tayo agad. "Teka lang, may practice kayo ngayon?"

Umiling siya. Nakahinga ako nang maluwag, mabuti na lang at wala. Actually, hindi talaga date ang pakay ko, may sale kasi sa bookstore sa Manila, gusto ko lang ng makakasama kaya siya ang niyaya ko. Hehehehe, sorry, gwapo pa rin naman siya.

"Maligo ka na," nakangising utos ko sa kanya at sinunod naman niya ako.

Pero bago siya pumasok sa loob ng C.R., "I haven't eaten breakfast yet," ang sabi niya.

"Kanina pa ready ang breakfast mo." Sinabihan ako ni Tita na gisingin siya para mag-breakfast. Niyaya niya rin ako na mag-breakfast kaya sabay na lang kami ni Tyler.

Tinaas ko ang kilay ko nang nakita ko siyang kumindat. "I want breakfast in bed with you."

Tama na ang pang-aakit mo sa akin, Tyler! Kanina pa ako nagpipigil kung alam mo lang!

Pumasok na agad siya sa C.R. bago ako makapagsalita, at bago ko siya tuluyang mahalay. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil hindi ko na talaga kaya ang pamumula ng mukha ko, ang init din ng nararamdaman ko kahit may aircon na.

Paano ba naman kasi. . .! Naramdaman ko ang ano niya tapos pagtayo niya nakita ko ring kung gaano kalaki ang ano niya! Bakit kasi boxers lang ang suot niya?! Siguro sa honeymoon namin doon ko na talaga malalaman—ANONG PINAGSASABI MO YANA?!

Anong honeymoon?! Ang babata pa namin, honeymoon na agad ang nasa utak ko?! MAGHUNOS-DILI KA YANA! ANG LANDI MO!

Jusmiyo marimar!

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon