Chapter 12: The Promise

65 10 0
                                    

Pagkauwi ko galing sa school, wala pa si Mama kaya dumiretso ako sa kwarto ko at humilata sa higaan. Mukha akong tanga sa daan habang naglalakad. Pinagtitinginan na nga ako ng mga ka-schoolmates ko. Mabuti naman at mahaba ang buhok ko kaya medyo natatakpan ang mukha ko pero iyon na nga ang problema, para akong white lady.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko.

Nakatanggap ako ng message galing kay Sir Hilton

From: Sir Hilton

Where are you now, Alliana?

Wala akong gana na reply-an siya.

Maya maya, tumatawag na siya. Kahit na tinatamad, sinagot ko pa rin ang tawag.

"Nasaan ka na ba?" tanong niya, bakas sa boses ang pagkairita.

"Nasa bahay po." Kaswal kong sagot. "Sorry po, Sir. Pwede po bang magpahinga muna ako?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya, "Sige. Pero bukas—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin, pinutol ko na agad, "Ang ibig ko pong sabihin, magpahinga nang matagal."

"Ha? Bakit?" gulat niyang tanong.

"Masama po kasi pakiramdam ko"

"Hanggang kailan ka magpapahinga?"

"Mga dalawang buwan po."

"What?! Why?"

Tumulo na naman ulit ang luha ko habang inaalala ang kanina. Hindi ako pwedeng magtrabaho ngayon, naaalala ko lang si Rence. Dahil sa lugar na iyon, palagi siyang naroon. At kahit na hindi ko man siya makita, automatic nang nakikita ko siya sa table na malapit sa akin, pinapanood ako.

"Bukas na po ako magpapaliwanag," pagpapaalam ko.

"Are you sick? Ipapadala kita sa hospital," nag-aalala niyang tanong.

Medyo nahimasmasan ang sakit ng dibdib ko dahil sa kabaitan ni Sir. Napangiti ako nang kaunti. "Okay lang po ako. Kailangan ko lang po ng pahinga."

"Are you sure you're fine?"

"Opo," pagsisinungaling ko. "Ayos lang ako," kahit hindi naman.

Agad ko nang binaba ang linya dahil bawat tanong niya, napapahikbi na lang ako. Mabuti naman at hindi niya napapansin.

Pagkarating ni Mama, hindi ko pinahalata sa kanya na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Pero dahil kilalang-kilala na ako ng mama ko, ngumawa na lang ako sa harap niya. Napansin niya agad ang pamumugto at pamumula ng mata ko. Pagkalabas ko ng kwarto, nakangiti siyang bumati sa akin ngunit agad din iyong nawala nang napansin ang itsura ko.

Inalo lang niya ako, hindi nagtanong kung bakit ako umiiyak. Nang medyo tumahan na, pinunasan niya ang luha ko saka hinalikan ang noo ko. "Hinding-hindi kita iiwanan, anak." Napaiyak na naman ulit ako.

Bakit ba ang iyakin ko?

Niyakap ko siya nang sobrang higpit, "Takot na po akong magmahal, Ma."

Hindi na siya nagsalita.

Ito ang gusto ko kay Mama, nakikinig lang siya sa lahat ng mga sinasabi ko at hindi niya pinuputol ang pagkukwento ko.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari.

***

Hindi ako pumasok nang dalawang araw. Sinusubukan kong pumasok ngunit sa tuwing lalabas ako ng kwarto, gising na si Mama. Ayaw niyang papasukin ako mesyo raw ang pangit ko na tignan dahil sa mugto kong mata.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon