Chapter 23

71 7 0
                                    

Ilang araw na akong iniiwasan ni Tyler. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap. Kapag may gig ako, wala siya. Hindi na rin siya sumasabay sa akin maglakad kapag pauwi. Hindi na niya ako hinahatid sa sakayan. Hindi na siya nanonood ng practice namin ni Demius para sa The Voice. Hindi rin niya ako kinakausap sa klase, kahit na magkatabi kami.

At masakit iyon para sa akin. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo - na mahal ko siya, at hindi si Kyle.

"Napapadalas na ang pagsama mo sa Romeo mo ah?" nang-aasar na tanong ni Dianna kay Angela.

"Hindi ko siya pagmamay-ari," tanggi naman ni Angela. "Saka, friends lang kami."

"Friends nga lang ba?"

Natatawang tumango si Angela.

"Ikaw rin, Yana. Napapadalas na ang pagsama mo kay Insan."

Umiling ako. "Friends lang din kami."

"Bakit puro kayo friends? Baka kay tinatago kayo sa akin ha?"

Malungkot ko siyang tinignan. "Wala."

Galit sa akin si Tyler, at hindi ko siya makausap nang matino. Anong gagawin ko para mapatawad niya ako? Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung gabing sinabi niya ang katagang nagpawasak ng mundo naming dalawa: "I give up."

Kasalanan ko ito.

"Baka ikaw ang may tinatago?" Sabat ni Jamie.

"Ako? Wala no."

"Like duh, kasama mo rin naman palagi si Paul. Huwag mo nang sabihing friends kayo, 'best friends' kako."

Napapansin ko rin na minsan na lang sila mag-away ni Paul. Sigurado akong gusto nila ang isa't isa, ayaw lang nilang umamin. Simula nung nakita ko silang dalawa sa room, yung tulog si Dianna at pinagmamasdan siya ni Paul, may kutob na ako na gusto nila ang isa't isa.

Saka, hindi na sumasama si Paul sa mga babae. At hindi na siya minamaltrato na parang hayop ni Dianna.

"Fck off, Jamie." Nanlaki ang mata ko nang tinaas niya ang gitnang daliri niya kay Jamie! Tinawanan lang naman ito ni Jamie. Hay, kailangan ko nang masanay. "Oh, si Kuya Gian oh!" Nang binanggit niya ang pangalan, tumayo agad si Jamie at hinanap si Kuya Gian.

"Gaga, wala naman," sabi niya kay Dianna nang hindi niya nahanap si Kuya Gian.

"Gago ka rin. Hindi naman ikaw hinahanap nun, si Angela naman. Asa pa."

Nakita ko na si Kuya Gian, nasa pinto, at may hinahanap sa loob ng classroom namin. Nang nahanap niya kami, ngumiti siya at tinuro si. . . uhhh. . . sino nga ba?

"Sinong hinahanap mo, Kuya?" Sigaw ni Dianna, sapat na para marinig ni Kuya Gian.

Sumigaw rin siya ng, "Jamie."

Napansin ko ang pagngiti ni Jamie, tila kinikilig. Tumayo na siya at pumunta sa pinto.

Habang pinagmamasdan silang dalawa, napansin ko ang paglalakad ni Tyler. Tumayo na rin ako at hinabol siya.

"May pupuntahan lang ako," sabi ko sa mga kaibigan ko saka kumaripas na ng takbo.

"Tyler!" Hinawakan ko ang laylayan ng uniporme niya para hindi siya makalayo sa akin. "Kausapin mo naman ako."

Hinawi niya ang kamay ko at tinignan ako. "What?"

"M-mag-eexplain ako."

Umiling siya at ngumiti ngunit bakas pa rin dito ang kalungkutan. "You don't have to. It's very clear for me: you saw Kyle and you can have him. I'm just a rebound."

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon