Chapter 17: Wait

67 8 0
                                    

Nadadala ako sa emosyon ko. Bakit ko nasabi ang mga iyon? Gusto ko na ba siya?

Hindi maaari.

Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya. Ikababaliw ko na ito.

Wala akong gusto sa kanya. Wala.

"Hinatid mo pa talaga ako rito sa amin?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Sinasapian yata ako ng isang abnormal na maligno. Hindi ako ito  dahil hindi uso sa akin ang nginingitian siya. Kadalasan ay tinatarayan ko siya.

"Just to make you safe." nakangiti ring aniya. "By the way, thank you for letting me stay in your house for a while. Say hi to Tita for me."

"Close na kayo ni Mama?"

Tumango siya. Kakaiba rin siya, eh. Sabagay, friendly rin naman si Mama. "Sige na, umuwi ka na." pagpapalayas ko sa kanya.

Napasarap siya sa pagkanta kanina kaya 10:00 na kami nakarating dito sa amin. Eh sa kanila? Malayo-layo pa iyon.

"I'll wait for Manong to come and fetch me here."

Edi hindi pa rin ako pumapasok sa loob. Tulog na ang mga tao rito at paniguradong tulog na rin si Mama dahil may trabaho pa siya bukas.

Hinihintay ko si Manong na dumating upang sunduin siya.

"Salamat nga pala sa pagharana sa akin kanina." Pago-open ko ng topic.

"Haranahin mo rin ako," utos naman niya.

"H-ha?"

"Haranahin mo rin ako."

"W-wait lang." sabi ko, tila pino-proseso sa utak yung mga sinasabi niya. "Ano?"

"Tsk." Umiling-iling siya. "Tinagalog na nga, hindi pa rin maintindihan."

"S-sorry na."

Bumuntong hininga siya. "Haranahin mo rin ako."

Umupo ako sa sidewalk, tinabihan niya ako. Ano bang magandang kanta ang pwede para sa kanya?

"Huwag kang umasa sa kakantahin ko ha?" babala ko.

"I'll try," nakangiting aniya, sabay hawak sa kamay ko at pinagsalikop ito.

*Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama*

Natigil ako sa pagkanta dahil natatawa ako sa itsura niya. Mukha siyang timang na nakangisi na nakanganga na ewan ko! Ang pangit ng itsura niya kaya hindi ako makapag-concentrate sa pagkanta. "Pffft—hahahaha!" hindi ko talagang kayang pigilan ang matawa.

Bakit ba kasi ito ang kinanta ko? Hindi ko naman expected na ganito ang magiging reaction niya, eh. Ganito ba ang itsura niya kapag kinikilig?

"You're making fun of me." Naka-pout na aniya. Ang sarap panggigilan ng pisngi!

"Ayusin mo kasi itsura mo." Nginitian niya ako sabay gulo sa buhok ko. Pumihit siya patagilid upang makita at maharap ako. Nag-thumbs up ako dahil okay na. "Sige na, itutuloy ko na." tumango siya bilang sagot.

Tumikhim ako, pinikit ang aking mga mata, at pinagpatuloy ang pagkanta.

*Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo*

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon