Kasalukuyang birthday nang mataba naming kapitbahay kaya heto ako may hawak na may mic at nakaharap sa nirentahan nilang karaoke. Kahit na papiyok-piyok ako sa pagkanta, gorabels lang ako. Singerist atah ako kaya confident ako sa boses ko. Kahit tanghaling tapat go lang sa pagkanta.
Oh ayan na! Chorus na! Hingang malalim sabay "🎶UNTI-UNTING LUNURIN ANG AKING NADARA---" Ay pusha! Bakit biglang nag brown out! Badtrip! Kung kelan chorus na saka naman eepal ang kuryente.
"Awwww." Lintanya nang mga tao dito sa birthdayan.
Inis akong napaupo sa tabi nang boyfriend ko na si Justin. Busy ito sa panunuod nang pokemon sa cellphone nya. Kinalabit ko sya. "Oyy Jah!"
"Oh?" Respond nya pero hindi nya ako nilingon.
"Brownout na, uwi na tayo." Isinandal ko pa ang ulo ko sa balikat nya.
Pinatay nya ang kanyang cellphone at sabay kaming tumayo. "Tara na, uwi na tayo. Sa bahay ka nalang kumanta may generator naman tayo." Ginulo nya pa ang buhok ko.
Napangiti naman ako. Alam ko na napakaswerte ko sa kanya, dati akala ko, hanggang imagination ko nalang na magiging boyfriend ko ang pinakabatang member nang SB19 pero heto at mag dalawang taon na kami.
Ilang metro lang naman ang layo nang bahay namin sa kapitbahay kung saan kami galing. To be honest, magkasama na pala kami sa iisang bahay, oo, itinanan ko sya--char lang.
Pagkapasok pa lang namin sa bahay, nagsaplang kaagad ako nang sinaing. May binigay na ulam ang kapitbahay kaya magluluto ako nang kanin.
Naupo si Jah sa sala namin at pinagpatuloy ang panunuod sa cellphone nya. Hindi ko naman sya pinipigilan. Okay nang Pokemon ang panuodin nya kesa sa Por--ay basta.
Umakyat lang ako nang kwarto para kumuha nang damit. Lagkit na lagkit na ako sa katawan ko kaya maliligo na ako. Oh yeah, uso maligo. Lalo na't isang Justin De Dios ang kasama mo sa iisang bahay.
Bago ako pumunta sa banyo, tumigil ako sa tapat ni Justin."Jah, pakicheck yung sinaing ha? Liligo lang ako."
"Oo, ako bahala." Oh di ba, hindi man lang sya tumingin.
Pagkatapos ko maligo, kakalabas ko palang nang banyo nang pumasok sa ilong ko ang mabahong amoy. Amoy na para bang may nasusunog.
"Jah, may naamoy ka ba?" Tanong ko kay Justin. Ganun pa din sya, nakaupo sa sofa. "Ang baho."
Kaagad nyang inamoy ang sarili nya. "Hoy! Naligo ako kanina ha."
"Sira, hindi Ikaw ang tinutukoy 'kong mabaho. Para kasing amoy sun--" Naalala ko ang sinaing na isinalang ko sa apoy kanina. Hutek! Sabi nang I check ni Jah ang sinaing! Bakit hinayaan nyang masunog! "Jah, Chineck mo ba ang sinaing ha?"
Tumango sya. "Oo naman. Masunurin kaya ako."
"Eh bakit amoy sunog?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya. Nagmadali akong dumaretsyo sa kusina.
Halos masuntok ko ang pader nang makita kung ano ang nangyari sa iniutos ko sa matino 'kong boyfriend.
Isang malaking check ang nakalagay sa gilid nang kaldero. Sa ganitong eksena ako napapa “Kill. Justin. Now.”
Literal na Chineckan nya yung kaldero. Huhu. Takte ka, Jah! Napakatino nang pag iisip mo! Nasaan ang utak mo?
"JUSTIN DE DIOS! ANONG GINAWA MO SA SINAING!" Nagdidilim ang paningin ko! Pigilan nyo ako!
Unti-unti syang sumilip sa pinto nang kusina. Nakapeace sign pa sya at nakangiti nang nakakaloko. "Heheh. Sinunod ko naman utos mo, love."
Nanggigil ako! Pasalamat sya mahal ko sya! Hmmmp!
Dedicated to: Jamilah De Guzman
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙