Siren's Serenity

27 4 0
                                    

"Zee, nasaan si Eli? Ibigay mo sya sa akin." Hawak nang isang kamay ko ang maliit na baril na ngayon ay nakatutok sa baliw na doctor na nakatayo sa harapan ko.

Imbes na matakot, ngumisi lang sya sa akin. "Sinong Eli ba ang hinahanap mo, Ken? Ang nilalang ba na 'yun?" Baliw na talaga ang doktor na ito. Ilang araw nang nawawala ang babaeng mahal ko at alam 'kong si Dr. Zee lang ang magkakaroon nang interest sa kanya dahil sya lang ang nakakaalam nang totoo.

"Ibigay mo sya sa akin, Zee. Hindi ako magdadalawang isip na iputok sayo ang bala ang baril ko." Nagtitimpi lang talaga ako.  Nandito kami ngayon sa loob nang laboratoryo nya, naglakas loob ako na puntahan dito si Eli, babawiin ko sya.

"HAHAHAHA." Sinakop nang malutong nyang pagtawa ang buong lugar. "Eh di iputok mo. Akala mo ba natatakot ako sa'yo? At Isa pa, bakit ko naman sya ibibigay sa'yo? Alam mo bang sya ang susi ko para makilala ako sa buong mundo."

Humakbang ako papalapit kay Zee at itinapat ko ang dulo nang baril sa noo nya. "Paano mo pa pakikinabangan si Eli kung ngayon palang papatayin na kita."

Ngumisi na naman sya. "Sige, patayin mo ako, Ken. Pero sisiguraduhin 'kong pati si Eli, mamatay kasama ko." Naglabas sya nang isang maliit na remote at pinindot ang pulang button na nandoon. "Gusto mong makita si Eli di ba? Sige. Pagbibigyan kita."

Sa gitnang sahig nang bakanteng kwartong ito, biglang nagkaroon nang pagyanig at nahati ang sahig. Isang malaking bagay ang pumaitaas, parang isang malaking acquarium na kasya ang isang tao.

"Eli!" Kaagad 'kong sigaw pagkakita sa kanya.

Bumuka ang bibig nya at alam 'kong pangalan ko ang binanggit nya. Nakaramdam ako nang awa. Kahit nasa tubig ko sya, kitang kita ko ang mga pasa nya sa mukha at sa braso.

Sinaktan nila ang mahal ko!

Mas lalo akong nang gigil sa nakita ko. Paano na nagawa nang doktor na ito ang karumal dumal na bagay sa isang nilalang na katulad ni Eli . Alam 'kong sanay sa tubig ang katulad ni Eli pero bakit kailangan pang ikadena ang mga kamay nya. "PAKAWALAN MO SI ELI NGAYON DIN!" Malapit nang mapatid ang ugat ko sa leeg sa lakas nang aking pag-sigaw.

Hindi na ako nabigla pa nang maglabas din nang baril si Zee. Hindi ito nakatutok sa akin kundi sa direksyon ni Eli. "Kung papatayin mo ako, papatayin ko din ang halimaw na minamahal mo." Naging seryoso na din sya.

"Tumigil ka, Zee! Bitawan mo ang baril mo at hayaan mo nalang kaming makaalis ni Eli." Bakit ba ang hirap pakiusapan nang doktor na to!

"Ano ako hangal? Bakit ko hahayaang umalis ang nilalang na Yan? Dahil sa kanya magiging tanyag ako. Oh baka Ikaw Ang higit na hangal sa ating dalawa, Ken. Ikaw na isang tao? Mamahalin ang isang sirena na tulad nya? Bali--"

PAK!

Hindi na ako nakapagpigil pa, binilisan ko pagkilos ko. Sa lakas nang pagsuntok ko sa sikmura nya kaagad syang nawalan nang malay. Bagsak sa maalikabok na sahig ang katawan nang baliw na doktor.

Kinapkap ko ang doktor para hanapin ang susi. Buti nalang nakita ko kaagad.

Mabilis akong lumapit sa malaking acquarium kung saan naroon ang mahal ko. Pareho naming nilapat ang mga palad namin sa salamin na namamagitan sa aming dalawa. "Babawiin na kita sa kanya, Eli." Isang ngiti ang ipinakita ko sa kanya.

Tumango lang sya. Kahit isa syang sirena, hindi rin sya nakakapagsalita sa ilalim nang tubig.

Habang wala pang malay ang doktor, binasag ko ang salamin at kaagad na umagos ang tubig pababa. Kinalagan ko ang mga kadenang gumagapos kay Eli. Hinubad ko din ang jacket ko at ibinalabal sa kanya saka ko sya binuhat.

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon