The Runaway Groom

33 6 0
                                    

"Wala pa rin ba si Stell? Sya ang groom dapat sya ang nauna dito sa simbahan hindi ang bride." Himutok ni Papa na nakatayo sa gilid ko.

Tama nga, dapat si Stell ang nauna dito sa akin. Ako dapat ang hinihintay nang groom--pero nasaan na nga ba sya? Nag-aalala na ako.  Mahigit isang oras na kaming nag aabang sa kanya dito sa labas nang simbahan. Naiinip nadin ang mga bisita at abay.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip, hindi kaya umatras na sya? Hindi kaya narealized nya na hindi ako worth it pakasalanan. Stell, please. Araw nang kasal natin oh, wag mo naman akong iwanan sa ere.

Humigpit ang hawak ko sa bulaklak na hawak ko. Mabuti nalang at nakabelo ako, hindi mahahalata nina papa na pumapatak na ang luha ko.

"Bes." Hingal na lumapit sa akin ang bestfriend 'kong si Zery. Hawak nya ang cellphone nya at bakas sa kanya ang pangamba. "Bes, nagtext sa akin si Pablo, hindi na daw makakapunta pa dito sa simbahan ang groom mo."

"Teka, anong sabi mo? Zery, please. Kasal ko 'to. Wag nyo naman ako i-prank." Gusto ko nang humagulhol. Please, stop joking around.

"I'm so sorry, but I'm not joking. Look." Pinakita nya sa akin ang chat message ni Pablo na matalik na kaibigan ni Stell.

Nakaramdam ako nang panghihina sa nabasa ko. Totoo nga, umatras si Stell sa kasal namin. Unti-unti 'kong nabitawan ang bridal bouquet ko, muntik pa akong mapaupo sa semento dahil sa panghihina nang mga tuhod ko.

Pinagtitinginan na ako nang mga tao, mukhang alam na nila na hindi na ako sisiputin nang groom ko.

Stell, bakit? Bakit mo ginawa sa akin ang bagay na ito. Kung ayaw mo naman pala akong pakasalan, bakit pinaabot mo pa sa ganitong sitwasyon. Pinahiya mo lang ako.

Umayos ako nang tayo at itinaas ko ang aking belo. Humarap ako kay Zery. "Nasaan daw si Stell ngayon? Hindi ako papayag na sa ganito nalang ito magtatapos."

"Nasa condo daw sya sabi ni Pablo."

Kaagad akong umalis nang simbahan, sumakay ako nang bridal car at ako mismo ang nagdrive. Pupuntahan ko si ang walang kwenta 'kong groom. Yare sya sa akin!

Nang makarating ako sa condo ni Stell, dumaretsyo ako kaagad sa unit nya. Pinagtitinginan pa nga ako dahil sa suot ko. Malaki kasi ang bridal dress ko eh.

Nasa tapat na ako nang pinto nang unit nya pero hindi muna ako kumatok. Inilapat ko ang dalawang palad ko sa tyan 'kong dalawang buwan nang may laman. "Baby, hayaan mo si mama, sasapakin ko lang nang Isa ang papa mo."

Oh di ba? Sinong hindi mababadtrip? Hindi lang ako ang tinakbuhan ni Stell, kundi ang magiging anak namin. Humanda talaga sya sa akin.

Bzzzzzzzz. Bzzzzzzzz. Bzzzzzzzz.

Paulit- ulit 'kong pinindot ang doorbell. Sobra akong nang gigigil. Lumabas ka dito Stellvester! Mag usap tayo!

Bumukas ang pinto at sa wakas humarap sa akin ang lalaking papakasalan dapat ako ngayon.  Naka boxer lang sya at wala pang pang itaas.

"J-Jillian? Anong ginawa mo dito?" Bakas sa kanya ang pagkagulat. Bakit? Hindi nya ba I expect na pupuntahan ko sya.

PAK!

Isang malaka na sampal ang isinagot ko sa kanya. "Sinong may sabi na pwede mo akong takbuhan sa kasal natin ha?!" Itinulak ko sya pero hindi man lang sya natinag sa kinatatayuan nya.

"Let me explain, Jillian." Seryoso nyang sambit.

"Explain what? Balak mo ba kaming takasan nang anak mo ha? Stell naman! Nasa tamang pag iisip ka pa ba?" Naiinis ako!

"Mine? Who's there?"

Napanganga ako at hindi alam kung ano ang irereact nang lumabas mula sa banyo ang isang babaeng nakatapis lang. Takte! Ano ang ibig sabihin nang mga ito?

Bumuntong hininga ako. "Stell, sino ang haliparot na babaeng 'to." Itinuro ko pa babaeng nagtatago ngayon sa likod nang magaling 'kong fiance.

"Mine, who is she?" Maarteng tanong din nung babae. Si Stell, nakayuko lang.

"Hoy, babae ka. Manahimik ka pwede? Gusto mo ibalik kita sa matres nang nanay mo. Ako lang naman ang babaeng papakasalan nya kaso kaya pala hindi sya dumating sa kasal ko, inahas mo naman pala." Pusha, makukunan atah ako sa kanila eh.

"Jillian, I'm so so---" PAK! Buong pwersa 'kong sinampal si Stell.

"Hindi ko kailangan ang sorry mo. Kung ayaw mo sa amin nang anak mo, fine. Mas hindi kita kailangan sa buhay ko." Tumalikod na ako. Hindi ko kayang manatili pa sa Lugar Kung saan ako pinagtaksilan nang lalaking magiging asawa ko dapat.

Sandali, napakapit ako sa pintuan at napahawak sa aking tiyan. Awww. Masakit. B-bakit masakit ang tyan ko?

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang mapansin ko ang pulang mantsa na nagbibigay kulay sa puti kong gown.

"S-stell, a-ang b-baby ko." Hindi ko na mapigilang umiyak. Anak, please. Kapit ka lang kay mama.

Nanghina ako at nawalan nang balanse. Naramdaman ko nalang na sinalo ako ni Stell. "Stell ang baby k---"

"Jillian! Jillian! Gising!" Nabalik ako sa realidad nang maramdaman 'kong may sumasampal sa akin nang mahina.

Nang imulat ko ang mga mata ko. Nabungaran ko ang lalaking laman nang aking panaginip. "S-stell?" Nanghihina parin ako.

Pero Teka lang!

"Mine, ayos ka lang b---Aray! Ano ba! Tama na! Wag mo akong sabunutan! Aray! Huhu! Mine tama na." Mangiyak ngiyak si Stell dahil sa pagsabunot ko sa buhok nya.

"MANLOLOKO KA! NILOKO MO AKO TAPOS INIWAN MO PA AKO SA KASAL NATIN KAYA NAAGASAHAN KO! WALANGYA KA!" Beast mode na kaagad ako!

Sapilitang hinawakan ni Stell ang dalawang kamay ko na sumasabunot sa kanya. "Tama na, mine. Anong niloko ka dyan, hindi kita niloko at anong sinasabi mo na iniwan kita sa kasal natin eh apat na taon na tayong kasal. Nananaginip ka lang."

Natigilan ako. "Hah? Hindi mo talaga ako niloko? Legit?"

"HAHAH." Mahina syang napatawa. "Mine naman, hinding-hindi ko gagawin ang lokohin ka. Swerte ko nga sayo eh kasi minahal mo ako. Imagine fan girl lang kita dati tapos ngayon Mrs. Ajero ka na."

"Seryoso?" Paninigurado ko. Langyang panaginip naman Yan.

Inayos ni Stell ang buhok ko at hinalikan ako sa labi ko kahit Hindi pa ako nagsisipilyo. "Gising ka na, Mine. Tigilan mo na kakapanuod nang kdrama ha. Kaka- Kdrama mo yan."

"Mama? Papa? Gising na ba kayo? Gutom na ako." Pumasok sa loob nang kwarto namin ang isang batang lalaki na kamukha ni Stell.

WAHHH! Ang anak ko!

Kaagad ko syang niyakap pagkasampa nya ang kama. "Wahh. Akala ko nalaglag ka na sa tyan ni mama." Grabe, naiiyak ako. Hindi ko makakalimutan ang panaginip Kong Yun.

Niyakap kami ni Stell at hinalikan nya ako sa noo ko. "Mine, Tama na Ang kdrama ha."

Napatango nalang ako. "No more kdrama na."

Dedicated to: Jillian Abad Jayme

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon