Ala singko na nang hapon nang makarating ako sa bahay nang kasintahan ko. "Langga? Nandito na ako." Nakapasok na ako sa loob nang bahay subalit wala paring sumasalunong sa akin. Nasaan na ba ang babaeng 'yun?
"Langga? Nasaan ka ba?" Inilapag ko sa mesa ang pasalubong ko sa kanya na isang balot nang hilaw na french fries. Lulutuin ko pa 'to mamaya. Langya, bili ko na luto ko pa.
Nasaan ba kasi sya? Nasa labas ang kotse nya kaya ang ibig sabihin nandito sya sa loob ng bahay. Haist. Tinataguan nya na ako? Nagpapakaisip bata na naman sya.
Umakyat ako sa kwarto nya, subalit wala akong nakita na babaeng maliit at may pangalang Mel. Nalibot ko na din ang buong bahay pero wala talaga eh. Sinubukan ko syang tawagan pero walang sumasagot. Nag-aalala na ako sa kanya.
Nagdesisyonan ko na lumabas nang bahay para hanapin sya, baka naman nasa kapitbahay lang sya at nakikipagdadal---
Nanigas ako na parang bato sa kinatatayuan ko nang mapatingin ako sa bubong nang bahay. Ang babaeng hinahanap ko---
--NAKATAYO SA MISMONG BUBONG!
"LANGGA! NABABALIW KA BA? PLEASE! BUMABA KA DYAN! KUNG MAY PROBLEMA KA MAG-USAP TAYO!" Kaagad 'kong sigaw sa kanya.
Mas lalo akong nataranta nang gumalaw sya, natatakot na baka mahulog sya, tatlong palapag pa naman ang bahay nya.
"KEN! AYOKONG BUMABA. PLEASE, UMALIS KA NALANG!" Ganting sigaw nya sa akin, umiiyak din sya alam ko.
"HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI KA DYAN, BUMABABA! PLEASE NANDITO AKO MAG USAP TAYO!" Kinakabahan ako! Ano ba kasing problema nya? Kung may pinagdadaanan sya dapat sinasabi nya sa akin, ako ang boyfriend nya di ba?
"HINDI KEN, HINDI AKO BABABA. HINDI MO KASI NAIINTINDIHAN ANG NARARAMDAMAN KO." Nasa dulo na sya nang bubong.
"PLEASE, BUMABABA KA NA, MAKIKINIG AKO SA PROBLEMA MO!" Hutangana, mapapatid na atah ang ugat ko sa leeg ah. Mapapaos pa atah ako, bumababa nalang kasi sya. "KAPAG HINDI KA PA BUMABABA, AAKYAT NA AKO!"
"KEN, HINDI MO KASI AKO NAIINTIDIHAN EH!"
"ANO BA KASI ANG PROBLEMA MO? SABIHIN MO SA AKIN NGAYON NA!" Please, ayokong makita syang magpakamatay sa harapan ko.
Nagtaka ako nang maglabas sya nang cellphone at itaas ito sa ere. "HINDI MO KASI AKO MAIINTIDIHAN DAHIL HINDI KA NAMAN NANUNUOD NANG KDRAMA."
Napataas ako nang kilay. "HA? ANONG SINASABI MO?" Acck! Sakit na nang lalamunan koooo!
"WALANG SIGNAL KEN, KANINA PA KO NAGHAHANAP NANG SIGNAL. HINDI KO MATAPOS ANG KDRAMA NA PINAPANUOD KO."
Napahawak ako sa noo ko. Bwisit. Nang dahil lang sa kdrama, aakyat sya nang bubong?! Pasaway! "BUMABA KA NA, MEL ROSE!"
"Hmmp! Fine!"
Pumasok na ako sa loob nang bahay at hinintay syang makababa. "Bwisit Naman eh naghahana--" Kaagad ko syang niyakap nang sa wakas ay nakapasok na sya.
"Langga naman!" Hinawakan ko ang mukha nya. "Sa susunod wag kang aakyat sa bubong, sobra mo akong tinakot. Paano kung nahulog ka dun ha? Paano na ang future ko na wala ka? Paano na ang mga anak ko kung hindi Ikaw ang nanay? Paano na ang buhay ko kung mamata-- ARAY! WAG MO AKONG SABUNUTAN!"
Binitawan naman nya kaagad ako. "Ang o.a mo kasi! Umakyat lang naman ako sa bubong para maghanap nang signal. Nakakabwisit data ko eh, putol putol. Pati tuloy panunuod ko nang kdrama putol-putol din--- Aray naman. Bakit ka nananakit?!" Piniktosan ko sya sa noo nya.
"Ako pa talaga ang o.a sa ating dalawa ha? Matapos mong umakyat sa bubong dahil lang sa signal? Pinakaba mo ako nang sobra! Paano kung nahulog ka dun? Akala ko magpapakamatay ka eh. Sa susunod wag ka nang umakyat dun, magpapalagay ako nang wifi dito." Sakit sa ulo. Masyadong pasaway ang babaeng ito. Pangit kabonding.
Bigla naman syang yumakap sa akin at nagpacute. "Sorry na langga." Ngumuso pa.
Ako naman si pokerface lang. Dahil pinakaba nya ako kanina, nagtatampo ako. "Anong sorry? Manahimik ka dyan." Mahirap suyuin ang isang Ken Suson.
Mas sumiksik sya sa akin. "Langga, sorry na po. Hindi na talaga mauulit."
Nahabag naman ang puso ko nang makita syang umiiyak. "Hayss, oo na. Wag mo na uulitin talaga." Niyakap ko din sya nang mas mahigpit, yung tipong Hindi na sya makakahinga. Mamatay sya sa sobrang pagmamahal nang isang Ken Suson.
"Pero kung halimbawa nahulog talaga ako dun at namatay, anong gagawin mo?" Tanong nya sa akin habang nakasubsub ang mukha nya sa dibdib ko.
Napaisip naman ako. Ikakamatay ko din kapag nawala sya. "Susunod ako sa'yo. Ganun kita kamahal, hanggang kamatayan. I will love you, until the end." Hinalikan ko sya sa noo nya. "Halika na nga sa kusina, lutuin na natin ang pasalubong ko sa'yo."
Napapailing nalang ako habang hinihila ko sya papuntang kusina.
Langyang kdrama Yan, muntik pa akong mawalan nang jowa.
Dedicated to: Mel Rose Buizon Badilla.
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙