Malungkot ang expression nang mukha ko habang pinapanuod na mag impake ang boy bestfriend ko. "Pablo,aalis ka na ba talaga?" Hindi na ako nakatiis na magtanong. Nakaupo lang ako sa kama nya.
Sinulyapan nya ako at ngumiti sya, pero halatang peke Naman. "Sorry ha, kailangan ko kasing gawin 'to." Nagpaalam na sya sa akin na kailangan na nyang pumunta sa America para mag aral.
"Bakit naman kasi sa ibang bansa ka pa mag ka-college? Di ba pangako natin na sabay-sabay tayong papasok tapos ga-graduate sa iisang school." Gusto ko magtampo.
Tumigil sa pag-iimpake si Pablo at umupo sa tabi ko. "Alam ko nangako ako, pero sorry kung mababali ang pangakong yun. Kailangan din kasi ni Lola nang magbabantay sa kanya sa America. Hindi na sya pwedeng magbyahe eh."
Napayuko nalang ako. Nasa tabi ko palang sya ngayon pero nalulungkot na ako kapag iniisip ko na nasa ibang bansa na sya. Hindi ko kayang mawalan nang kaibigan. At hindi ko pa nasasabi na gusto ko sya.
Hinawakan ni Pablo at chin ko para maiangat ang mukha ko. "Wag ka na malungkot, please. Wag mo naman akong pahirapan baka hindi ako makaalis nyan eh."
"Bakit kasi aalis ka pa?" Wala na, nagsimula na akong umiyak. Sobrang lungkot.
Kaagad nyang pinunasan ang pisngi ko gamit ang palad nya. "Shhh. Don't cry, kapag nasa Amerika na ako, ikaw pa din naman ang prinsesa ko."
"Pangako? Ako pa din prinsesa mo?" Paninigurado ko.
Ngumiti lang si Pablo at ginulo ang itim 'kong buhok. "Opo, ikaw parin ang prinsesa ko.Wag kang lalampa-lampa pag wala na ako ha. Mag-iingat ka palagi, saka andyan pa naman si Josh, may kaibigan ka pa."
"'Di ba nangako tayong tatlo na walang iwanan? Bestfriends tayo di ba? Saka paano si Josh? Ooperahan na sya sa puso mamaya siguradong hahanapin ka nun pag gising nya." Tatlo kaming magkakaibigan, simula bata palang ay magkakasama na kami.
Hindi na sya sumagot sinabi ko sa halip niyakap nya ako ng sobrang higpit. "Paalam na basta lagi kang mag-iingat ha. Alagaan mo si Josh nang mabuti. Wag nyo akong kakalimutan ha, chat nyo lang ako kapag namimiss nyo ako. Mahal na mahal ko kayong dalawa."
Makapagpaalam naman sya parang di na kami magkikita.Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at mas lalo akong naiyak. "Babalik ka ha. Hihintayin ka namin ni Josh."
Hinalikan ako ni Pablo sa noo. "Basta tandaan mo, ikaw lang ang Prinsesa ni Pablo."
Pagdating nang bandang hapon, sumama ako sa airport para ihatid na si Pablo sa flight nya. Nagflying kiss pa si Pablo sabay talikod at hila hila ang maleta nya.
Gabi na nang makabalik ako sa hospital kung saan nakaconfine si Josh. "Hi." Matamlay na bati ko sa kanya
Kumuha ako nang upuan at naupo ako sa gilid nang kama nya.Hinagilap nya ang kamay ko. "Umiyak ka ba?" My pag- aalala sa boses nya.
Malungkot ako na tumango. "Umalis na si Pablo." Nagsimula na namang pumapatak ang luha ko.
Hinigpitan ni Josh ang hawak sa kamay ko. "Shhh. Don't worry. I'm here. Mag-aaral lang naman si Pablo. Babalik din sya. Wag ka nang umiyak, please. Malapit na akong operahan hinihintay lang yung puso na galing sa donor at ayokong pumasok sa operation room na ganyan ka."
Kumuha ako nang panyo at pinunasan ang mukha ko. Pilit akong ngumiti sa harap ni Josh. "Hindi na nga, sana maging successful operation mo."
Napaisip ako, sino kaya ang donor ni Josh? Ambait nya para ibigay ang puso nya sa kaibigan ko.
Dumating na ang operasyon ni Josh at habang inooperahan sya, nasa labas lang ako nang operation room. Nakatayo sa isang sulok at nakaharap sa pader.
Nang biglang may lumapit na isang babae sakin. "Alex?" Banggit ko sa pangalan nya. Bunsong kapatid sya ni Pablo. Anong ginagawa nya dito?
"Hi, ate Honeylene. Napadaan lang ako dito kasi may inihabilin nga pala si kuya na ibigay ko daw sa'yo kapag nakaalis na sya." I was shocked nang isang cellphone ang inabot nya sakin.
"Cellphone ito ni Pablo di ba? Sadya ba nya itong iniwan para ibigay sa akin?" Nagtataka man, inabot ko parin yung cellphone.
"Stop asking me a question basta sabi nya, panoorin mo ang video na nandyan na ginawa nya para sa'yo." After that, wala na syang ibang sinabi. Tumalikod na sya at umalis.
Inunlock mo yung phone ni Pablo at pumunta ako sa gallery. May isang video ang nakasave. Kaagad ko itong plinay.
Si Pablo ang nasa video.
Nakaupo sya sa kama nya at ang suot nya dito ay ang damit na suot nya kanina bago umalis. Kulay orange na polo.
Anong pakulo ito ni Pablo?
Nakangiti pa sya sa video at kumakaway. " Hi, Honeylene. Sa oras na pinapanuod mo ang video na'to---" Naging malungkot ang mukha nya at kapansin-pansin ang pagtulo nang kanyang luha. "--Kapag napanuod mo 'to malamang patay na ako at inooperahan na si Josh."
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. A-anong ibig nyang sabihin?
"Tandaan mo na mahal na mahal ko kayong dalawa nang kaibigan 'kong si Josh. Sayang, hindi ko man lang nasabi na mahal kita higit pa sa kaibigan. Ang totoo kasi---" Nakangiti sya pero tuloy tuloy ang pag-agos nang luha nya. "--- magtatapat dapat ako sa'yo na mahal kita kaso nalaman ko na si Josh pala ang mahal mo, nalaman ko din na mahal ka din ni Josh."
Yumuko na sya sa video at tinakpan ang kanyang mukha. "So, I decided na ibigay nalang ang puso ko sa kanya para makasama mo pa sya ng matagal, alam ko naman na mahal mo din sya. Hindi ako totoong pupunta sa America, I'm so sorry kung nagsinungaling ako.Mag-iingat kayong dalawa ha, pero tandaan mo ikaw parin ang prinsesa ko kahit nasa kabilang buhay na ako. Paalam."
Nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha ko at napaupo na ako sa sahig. Nanghihina ako sa nalaman ko, Pablo, bakit Ikaw pa ang kailangang magsakripisyo.
I'm so sorry, Pablo. Ikaw na ang nasaktan, ikaw pa ang naparaya. Hindi mo na dapat ginawa yun.
Dedicated to: Honeylene Jane De Guzman
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙