Groom's Best Man

38 3 1
                                    

"Omg! You're so beautiful, Mikaela! I can't believe it na ikakasal ka na! At grabe sa member pa ng SB19 ikaw ikakasal, why so lucky!" Kinikilig na sabi ni Rica, ang aking maid of honor.

Yeah, I am Mikaela and today is my wedding day. Nandito kami sa loob ng bridal car na naka park na sa labas ng simbahan. Hindi ko mapaliwag kung kinakabahan pa ako o hindi, basta naiiyak ako.

"Oh, bakit ka umiiyak? Ang ganda ganda mo pa tapos iiyak ka lang, buti waterproof make up mo. Ano yan tears of joy?" mataray na tanong nya.

I just smiled. "I'm fine, don't worry about me." Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan doon ang aking wallpaper. Ang lalaking pinakamamahal ko. "Ken Suson." Hinawakan ko ang tyan kong dalawang buwan nang may laman.

Kinuha ni Rica ang phone ko at itinago. "Tama na yan, wag mo nang tingnan ikakasal ka na't lahat. Let's go. magsisimula na ang kasal."

Bumaba na kami ni Rica nang kotse. Medyo nahirapan ako kasi ang laki laki ng gown ko. Sa labas palang ng simbahan, makikita na ang pagkarami raming pink na nga rosas.

pagtapat ko sa pinto ng simbahan, unti-unti na itong bumukas. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Nagsimula nading i-play ang kanyang ' You're so beautiful in white ' habang naglalakad na ako sa aisle.

At sa dulo ng red carpet, doon nakatayo ang limang lalaki na hinangaan ko sa buong buhay ko, napakagwapo nila sa suot nilang puting tuxedo. Lahat sila nakangiti sakin. Ang SB19. Si Sejun, Si Justin. Si Josh. Si Stell, at ang lalaking mahal ko, Si ken.

Nang makarating ako sa harap nilang lima, lumapit sakin si Ken at kinuha ang kamay ko. Doon pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. " Napakaganda mo, Mikaela." Hinalikan nya ang kamay ko bago inabot sa aking groom---

si Stell Ajero.

Sa harap ng lahat mahigpit akong niyakap ni Stell, at bumulong sakin. " Mikaela, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari satin noon na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng baby  ang tyan mo, masakit isipin na alam kong hindi ako ang gusto mong pakasalan pero bilang lalaki papanindigan kita at ang magiging anak natin. I love you at sana matutunan mo din akong mahalin."

He kissed me on my forehead at tuloy tuloy nang pumatak ang luha ko. Sana nga matutunan kong mahalin ang lalaki magiging kabiyak ng aking puso sa araw ng aking kasal.

Dedicated to: Mikaela

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon