Click! Click! Click!
Sunod sunod na tunog ng camera ni Ken, Siraulo sabi nang ayokong magpapicture napakakulet. Kanina pa nya ako kinukunan nang picture habang nakaupo ako dito sa bench at nagbabasa nang libro.
"Langga, baka naman gusto mong umayos. Lahat ng kuha ko sayo blurred eh. Ganda ganda nang model ko tapos hindi ka man lang ngumingiti dyan." Stress na sambit ni Ken. Nandito kami sa park, napag-usapan naming magkita at pagdating ko nga dito kakaupo ko palang sa bench inilabas nya kaagad ang mamahalin nyang camera.
Nakasimangot akong tumingin sa kanya. "Pwede ba, Ken. Tigilan mo na ang kuha sakin nang litrato alam na alam mo namang ayoko nang pinipicturan ako."
Binaba nya ang camera nya. "Bakit ba ayaw mo nang kinukunan ka ha? Arte naman neto. Picture lang eh. Bilis na, pagbigyan mo na ako."
"Maarte na kung maarte pero hindi mo ako mapipilitin na maging model mo. Bakit ayaw kong magpapicture? Kasi hindi ako maganda katulad ng iba na kahit kunan mo saan mang anggulo maganda parin. Yung ganda ko hindi papasa na parang model. Madami akong insecurities sa katawan. Hindi ako maganda sa personal at hindi rin ako maganda sa picture. Kaya tigilan mo na yan please lang." Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.
"Joanne, magan---"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Tumayo ako at nagsimula nang humakbang palayo. "Tara nalang kumain sa mall, doon madami kang makikita kang maganda."
Wala akong nararamdamang sumusunod sakin kaya lumingon ako sa kanya. Sa paglingon kong iyon, sumabay ang buhok ko sa hangin. "Ken, Tara na!" Baliw talaga, picture pa nang picture.
Matapos ang date namin ni Ken, hinatid nya ako sa bahay katulad nang madalas nyang gawin.
Kinabukasan, isang regalo ang iniwan nya sa pinto nang bahay namin. Out of curiosity, I picked it up. Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang picture frame na may picture ko.
Bigla akong napangiti at kinikilig. It was me, nakatayo ako sa park habang ang buhok ko ay nililipad ng hangin.
Biglang dumating si Ken at inabot sakin ang isang bouqeut ng red roses. "You are the most beautiful girl I've ever meet, Joanne. You are beautiful inside and out. That pictures is a proof that you have a unique beauty. Ang mahalaga naman mahal kita."
Yumakap ako sa kanya. "I love you Ken."
He kiss me on my forehead."I love you too. Maganda ka okay. Ayokomg dinadown mo ang sarili mo."
Ang swerte ko naman na si Ken ang boyfriend ko. He loves me kahit na hindi ako kagandahan.
True loves knows the real beauty.
"You are my beautiful universe. Maganda ka man o hindi, tandaan mong mahal na mahal na mahal ka nang isang Ken Suson."
Dedicated to: Joanne Mabbalud
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙