Fan Girl

59 4 0
                                    

Kakapasok ko lamang nang classroom nang salubungin ako ni Ken. Boy bestfriend ko sya since elementary.
"Hanna. Totoo bang nililigawan ka ni Justin?" Dama ko na may kunting inis sa pananalita nya.

Si Justin De Dios ang celebrity/ model na lihim na nanliligaw sa akin. Actually, matalik din namin syang kaibigan and of course, as a supportive friend, I become is fan girl.

Solid magkaroon nang boy bestfriend, hindi sila plastik, liligawan ka nga lang.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ken, dumaretsyo ako sa silya ko at umupo. Sumunod pala sya sa akin at dama ko na parang may gusto syang sabihin. "Sabihin mo sa akin, Hannah. Nililigawan ka ba nya?"

Kami lang naman ang tao dito sa classroom dahil maaga pa. Maya siguro walang pakialam si Ken kahit na malakas pa ang boses nya. "Oo, Ken. Nililigawan nya ako."

Napailing si Ken sa sagot ko. "At pumayag ka naman? Hindi ka man lang humingi nang permisso sa akin kung pwede ka nyang ligawan."

Napasandal ako sa backrest nang upuan ko at nag crossed arms. "Bakit ba ganyan ang reaksyon mo? Masama bang magpaligaw ako sa kanya. At bakit kailangan ko pa magpaalam sa'yo? Tatay ba kita?" Hindi ko maintindihan itong si Ken. Ano bang problema nya?

"Kaibigan nyo parin ako, dapat hindi kayo naglilihim sa akin." Naiinis na sya.

Tumayo na ako. Para kasing may mali eh. "Ken, bakit ba ayaw mong ligawan ako ni Justin? Bakit nagseselos ka ba?" Ang weird nang kilos nya eh. Wag nyang sabihin sa akin na pati sya may gusto din sa akin. Ang haba naman nang hair ko.

"Oo, Hanna. Nagseselos ako. Nagseselos ako na nililigawan ka nya, dapat ako 'yun eh. Ngayon palang makipag-usap ka na sa kanya. Sabihin mo, tigilan na nya ang pang liligaw sa'yo. Lumayo ka na sa kanya, please."

Watda! Si Ken, nagseselos talaga?! Gusto nya ba ako? Woah! Bakit ba nagkakagusto sila sa akin.

" Anong karapatan mo nautusan si Hanna na layuan ako?" Hindi ko namalayan na dumating na pala si Justin. Anong ginagawa nya dito? Sabi nya may shooting sya ngayon para sa bago nyang drama?

"Hindi mo sya pwedeng utusan na patigilin ako sa panliligaw sa kanya. I like her at hindi mo na mababago 'yun. Handa akong iwanan ang career ko just for her." Seryoso na din si Justin.

"Ken, please.Wag mo na kaming guluhin pa. Hayaan mo nalang kaming maging masaya pareho." Sana lang makinig sya sa pagmamakaawa ko. Hope he can be happy for me and Justin.

Umiling si Ken at pansin 'kong tumutulo na ang luha nya. "Hanna, please. Sige na patigilin mo na si Justin sa panliligaw sa'yo. Nasasaktan ako eh. Nasasaktan ako kapag nakikita 'ko kayong masaya."

"Ken, bakit ka ba ganyan? Gusto mo ba si Hanna? Kung gusto mo sya dati pa sana ikaw nalang ang unang nagtapat sa kanya. Hindi ngayong kung kelan nanliligaw na ako saka mo naman ako pipigilan. Tell me, pre. Gusto mo din ba si, Hannah?"

Tumingin si Ken sa mata ni Justin. " IKAW JUSTIN! IKAW ANG GUSTO KO DATI PA! NAIINIS AKO NA SI HANNA ANG MAGIGING GF MO! MAHAL KITA HIGIT PA SA KAIBIGAN!"

Pareho kaming napanganga ni Justin sa pagkabigla sa ipinagdapat nang kaibigan namin. Hutangene, mahihimatay atah ako ah.

"What did you say? Na gusto mo si Justin?" Tanong ko nang makarecover ako. "Mygosh! Akala ko pa naman ako ang gusto mo kaya mo ako pinapalayo kay Justin. Babae din pala puso mo?" Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi.

Yumakap sa binti ko si Ken sabay iyak." Wahhh! Ghorl! Please! Akin nalang si Justin! Matagal na akong fan girl nang bestfriend natin eh."

Si Justin natulala nalang, di atah kinakaya revelation ng bestfriend nya.

" Duh! Ghorl ka dyan! Che! Akin si Justin! Akin!" Gigil ako ng baklush na to ah! Aagawan pa ako ng jowa!

Dedicated to: A'tin Hanna Writes

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon