Ken's Secret

33 5 0
                                    

Bitbit ang dalawang malaking paper bag sa tigkabila 'kong kamay, nakangiti akong naglalakad sa aming bakuran. Excited talaga akong umuwi galing trabaho, gusto ko'ng makipaglaro kay Zee, bunsong kapatid ko sya. 7 years old palang sya.

"Kuya Ken!" Sa pagbukas ko palang nang pinto nang bahay, kaagad syang sumalubong nang yakap sa akin. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko at bumagsak ito sa sahig.  "Namiss kita kuya!" May pag gigigil pa ang yakap nya.

Ginulo ko ang itim at maikli nyang buhok. "Mas namiss kita bulilit." Binuhat ko sya at pinisil ang kanyang matabang pisngi. "Ikaw ha, isang linggo lang na wala si kuya parang tumaba ka pa lalo."

"Paanong hindi tataba 'yang kapatid mo? Kain nang kain." Lumabas mula sa kusina ang kaibigan 'kong si Josh. Kumakain ito nang barbeque. Kapitbahay ko sya at sa kanya ko pinagkatiwala ang pangangalaga sa kapatid ko kapag nasa trabaho ako. "Kamusta, pre? May pasalubong din ba ako dyan?" Dagdag pa nya.

Napailing ako. "Akala ko ba voluntarily ang pag aalaga mo kay bulilit pero bakit parang nanghihingi ka nang kapalit--" Sinipa ako papalit sa kanya ang paper bag na kulay blue. "--naawa naman ako sa'yo kaya binili kita nang bago."

Excited nyang kinuha ang paper bag at tiningnan ang laman nito. "Woah! Dre, bagong loptop? Seryoso?! Thank you! Mahal na atah kita!" Akma pa syang lalapit sa akin pero inambahan ko kaagad ang suntok.

"Okay na ang salamat wag ka na yumakap." Nababakla na naman ang Josh na ito. "Umuwi ka na nga muna sa unit mo, ako na ang mag-aalaga kay Zee." Nang sulyapan ko ang kapatid ko, nakatulog na pala sya habang karga- karga ko. Nakahilig pa ang ulo sa balikat ko. Ang cute.

"Wala kang trabaho this week?" Tanong ni Josh. Yakap pa nya ang loptop na bigay ko, akala mo naman babawiin ko pa.

Tumango ako. "This week, wala namang schedule eh. Kaya nagpaalam muna ako sa manager ko na magbabakasyon muna ako kahit 1 week lang." Isa akong solo singer kaya madalas hindi ko nakakasama ang kapatid ko. Hindi ko naman sya pwedeng isama sa mga events ko.

"Ganun ba? Sige. Magpahinga ka na din, babalik  ako sa unit ko." Tinungo na ni Josh ang pinto pero bago pa sya tuluyang makalabas, muli syang lumingon sa akin. "Oo nga pala, si Kristel, dumating dito kahapon. Hinahanap ka." After that tuluyan na syang umalis.

Sa pagsara ni Josh nang pinto, nahimik ako. Si Kristel, Hinahanap ako? Tsk. Bakit bumalik pa sya?

Inayos ko ang pagkarga sa kapatid ko at hinalikan ulit ito sa noo. Mabuti pa dalhin ko na sya sa kwarto nya. Tinungo ko ang kwarto ni Zee na punong-puno nang Stitch. Paborito nya ang Disney character na 'yun.

Maingat ko syang inihiga sa kama. Kinumutan ko sya at itinabi ang isang stitch. "Mahal kita, princess. Sleep tight, pag gising mo andito pa si kuya." Mahal na mahal ko talaga ang bulilit na ito.  Wala na kaming magulang kaya ako na ang nag aalaga sa kanya.

Lumabas na ako nang kwarto nya at  tinungo ko ang sala. Subalit, parang gusto ko nalang bumalik ulit sa kwarto dahil may isang nilalang ang nakaupo na sa sofa ko.

Sinong nagbigay nang karapatan sa kanya para pumasok nang walang paalam dito sa unit ko.

"Paano ka nakapasok dito?" Cold ang tono nang pananalita ko. 

"Malamang sa pinto." Pilosopo nyang sagot. "Josh give me the key words of your unit." Nakangiti pa sya, ngiting tagumpay.

"Pwede ba, Kristel. Umalis ka nalang. Umalis ka nalang ulit katulad nang ginawa mo noon. Bakit kailangan mo pang bumalik ngayong mas masaya ako na Wala ka." Naiinis ako kapag naaalala ko ang ginawa nya 7 years ago.

Tumayo sya at unti-unting naglakad papalapit sa akin. Aaminin ko, magandang maganda sya sa suot nyang itim na  dress na suot nya ngayon at nakalugay pa ang itim nyang straight na buhok. Malayong malayo sa simpleng Kristel na nakilala ko noon. Nawala ang pagiging simple nya.

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon