Bzzzz. Bzzzzz.
Inis akong napakamot sa ulo ko nang mag vibrate ang hawak 'kong cellphone at mag pop up ang chat nang internet bestfriend ko. Wala tuloy akong choice kundi i-pause ang pinapanuod 'kong vlog nang SB19 sa YouTube. Isturbo naman itong si Ssob Cullen.
Fan account lang ang gamit nya pero naging magkaibigan kami dahil pareho kami nang amo. 2 years na kaming mgkaibigan pero Wala akong balak na alamin kung sino sya sa totoong buhay. Hindi ko nga alam kung lalaki ba sya o babae talaga.
“Oy Dre, may tanong ako. Anong una mong gagawin kapag nakita mo sa personal si Josh nang SB19?” Chat nya.
Syempre nagreply ako. "Tinatanong pa ba 'yan? Syempre wala akong papalampasin na oras, hahalikan ko kaagad. Wala nang arte arte. Tapos tatanungin ko sya kung payag syang pakasalan ako." Taas ko mangarap nuh? Ayos lang yan. Katulad ko din namang mangarap ang ibang A'tin.
“Halik kaagad? Mag hi ka naman muna bago ka lumandi. HAHAHAH.” Reply nya. Itong si Ssob lang talaga ang kachat ko.
"Manahimik ka, walang pakialaman nang pangarap. Bakit mo ba tinatanong ha?" Na seen kaagad nya. Hula ko wala din itong kachat eh.
“Nandito kasi ako sa mall malapit sa subdivision nyo at baliw ka, andito ang SB19! May meet and greet sila. Bilisan mo!”
Kaagad akong napatayo sa reply nya. Wahh! Bakit hindi ako na inform na nasa lugar namin ang SB19? Mama! Bakit hindi ako updated sa mga kaganapan!
Muling nagchat si Ssob.“Hihintayin kita. Nandito ako sa parking lot nang Zee Mall. Naka black ako ha. Bilisan mo at sabay tayong magpapapicture sa SB19.”
Sineen ko nalang ang chat nya at mabilis pa sa kidlat akong tumungo sa banyo--5 mins lang atah ako naligo sa sobrang pagmamadali ko. WAHHHH! SB19! ORAS NA PARA MAKIDNAP ESTE MAKITA KO KAYOO!
Nasaan na ba ang marriage certificate na pinaprint ko kahapon? Kailangan 'kong mapapirmahan ang papel na 'yun kay Josh para maging Mrs. Santos na ako!
Nagsuot lang ako nang crop top na kulay black at off shoulder pa sya actually. Tapos highwaist na short at tinernuhan ko nang black din na sapatos. Yieeee minsan ko lang makikita ang mga idolo ko kaya dapat di ako patalo sa porma. Sexy yarn gurl?
Lumabas na ako nang bahay at sumakay nang taxi. Sosyal di ba? Taxi now, ubos pera later. Ilang minuto lang din, nakarating na ako sa sinasabing mall ni Ssob. Hindi rin kasi traffic kaya mabilis ang byahe.
Imbes na i-chat ang kaibigan ko na nandito na ako, dumeretsyo na ako sa groundfloor nang mall. Pero napakunot ako nang noo nang hindi ko makita ang eksenang I expect kong makita.
Nasaan ang mga A'tin na sumisigaw? Nasaan sila? Bakit napakatahimik nang mall?! At NASAAN ANG SB19?! Prinank ba ako ni Ssob? Langya naman oh!
Bzzzzz. Bzzzzzz.
Muling nagvibrate ang hawak 'kong cellphone. Nagchat na ang loko. Humanda sa akin ang bwisit na'to.
“Hey, nasaan ka na? Andito ako sa parking lot. Natraffic ka na ba?” Sineen ko lang ang chat nya at inis akong tumakbo papunta sa parking lot. May nababangga na nga ako eh, pero pasensya nalang kasi badtrip talaga ako ngayon!
Pagdating ko sa parking lot, kaagad ko syang hinanap. Nasaan na ba sya? Gaano ba kalaki ang parking lot na ito bakit hindi ko sya makita? Nakasakay ba sya sa isa sa mga kotseng nakapark dito?
Sa pagod, saglit akong tumigil at chinat ang kaibigan ko. "Sira ka ba? Nasaan ang SB19 ha? Pinapunta mo pa ako dito sa mall, wala naman pala silang event. Saka nasaan ka? Tsk. Wag mo akong iprank!" Sayang kasi pamasahe ko kanina, mahal pa naman nang pamasahe sa taxi.
Ayan, sent na delivered pa. Aba! Sineen lang! Bastos!
"Sino bang may sabing prina-prank kita?" Oh? Nasa likod ko na pala sya? Boses nang lalaki? Sya ba si Ssob?
"Bakit mo sinabi na nan----" Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang humarap ako sa taong nasa likuran ko. Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Nanigas na atah ang dila ko!
Kahit naka mask pa sya, kilalang-kilala ko sya!
"J-josh?" WAHHH! Nabubulol ako mga, mare!
Inalis nya ang suot nyang facemask at ngumiti sa akin. Shocks! Am I dreaming?! Si Josh Cullen Santos ba talaga itong nasa harapan ko? Nakaitim syang t-shirt at jacket.
Kumaway pa sya sa akin. "Ako nga. Hi Kristel. Finally, nakilala na din kita sa personal." Nang ngumiti sya, nahulog ang panty este puso ko!
Mas lalo akong natulala at hindi makahanap nang salita na pwedeng sabihin sa kanya. Luh! Nakita ko lang sya sa personal ayaw na mag function nang utak ko!
Lumapit sya sa akin. "Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" May pag aalala sa boses nya.
"I-ikaw si Ssob Cullen na internet bestfriend ko na gumagamit nang fan account?" Finally, nakapagsalita din. I'm still in shock!
Napakamot sa sya batok nya at namula ang pisngi. Cute! "Yeah, I'm your internet bestfriend and also I'm the sexist and charismatic member of SB19--- Ayos ka lang?!"
Muntik na akong mawalan nang malay, buti nalang nakaalalay sa akin si Josh. Nananaginip ba ako? "Paano? Paanong ang idol na tulad mo ay naging kaclose ko sa internet?" Swerte ko naman!
"HAHAHA." Natawa sya. "Do I have really need to explain? Ganito kasi 'yun, 2 years ago, after rehearsal namin, na bored ako sa social media kaya I created a dummy account then add some accounts of A'tin randomly. I want to make friends with A'tin without knowing about my real identity. To make the story short, I found your account and nalaman ko na gusto mo pala ako kaya nakipga friends ako sayo. I don't know, sa lahat nang A'tin, sayo ako na curious. I know, bawal kami magka girlfriend kaya tinanong kita kung pwede kitang maging bestfriend. And I'm happy kasi without knowing about me, you became a friend to me and respect my privacy without asking who I am. Kaya heto, I've decided na makipag kita na sa'yo."
Mas lalong akong napatulala sa kanya. Gosh! Totoo ba talaga lahat nang narinig ko? Nakakahiya! Ang dami ko pa namang imagination na sinabi sa kanya! So alam nya na pinagpapantasyahan ko sya? Gurl! Kakahiya!
"Aren't you happy to see me? Namumutla ka." Takang sabi nya.
Ano ba irereact ko? Hehe. "Nagulat lang ako." In the sudden, bigla nalang ako naiyak. Hindi ko na kontrol ang emosyon ko. Im happy but confused.
Kaagad nya akong niyakap at pinunasan nya gamit ang daliri nya ang luha ko. "Hey, don't cry. Sorry kung nagulat kita. Pero gusto na kasi kitang makita sa personal eh."
Syempre, kahit confused si Madam yumakap ako pabalik hehehe. "Ang ganda ko naman pala, isang Josh pa ang naghanap sa akin."
Ginulo nya ang buhok ko. "Totoo nga, maganda ka. So, Sabi mo hahalikan mo ako kapag nakita mo na ako sa personal? Nasaan na ang kiss ko?" Nag pout pa sya.
Damn! Kiss daw! "Joke lang naman yu---"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinatak papalapit sa kanya and in the seconds, nagtagpo ang mga labi namin.
Tulala akong napahawak sa labi ko after that. WAHHH! Hinalikan nya ako! MAMAAAAAAAA!
After that, he took some pen on his pocket at kinuha nya ang kanina ko pang hawak na envelope kung saan nakalagay ang marriage certificate na pinaprint ko lang.
PINIRMAHAN NYA!
"Oh Yan, kasal na tayo. Akin ka na ha, Mrs. Josh Cullen Santos ka na. Kasal na ako sayo kaya wag mo na alalahanin pa ang ibang A'tin sa ihawan, kasi sa'yo na ako."
Hinalikan nya ang noo ko. "Yes, unexpected but I'm inlove with my fangirl."
Dedicated to: Kristel Rejanna Pajes
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙