Fan Boy

23 4 0
                                    

Bandang ala singko na nang nakauwi ako dito sa bahay galing sa meet and greet event nang paborito 'kong Ppop group na SB19.

Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa malambot 'kong kama. Sobrang saya ngayong araw, sulit na sulit ang mahabang pila. Nakapag papicture ako sa kanilang lima at pinirmapahan pa nila ang mga photo cards ko. Sa susunod, sa concert naman nila ako pupunta.

Sa kabila nang nararamdaman 'kong pagod. Hinugot ko mula sa  bulsa nang pantalon ko ang aking cellphone, kung saan SB19 pa din ang lockscreen at home screen. Makatambay muna sa social media, makikibalita ako.

Nag log in muna ako sa Instagram ko at ipinost ang mga pictures ko kasama ang SB19. May kasama pang caption na “I love you, SB19.”

Ilang minuto na akong nakatambay sa Facebook, nang tumunog ang cellphone ko at nag pop out ang isang message sa messenger.

Ang ka team mate ko pala sa basketball na si Kevin ang nagchat sa akin. Ano kaya kailangan nya? Check ko na nga. Baka nangangamusta lang. Hindi kasi ako naka attend nang basketball practice para lang makapunta ako sa event nang SB19 kanina.

“Marco, kingna. Bakla ka pala?” Kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa nabasa ko.

Bumuntong hininga muna ako bago mag reply. "Ako? Bakla? Seryosong tanong ba Yan?" Ni hindi ko nga nararamdaman na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki.

Typing na sya. Ito na, nagreply na nga. “Nakita ko post mo sa Instagram, fan ka pala nang mga ganun. Anong grupo sila SB? What is it again?”

"SB19." Pagtatama ko.

Mabilis kaagad syang nagreply. “Kadiri ka, Marco. Nagpapakabakla ka sa ganun? Tigil tigilan mo ang pagiging fan nila. Bakla ka ba ha? Aminin mo na para masabi ko kay Couch at matanggal ka team.”

Napa indian seat na ako sa kama. Unti-unting niyakap nang inis ang pagkatao ko. Bakit ang lakas nya makainsulto? "Tumigil ka pare, hindi ako bakla." Napipikon na ako.

“Pare-pareho lang kayong mga bakla, tulad nang mga idolo mo. Dumadami na talaga ang katulad nyo sa lipunan. Nakakatakot.” Reply na naman nya.

May halong inis na ang pagtatype ko. "Hindi ako bakla." Kung pwede lang tumagos ang kamao ko sa screen nang cellphone ko baka kanina ko pa nasapak si Kevin. Nakakalalaki na.

Muli na naman syang nagreply. “Bakla ka, pre. Sige, magpaka fanboy ka pa sa kanila. Fanboy pa more. Bakla!”

Parang may kung anong sumabog sa utak ko at sa isang iglap na naubos ang pasensya ko. Muli akong bumuntong hininga. Inilabas ko na ang galit ko sa pagtatype.

"Hindi porket nagpapaka-fanboy kaming mga lalaki, bakla na kaagad. Bakit? May batas ba sa mundo na nagsasabing bawal magkaroon nang lalaking idolo kapag lalaki ka? Sinong makitid ang utak na nag isip nyan ha? Atleast kami, marunong kaming makappreaciate nang visual and talents. Nang dahil sa kanila, natuto ako kung paano magkaroon nang fashion sense at maging mas mabuting kabataan. Pre, wala sa gender ang pagsuporta sa kapwa mo.  Sinusuportahan ko sila dahil marami silang na i inspired na kabataan. Kapag fanboy na bakla kaagad? Eh Ikaw ba anong ambag mo sa pang iinsulto mo? Kayabangan. Makainsulto ka, bakit perfect ka? Hawak mo buhay ko? Ha!"

Sineen lang nya ang message ko.

Ako naman, inis 'kong binitawan ang cellphone ko sabay dapa sa kama ko.

Nakapatoxic. Wala sa gender ang pagsuporta sa kapwa mo, hindi yun magiging sukatan nang pagkatao mo. No matter what they say, I will support SB19. Hindi ako bakla, those boys are deserving to have a supportive fandom, I mean a family.

Huwag nyong huhusgahan ang tao base lang sa nakikita nyong ginagawa nito. Masaya ako, masaya ako sa ginagawa ko.  Wala akong inaapakan na tao.

Dedicated to: All Fanboys out there.

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon