"Nadjah, please open this door. Pakinggan mo naman ang side namin nang daddy mo." Kanina pa gustong pumasok ni mommy dito sa kwarto ko, pero nananatili akong matigas at nakaupo lang sa kama.
"Ma, I'm so sorry pero hindi ko handang makausap kayo ni Dad. Hayaan nyo nalang ako mapag-isa." Isinubsob ko ang mukha ko sa malaking strawberry stuff toy na yakap yakap ko. I can help myself but to cry. Sobrang sama nang loob ko.
Narinig 'kong bumuntong hininga si mommy sa labas. "Sige, sweetie. Kapag okay ka na, bumaba ka nalang okay. Sana handa ka nang harapin ang bisita natin mamaya." After that, tahimik ang pintuan ko at umalis na sya.
Anong nangyari sa amin ni mommy? Bakit masama ang loob ko? Dahil, nalaman ko na pinagkasundo pala nila ako sa lalaking hindi ko pa nakilala. Pinagkasundo nila ako at ang anak nang dati nilang kaibigan para magpakasal. Sino may sabi na hindi na uso ang arrange marriage?
Tumayo ako, pinunasan ang luhang may kasamang sama nang loob. Tinungo ko ang bintana ko. Kailangan ko nang kausap, taong maiintidahan talaga ako.
Tiningnan ko ang katapat 'kong isa pang bintana. Bintana nang kapitbahay 'kong si Stell--bestfriend ko sya, actually. Nakabukas ang bintana nya at nililipad nang hangin ang kurtinang nakasabit doon.
Ang linis talaga nang kwarto nya. Nasaan nga pala ang lalaking 'yun. "Stell! Oyy Stellvester!" Tawag ko sa pangalan nya. Isang metro lang ang pagitan nang mga bintana namin. Pwede nga akong lumiban mula dito sa kwarto ko papunta sa kwarto nya.
"AJERO! NASAAN KA BA?!" Halos mapatid na ang litid ko sa leeg sa pag-sigaw. Kung kelan naman need ko nang kaibigan saka naman sya wala.
"Makasigaw ka naman. Bakit ba ha? Mamaya pa ang new year nag iingay ka na kaagad dyan." Sa wakas, dumating na din ang hinihintay ko.
"Teka, bakit ganyan ang suot mo? Paalis ba kayo nang pamilya nyo? Hindi kayo dyan mag babagong taon?" Tanong ko. Nakaporma kasi sya eh. Ang gwapo nya sa paningin ko ngayon.
"May bibisitahin lang kami mamaya. Teka nga, bakit namumula ang gilid nang mata mo. Umiyak ka ba?" Napansin pala nya na umiyak ako kanina.
Okay, kailangan ko talagang maglabas nang sama nang loob. "Sina mommy ay daddy, pinagkasundo pala ako sa ibang lalaki. Ni hindi man lang tinanong kung gusto ko. Ni hindi ko pa nga nakikita yung lalaki eh." Sumbong ko sa kanya.
"HAHAHA." Tumawa lang sya. "Ayaw mo ba nun, baka alam nang parents mo na mas magiging maganda ang future mo kapag doon ka sa lalaking 'yun ipinakasal. Parents know best."
Nagpangalumbaba ako. "Hay nako. Ala ka din ka sense kausap eh. Syempre nagkakaganito ako kasi hindi ko mahal yung lalaki. I don't even know his face."
Nagpangalumbaba din si Stell pero nakangiti naman sya."What If gwapo pala yung lalaki?"
Hiniban ko ang bangs ko and I just rolled my eyes. "I don't care kung sya pa ang pinakagwapong lalaki sa planetang ert. Basta, ayokong pakasalanan ang lalaking hindi ko naman mahal." Ay teka, may naalala ako. "Hoy, Stellvester na kulot. Nasaan na ang new years gift ko?" Nakalahad pa ang kamay ko. I'm waiting.
"New years gift? Langya naman, Nadjah. Buwan buwan nalang nanghihingi ka nang regalo ah. Mukha ba akong mayaman?" Napakamot sya sa batok nya. "Oo na, mamaya."
"Mabalik nga tayo, bakit ayaw mo dun sa ipapakasal sa'yo? What if mabait naman." Dami concern ni Stell oh.
"Hayss, Basta ayoko pa din." May iba kasi akong gusto.
"Bakit? May ibang gusto ka ba? Yieeee aminin." Mind reader ba ang kulot na ito?
Oo. Ikaw. "Che! Wala kang pakialam." Maiba na nga ang usapan.
"Saan nga kayo pupunta ulit?" Muling tanong ko. Curious ako eh, sobrang gwapo kasi ni Stell ngayon. Lakas Maka model, promise.
"Pupunta ako sa bahay nang girlfriend ko, kasama ang parents ko. Doon kami magbabagong taon sa bahay nila, gusto ko kasi makilala parents nya eh."
Napanganga ako sa sinabi nya. Gulat ako! "Da pak! Stell! May girlfriend ka pala?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Tell me, gaano na kayo katagal? " What a revelation!
"Paano ko sasabihin eh hindi ka naman nagtatanong. One year na ngayong bagong taon." Nakangiti nyang sabi.
Kung gaano kasaya ang expression nya, kabaliktaran ko naman. I don't know, I felt so bitter. "Madaya ka, bestfriend mo ako pero hindi mo sinabi sa akin na may niligawan at may naging girlfriend ka na pala. Naglihim ka sa akin." Bakit ganun, bakit parang nagselos atah ako.
"I'm so sorry kung di k---"
Pak!
Padabog 'kong sinaraduhan ang bintana ko. Ayoko nang marinig ang susunod nyang sasabihin. Wala! Nagtatampo ako! Naiinis ako!
Muli akong bumalik sa kama at matamlay na humiga. Muli na naman akong naiyak. Bakit ganun? Bakit parang ako lang yata ang hindi masaya na sasalubong sa bagong taon.
Niyakap ko ulit yung strawberry 'kong unan na regalo sa akin ni Stell last new years eve. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
Bandang 12 am na nang magising ako dahil sa malalakas na ingay mula sa mga paputok at fire works sa labas. Naririnig ko din ang ingay mula sa baba ang bahay, siguro dumating na ang mga bisita nina mommy. Shocks, mas lalong ayokong lumabas.
Ayokong makilala kung sino man ang bwisit na ipapakasal nila sa akin. Wag syang magpapakita sa akin at baka masakal ko sya. Bwisit sya.
Maya-maya pa, nakarinig ako nang mahinang pagkatok sa pinto. Hindi ako nag respond at nagpanggap na tulog. Baka si mommy na naman 'yun. Hindi naman nakalock ang pinto kaya narinig ko itong bumukas at ramdam ko na may pumasok.
Magpanggap ka lang na tulog, Nadjah.
Naramdaman ko na may umupo sa gilid nang kama ko. Tinanggal pa nya ang ilang piraso nang buhok ko na nakaraharang sa mukha ko.
"Happy new year, mahal. Sayang, hindi ka bumababa. Excited pa naman ako na makita ka kasama ang parents mo."
Shocks! Ang boses na 'yun! Kilalang kilala ko!
"Sorry ha, kung hindi ko sinabi sa'yo na may girlfriend na ako ang totoo kasi, hindi nya alam na girlfriend ko sya. Naghihiya kasi akong magtapat sa kanya eh kaya ayun, sa parents nalang nya ako nag confess at niligawan ko din parents nya para sa kanya. Galit ka pa din ba? Sorry na." Naramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo ko.
Hindi ko alam magiging reaksyon ko, Si Stell? Si Stell ba ang pinagkasundo sa akin nina mommy na papakasalan ko?! Ang bestfriend ko!
"Ang cute mo, yakap yakap mo pala sa pagtulog ang regalo ko sa'yo. Alam mo ba, pinag ipunan ko Yan para mabili ko. Buti nalang inaalagaan mo pala." Inayos nya ang kumot ko. "Sleep tight, mahal. Uuwi na ako ha, bukas nalang ulit. Kung ayaw mo akong pakasalanan, sige. Ipapawalang bisa ko nalang ang kasunduan nang mga parents natin para sa friendship nating dalawa."
Ha?! No!
Naramdaman ko na tatayo na si Stell kaya kaagad akong bumangon at yumakap sa bewang nya. "Hindi, dito ka lang Stell. Hindi kita pinahihintulutan na umalis."
"N-nadjah? Gising ka pala?" Bakas ang gulat sa pagsasalita nya.
Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. All this time akala ko one sided lang ang nararamdaman ko sa bestfriend ko. Kaya ayokong magpakasal sa iba kasi mahal ko talaga si Stell. Ngumiti ako sa kanya. Ngiting tagumpay. "So, kelan ang kasal? Kahit ngayon pa, go ako maging Mrs. Ajero."
Ngumiti din sya pabalik at ginulo ang buhok ko. "Happy new year, prinsesa ko." He kissed me on my fore head and he hugged me back.
This is the unforgettable new year of my life.
Dedicated to: Nadjah Caguicla