His My Property

37 4 0
                                    

"Dre, totoong bang sinagot ka na ni Xyrain?" Lumapit sa akin si Ken habang nagpapahinga ako sa gilid at nakaupo ako sa sahig. Kakatapos lang nang rehearsal namin. "Josh, sumagot ka. Kayo na ba?" May pagkairitable sa boses nya.

Pinunasan ko muna ang pawis ko gamit ang panyong binigay nang babaeng dati nyang girlfriend. "Ano ngayon kung kami na? May problema ba 'dun? Isang taon na kayong wala 'di ba?" Kalmado lang ang pananalita ko.

"Dre, alam mo namang ex ko sya, bakit mo niligawan pa. Nasaan ang respeto sa ginawa mo? Magkaibigan tayo eh. Tapos jinowa mo ex nang kaibigan mo. Para kang pumulot nang basurang tinapon ko n-----" PAK! Isang malakas na suntok ang tumama sa panga ni Ken. Sa lakas nang suntok ko, bagsak nya sa sahig.

Kami lang ni Ken ng nandito sa studio dahil lumabas yung tatlo para bumili nang pagkain.

Tumayo si Ken at putok ang gilid nang labi nya. Hindi sya nagsalita pero masama ang tingin na ibato nya sa akin.

"Masakit ba, dre? Kulang pa yan sa sakit na ibinigay mo sa kanya. Kulang na kulang pa yan sa ginawa mo sa babaeng mahal ko. Nagtataka ka kung bakit ko sya niligawan at kung bakit naging kami? Ken, para sabihin ko sa'yo, binubuo ko ang puso nang babaeng dinurog mo." Magkaibigan kami ni Ken pero hindi ko mapapalampas ang ginawa nya kay Xyrain.

Hindi alintana ni Ken ang dugong nasa labi nya. "Hindi ako makapaniwala sayo, Josh. Sa dinami dami pa ang babaeng liligawan mo, sya pa."

"Oh bakit? May balak ka pa bang balikan sya matapos mo syang saktan nang paulit-ulit babalikan mo pa? Mahal mo pa? Tsk. Pwes, pasensya nalang, dre. Binabawi ko lang ang unang naging sa akin."  Pareho naming nakilala ni Ken si Xyrain dahil kababata din namin sya, alam ni Ken na noon palang gusto ko na si Xy pero niligawan nya parin ito, hanggang sa naging sila na nga pero naging toxic ang relasyon nila dahil hindi naman pala seryoso si Ken. Nakikipaglaro lang sya.

Bumwelo si Ken at akmang susuntokin na ako pabalik nang bumukas ang pinto nang studio at isang babae ang kaagad na tumakbo papalapit sa amin ni Ken. Tumayo ito sa gitna namin at itinago ako sa likuran na akala mo naman talaga ang maitatago ako mula sa nakakamatay na tingin ni Ken.

"Anong gagawin mo? Sasaktan mo si Josh? Hindi ka pa nakuntento? Saktan mo na ako wag lang sya." Nice. Tapang nang girlfriend ko ah.

Itinago ni Ken ang kamao nya at bumuntong hininga. "Ginawa nyo ba ito para gantihan ako? Oo, Xy, nasaktan kita. Pero bakit si Josh pa?  Bakit hindi mo ako hinintay?"

Umiling si Xyrain at nasaksihan ko kung paano pumatak ang luha nya. Mahal pa rin ba nya si Ken? Wag naman please. Ako na ang nandito oh.   "Kilala mo ako, hindi ako marunong gumanti, Ken. Bakit ko sinagot si Josh? Kasi pinaramdam nya sa akin na ako lang, pinaramdam nya sa akin na prinsesa ako, hindi nya ako sinasaktan tulad nang ginagawa mo noon at higit sa lahat mahal na mahal nya ako."

"Kung totoong mahal mo ako, hindi mo hahanapin sa iba ang mga pagkukulang ko." Seryosong seryoso si Ken.

"Sino ba ang unang bumitaw? Hindi ba Ikaw? Tinapon mo ako na parang basura matapos mong pakinabanan. Tinanggap kita at paulit ulit pinatawad pero anong ginawa mo, iniwan mo ako sa ere. Tapos ngayong masaya na ako,  babalik balik ka? Binuo ni Josh ang puso at pagkatao ko na sinira mo."  Tinangkang hawakan ni Ken ang kamay nang girlfriend ko pero mas mabilis si Xyrain at kamay ko ang hinawakan nya.

"Xyrain, but you said I'm your property. Sabi mo para sayo lang ako at  akin ka parin, di ba?" Nakangiti si Ken pero lumuluha sya. "Sabihin mo sa akin. Ako parin ang mahal mo." Now, he realized what he lost. He lost the most precious treasure he ever had before.

Hinigpitan ni Xyrain ang hawak sa kamay ko. "No, Ken. I'm so sorry. Minahal kita pero hanggang doon nalang 'yun. Doon ako sa lalaking alam ang tunay na halaga ko. Doon ako sa lalaking hindi ako itinuturing na basura. Josh is my property and no one can take him away from me."

Nang maramdaman ni Ken na mukhang wala na syang pag-asa. Sinipa nya nang malakas ang silya na nasa tabi nya at lumakad na palayo. Lumabas na sya nang studio at pagalit na sinara ang pinto.

Naiwan kaming dalawa ni Xyrain. Naupo sya sa sahig kaya napaupo din ako. Nakayuko lang sya at umiiyak ni hindi man lang nya ako tinitingan. "Xy, it's okay. I'm here. He won't hurt you anymore." I hugged her. I want her to feel that I'm always by her side.

I'm her prince and I am her property.

Kung nasaktan man sya noon, hinding-hindi ko sya sasaktan ngayon.

Dedicated to: Xyrain Villabroza

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon