After nang huling rehearsal namin, bored na bored akong humiga nalang sa malamig naming sahig. Sobrang pagod na pagod ako, I know na hindi lang ako ang pagod kundi ang buong grupo.
Lumapit sa akin si Kuro, ang baby cat nang aming grupo. Nag indian seat ako saka ko sya binuhat at paulit ulit na hinimas ang napakalambot nyang balahibo. "Hi Kuro, bored ka din ba?" Tanong ko sa pusa.
"Meow." Oh di ba, sumagot naman sya. Nagkakaintindihan kami nyan eh. Napakataba na nang pusang 'to. Sana ol kain tulog nalang. Sarap nang life eh.
Ibinaba ko si Kuro, kaagad itong bumira nang alis at lumapit sa amo nang manok este kay Ken na nakaupo sa sofang nasa gilid. Nakatutok sya sa cellphone nya at nakabukaka pa. Langya, akala nya ba nasa bahay sya? Sagwa tingnan nang pagkakaupo.
Kaming dalawa lang ni Ken ang nandito, matapos kasi ang huling practice namin lumabas muna sina Pablo at bibili daw nang foods. Pwede naman nagpadeliver nalang gusto pang gumala.
Ipinatong ko ang siko ko sa aking binti at nagpangalumbaba. Bored na bored ako habang pinapanuod si Ken sa pagce-cellphone nya. Ano kaya ang magandang gawin?
Hmmmm. Ahhh! Alam ko na!
Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at chinat ang leader namin. "Dre, what time kayo babalik? Pagtitripan ko muna si Ken."
"Bored ka na naman nuh?" Reply kaagad ni Pablo.
Sineen ko lang ang reply nya.
Tumayo na ako at pasimpleng umupo sa tabi nang napakagwapo 'kong kaibigan. Seryosong seryoso si Ken habang nakatutok ang kanyang mata sa cellphone. Naglalaro pala nang Mobile Legend si manok, hindi man lang naramdaman na nasa tabi na nya ako.
Lihim akong napangiti. Gusto 'kong iprank si Ken. Wala lang pang tagal boredom lang hehe. Galingan mo sa pag arte, self. Pangarap ko maging artista kaya pag papag practisihan ko.
Bumuntong hininga ako bago magsimula. Okay game. Stell, kaya mo yan. Sana lang hindi ako matawa.
"K-ken." Mahinang tawag ko sa pangalan nya. Yumuko ako at nagkunwaring umiiyak. Mabuti nalang nakisama ang luha ko, umeksena kaagad.
"Hey, Dre. Are you okay?" Sosyal, english spokening si Ken.
Tumingin ako sa kanya. "K-ken." Iyak pa, self para effective.
Nang mapansin nyang umiiyak ako, kaagad nyang ibinaba ang cellphone nya at hinawakan ang tigkabila 'kong balikat. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Bakas sa boses nya ang sinseridad.
"May aaminin ako sa'yo, Ken." Mas pinalungkot ko pa ang boses ko at dahil concern na nga si Ken, inakbayan na nya ako. "Ngayong may pagkakataon na ako lalakasan ko na ang loob ko na sabihin sa'yo ang totoo."
"Ano nga kasi yun Stell? Pinag-aalala mo ako eh."
"Ang totoo kasi..." Kinareer ko na talaga ang magpeke nang luha para mas maawa sya. Mukhang magtatagumpay ako sa prank na ito ah.
"Pabitin ka naman. Sabihin mo nalang sa akin ang gusto mong sabihin dahil nag aalala na ako. Wala pa naman sina Pablo dito." Mas inilapit nya ang sarili nya sa akin at tinapik tapik ang balikat ko. "Sabihin mo na, Stell. May problema ka ba? Makikinig ako."
Tumingin ako nang diretsyo sa mga mata nya. "A-alam ko naman na mali ito pero ayoko na sayangin ang pagkakataong ito. Ken, m-mahal na atah kita. Okay lang, dre kung iiwasan mo ako after this pero sa tingin ko talaga hindi lang kaibigan ang tingin ko sa'yo, higit pa---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni Ken ang mahigpit.
Oyy! Teka! Bakit bigla nya akong niyakap? Masyado bang effective ang prank ko?
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang inilapat ni Ken ang dalawang palad nya sa tigkabila 'kong pisngi. "Don't say anything, Stell. Matagal na din kitang mahal."
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙