Biggest Mistake

43 4 0
                                    

"Stell, mag break na tayo." Kasabay ng pag-upo ko sa tapat ni Stell ay ang pagbitaw ko din sa mga salitang yun. Ayoko na. Pagod na ako sa relasyong meron kami.

"Wait? what? Are you saying Glaiza? Are you out of your mind?" May halong inis ang boses nya. Were inside of his restaurant.

"Sabi ko magbreak na tayo. Akala mo ba hindi ko alam na may nangyari sa inyo ni Zee? Stell, nagtext sakin ang kaibigan ko buntis sya at ikaw ang ama!" Masakit na trinaydor nila akong pareho.

"But it was an accident! Lasing lang kami kaya may nangyari samin!"

"Please, I don't want to hear anything from you.Magbreak na tayo at pakasalan mo ang bestfriend ko. It's over. " Tumayo na ako at tumalikod. Ayokong makita syang umiiyak dahil sa desisyong ginawa ko. Masakit din 'to para sa akin pero ayokong lumaking walang ama ang anak ni Zee.

"Ganun ba ako kadaling pakawalan ha? Glaiza? Ang bilis mong sumuko." His voice become colder.

Muli akong lumingon sa kanya at pilit na ngumiti.  "Pakasalan mo sya. Yun ang hiling ko."

Pagkatapos ng pag uusap namin, pumunta na ako sa America, doon kinalimutan ko ang lahat ng sakit. Naging successful ako pero parang may kulang.

After 5 years, bumalik ako sa Pilipinas. Naglalakad ako sa loob ng mall nang aksidente kong makita ang dati kong ex, Si Stell at may karga syang isang maliit na batang lalaki.

Ngumiti sya sa akin. "Hi Glai? Kamusta ka? I heard successful ka na ah. Kagaya ng hiling mo bago ka nawala, pinakasalan ko ang best friend mo at may tatlo na kaming anak, itong karga ko si Vest. Sana bago ka umalis inalam mo muna ang totoo, ang tatay nang panganay ni Zee ay si Ken at hindi ako, pero sabi mo nga panindigan ko sila and yes, i'm happy with her right now."  After that, iniwan na nya ako dahil pinapauwi na sila nang dati 'kong kaibigan.

Hindi ko maalis ang paningin ko sa naglalakad palayo na si Stell. All this time I was wrong. Naiyak na ako, pinakawalan ko ang lalaking mahal na mahal ko para sa bestfriend ko without knowing the truth.

Stell, hindi dapat kita pinakawalan.
I'm so sorry. I still love you.

Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, gagawin ko. Kung pwede lang akong bumalik sa nakaraan, hindi kita iiwanan para lang sa maling impormasyon na nalaman ko. This is the biggest mistake I've ever made.

Dedicated to: Glaiza Jane Rejoy

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon