“Hon, nasaan ka?” Tanong ni Ceren sa akin. Fiancé ko sya at sa isang buwan nalang ikakasal na kami.
"Bakit mo natanong? Nandito lang ako sa trabaho." Magkausap lang talaga kami through phone call. Ang totoo, nandito ako sa tindahan nang mga damit, ibibili ko sya nang regalo. Isa 'tong surprisa kaya bawal sabihin.
"Pwede ba akong magpasundo sa'yo? Wala na kasi akong masakyan sobrang lakas pa nang buhos nang ulan." May paglalambing pa ang pananalita nya.
Nako, paano ba 'to? Tumingin ako sa labas ang tindahan at totoo ngang malakas ang ulan. "Hon naman, nasa mall ka na naman ngayon nuh? Kung kelan gabi na saka ka naman pumunta dyan. Hindi kita masusundo ngayon eh, over time ako tonight. Tatawagan ko nalang si Stell, okay lang ba na sya ang susundo sa'yo?" Kapag kasi ako ang sumundo siguradong makikita nya kaagad ang regalo ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "Sige na nga. Pasundo mo na ako kay Stell."
"Sig---" Toot! Nice. Pinatayan ako nang phone. Tinuyo na naman atah ang mapapangasawa ko. Mas maattitude na sy a kesa sa akin ha.
Itinext ko kaagad si Stell na sunduin si Ceren sa paborito nitong mall. Saka ko lang ibinalik ang phone ko sa bulsa nang jacket ko nang mag reply sya nang "K." Oh di ba, haba nang reply.
Ipinagpatuloy ko ang paglilibot sa loob nang tindahan, napakaraming wedding dress dito. Magaganda pa. Alam 'kong hindi dapat ako ang bibili nang dress nang bride pero dahil gusto 'kong maging special ang araw namin ni Ceren, pinacancel ko ang unang gown na sinukat nya, same store lang naman din eh.
"Miss. Itong isang ito ang kukunin ko." Itinuro ko pa ang wedding dress na napusuan ko. Ball gown sya actually, mas maganda sa unang dress na napili ni Ceren Nung isang linggo.
"Sir, sure ba kayo na kasya Yan sa girlfriend nyo?" Tanong nung saleslady.
Tumango ako. "Maliit na babae lang naman ang girlfriend ko at alam na alam ko ang size nang katawan nya, kaya wag ka na magtanong. Ilagay nyo na yan sa kahon at babayaran ko na."
After ko mabili ang wedding dress, sumakay na ako nang kotse. Mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Kailangang mag ingat sa pagmamaneho at madulas ang daan.
Nasa edsa na ako nang makareceive ako nang tawag mula sa mommy ni Ceren. "Yes, tita? May kailangan po kayo?" Naka earphone ako syempre.
"P-pablo, nasaan ka na?" Parang may kay tita sa kabilang linya. Nangingig kasi ang boses nya at parang umiiyak pa.
"Tita, what's happening? Umiiyak ba kayo?" Sumibol ang kaba sa dibdib ko, parang may hindi magandang balita sa kabilang linya.
"P-pablo. Nandito kami sa McBride Hospital. Naaksidente sina Cere--"
Hindi pa man natapos ni Tita ang sasabihin nya, automatiko 'kong ini-u-turn ang kotse ko sa dadaan 'kong kanto.
Ceren, andyan na ako. Hintayin mo ako, please!
Pagdating ko sa hospital, ang mommy ni Ceren kaagad ang sumalubong sa akin. "Nasaan mo si Ceren?" Umiiyak na rin ako. Ikakasal na kami eh bakit ngayon pa nangyari ang ganito.
"Nasa operation sya ngayon." Sagot nya.
Ano ba kasi ang nangyari?!
"Pablo?" Mula sa isang pintong katapat ko, lumabas si Stell. Nakaupo ito sa wheelchair at itinutulak nang isang nurse. "S-orry, Pablo. Kung hindi nawalan nang preno ang sasakyan ko hindi sana kami maaksidente." Sa akin nakatingin ang mga mata nyang naglalabas nang luha. I can feel that his guilty.
Napasuntok ako sa pader. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, gusto ko magalit sa sarili ko. Kung ako nalang sana ang sumundo kay Ceren hindi sana sya maaksidente.
Isang doctor ang lumabas mula sa operating room. Humahangos itong lumapit sa amin. "Kayo ba ang pamilya nang babaeng nasa operation room?"
Sumagot si tita."Kami nga, doc. Bakit may problema po ba? May masama bang nangyari sa anak ko sa operation room? Pleasez dok. Sabihin mo sa amin." Mas lalo pang naiyak si Tita.
"Ma'am, ang mata po nang anak nyo ang nadamage sa aksidente. Kailangan po namin syang operahan sa mata at dahil sa mga bubog na napunta sa kanyang mata maaaring habang buhay na syang hindi makakita."
Nanlambot ang mga tuhod ko sa aking narinig. Napasandal pa ako sa pader. Nakakapanghina. Bakit ngayon pa?
"May pag-asa pa naman, kung makakahanap kayo ngayon ng eye donor, maaari pa syang makakita."
Kaagad akong lumapit sa doctor. "Dok! Pwede bang ako nalang please? Handa akong magdonate!" Biglaan man ang desisyong ito pero para sa mahal ko, gagawin ko.
"Pablo? Nasisiraan ka na ba?" Sumabat na si Stell.
Masama ang tingin na ibinato ko sa kanya. "Manahimik ka, Stell. Kung nag-ingat na sana hindi mangyayari ito sa inyo ngayon kaya wag mo akong pipigilan." Hinawakan ko ang balikat nang doktor. "Tara na, dok."
"Sorry, Pablo. Hindi ko sinasadya." Dinig ko pang huling sinabi ni Stell.
Pagkatapos nang operasyon, naging maayos na ang lahat. Dumating din ang araw na naikasal kami ni Ceren. Isinuot nya ang wedding dress na ibinili ko sa kanya noong araw na naaksidente sya.
Alam ko, napakaganda nya sa habang suot ang wedding dress na yun habang naglalakad kanina papalapit sa akin.
Nang nasa reception na kami, saglit akong humiwalay kay Ceren at lumapit sa lalaking nakaupo sa wheelchair sa isang gilid.
Nakasuot ito nang itim na salamin at napakagwapo sa suot nyang itim na amerikaca. Ang aking best man sa aking kasal. Si Stell Ajero.
Pumunta ako sa likuran nya at ipinatong ang aking dalawang kamay sa tigkabila nyang balitat. "Pablo, ikaw ba yan?" Nakangiti nyang tanong.
Kinapa nya ang kamay ko. "Congratulations, pre. Sana maging masaya ka ngayong may asawa ka na. Ninong ako sa unang anak nyo ha."
Hindi ako nagsalita dahil mas naunang bumagsak ang luha ko. Naaawa ako kay Stell, dapat ako ang nasa sitwasyon nya eh. Ako dapat ang nabulag, hindi sya.
Nung gabing idodonate ko na dapat ang mata ko kay Ceren, nalaman nila na Wala sa tamang estado ang katawan ko para sa biglang operasyon at doon nga nag volunteer si Stell. Sobra syang nakokonsensya sa nangyari kaya gusto nyang pagbayaran ang aksidenteng naganap.
Noong una, hindi ako pumayag pero nangibabaw parin Kay Stell ang pagiging desperado. Kusa nyang ibinigay ang mga mata nya sa babaeng mahal ko.
"Oy, Dre. Bakit ayaw mo magsalita dyan? Ayos ka lang? Para ka namang timang eh." Nagawa pa nyang tumawa sa kalagayan nya.
Niyakap ko si Stell mula sa likuran nya. "Sorry, Stell. Ako dapat ang nasa sitwasyon mo eh."
"HAHAHA." Tawa lang ang isinagot nya sa akin. "Pablo, makinig ka. Mas deserve mo kung ano man ang meron ka ngayon, masaya ako para sa inyo ni Ceren. Mas gugustuhin ko pang mawala ang paningin ko kesa mawala ang friendship nating dalawa."
Ginulo ko ang buhok nya. "Salamat, pre."
"Sayang lang hindi ko nakita kung gaano kaganda ang asawa mo habang suot ang wedding dress na inihanda mo sa kanya." Naramdaman ko din ang lungkot nya.
Lumapit na rin si Ceren sa amin. Naupo sya sa tapat ni Stell. Hinawakan ni Ceren ang kamay nang kaibigan namin. "Thank you, Stell. Habang buhay 'kong papahalagahan ang regalo mo sa akin. This is the best wedding gift we've ever received."
Ngumiti lang si Stell.
"Maging masaya kayong dalawa."
Dedicated to: Ceren Hope Malolot
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙