Module With Justin

28 4 0
                                    

Suot ang mahaba at magarbong puting gown at hawak ang isang boquet ng mga rosas, mabagal akong naglalakad sa aisle.

Sa tagal 'kong nangarap para sa happy ending na ito, sa wakas nandito na rin ako. Gusto 'kong umiyak habang naglalakad sa red carpet  pero sayang make up ko eh.

Sa dulo ng red carpet natatanaw ko na ang napakagwapo 'kong groom.  Katabi pa nya ang mga kaibigan nya.

"Finally, Justin. Magiging Mrs. De Dios na ako." bulong ko sa sarili ko. Kasabay ng aking paglalakad ang pagtugtog ng kantang ' A thousand years'

Sa dinami-dami nang A'tin na nasa sumusuporta sa SB19, napakaswerte mo dahil ako ang napili nang isang Justin De Dios. Oh, di ba, mas mahaba na ang buhok ko kesa kay Sharlene.

Hingang malamim, Leah. Shocks! Lalong nahuhulog sa charming smile nang groom ko eh. Sa wakas! Ikakasal na kami!  Oh sinong pipigil sa kasal namin? Lumabas na at masapak ko sa mukha.

Pagdating ko sa  tapat ng altar, kinuha ni Justin ang kamay ko at hinalikan ito. Gosh! Mahihimatay atah ako sa araw ng kasal ko ah!  Pwede bang honeymoon na? Char! Tagal naman mag start nang kasal! Father, umpisan na ang wedding ceremony, now na!

Hindi ko mapigilang tingnan mukha ni Justin, dati fan lang ako pero heto ako ngayon ikakasal na sa kanya! Dati halos umiyak ako kapag hindi nya ako nirereplayan sa menpa pero ngayon hawak ko na ang kamay nya.

Excited na akong simulan ang panibagong buhay kasama ang hari nang mga mais.

Matapos ang mahaba-habang speech nang pari, nagpalitan kami ni Justin nang vows at ganun din nang mga singsing.

Hanggang sa dumating na nga ang most exciting part nang kasalang ito. "You may kiss the bride." napalunok ako nang laway nang sabihin yun nang pari.

Itinaas ni Justin ang belo ko at ngumiti na naman sa akin. "This is it, I can kiss you already."

Shocks! Nahulog atah ang matres ko sa sobrang kilig ah! This is it pancit! Ilang segundo nalang De Dios na ako!

Tumango lang ako. Pumikit si Justin at unti-unti na nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. I decided to close my eyes also at hintaying lumapat ang malambot nyang labi sa labi ko.

Heto na malapit na...

Nararamdaman ko na...

PAK!

Bumalik ako sa realidad nang isang tampak ang modules ang bumagsak sa ibabaw nang mesa ko kung saan ako naka ub-ob at natutulog.

"Hoy! Leah! Baka gusto mong gumising dyan?  Sagutan mo na 'yang mga modules mo. Tulog tulog ka pa dyan."

Inis 'kong sinabunutan ang sarili ko. "Kabwisit ka naman eh! Andun na eh, hahalikan na ako ni Justin tapos eepal ka. Kapag kami kinasal ni Justin in the future hindi ka invited!" Nakakainis si Zerica 'to! Ganda na nang panaginip ko eh. Modules ko pa pinang gising sa akin.

Dumapot sya nang isang module, binilot ito at ipinukpok sa ulo ko. "Unahin mo modules mo, kaka SB19 mo Yan ha."

"Che! Atleast mataas ang grades ko kahit puro SB19 ako." Makapagsagot na nga! Hmmp.

Inilabas ko ang isang picture frame mula sa drawer nang study table ko. Ipinatong ko ito sa mesa. Syempre, picture ito ni bebe Jah. I need more inspiration sa pag aaral ko. "I love you, Jah. Samahan mo ako magsagot nang modules ko. Para sa magandang future na ito yieeee."

Dedicated to: Leah Loterte

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon