"Felip, Please, tanggapin mo naman ako oh. Mahal na mahal kita." Hinihigpitan ko ang yakap sa kanya at wala akong balak na pakawalan sya. Malakas na ang buhos ng ulan at pareho na kaming basang-basa habang nakatayo kami sa harap nang bahay namin.
"Jutlyn, bitawan mo ako." Ang boses nya ay mas malamig pa sa panahon.
"Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Ganun ba ako kahirap mahalin, Felip? Sabihin mo sakin, pakiusap." Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magtapat ng nararamdaman ko tapos heto pa ang nangyayari, lumalabas na ayaw nya sakin.
Matagal na kaming magkaibigan at matagal ko na din syang gusto. Napakasupportive nya sa lahat nang ginawa ko. Maging sa tinahak ko ang magiging trainee sa isang entertainment company para maging idol balang araw, andun sya palagi sa tabi ko.
Itinulak ako ni Felip palayo sa kanya, muntik pa nga akong ma out of balance dahil madulas na ang kalsada. "Ganyan ka na ba kadesperada ha, Jutlyn? ilang bilis ko pa ba dapat na sabihin sayo na layuan mo na ako." Cold syang tumingin sa mga mata ko.
"Sorry, pero hindi kita kayang mahalin pabalik at hindi magiging tayo.Kahit kelan mangyayari ang pangarap mo at hindi rin darating yung panahon na mamahalin kita kagaya ng gusto mo. Wag na wag ka nang mapapakita sakin." After that, wala na akong nagawa nang iwanan ako ni Felip sa gitna ng malakas na ulan at umiiyak.
Sumakay sya nang itim nyang motor at umalis.
Sobrang sakit. Akala ko kasi mahal nya din ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang ako naglakas loob na magtapat sa kanya. Sana pinahalagahan ko nalang ang friendship naming dalawa.
Masasakit man ang lahat ng sinabi nya sa akin pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya, sinunod ko ang gusto nya lumayo ako at hindi na nagpakita.
Kinabukasan din, pumunta ako ng South Korea. Doon ako nag aral at nag training ako as an idol.
Time flies so fast, after a years of training I became successful.Kilala narin ako bilang international idol, pero sa bawat concert at music video na nagkakaroon ako, hindi parin ako masaya. Pakiramdam ko, palaging may kulang sa akin.
Umuwi ako ng Pilipinas dahil sa isang concert. Umaasa ako na baka ito na ang pagkakataon na muli kaming nagtagpo ni Felip.
Sa gabi ng concert, nakasilip ako mula sa backstage at hindi ko maiwasang hindi mamangha habang tinitingnan ko ang napakadami 'kong taga hanga na naghihintay na magsimula ang event. Madilim ang paligid kaya nangingibabaw ang kulay dilaw na ilaw na nagmumula sa mga hawak nilang lightstick.
Nandyan kaya si Felip Jhon?
Ilang minuto nalang magsisimula na ang unang concert ko dito sa Pilipinas. Nakasuot ako nang dilaw na cocktail dress at may nakasakbit na gitara sa aking likuran. Nakalugay din ang blonde 'kong buhok at may koronang nakapatong sa ulo ko na gawa sa mga bulaklak.
"Hi. Ms. JL." Napalingon ako sa taong kumalabit sa akin mula sa aking likuran.
Isang babaeng naka school uniform ang bumungad sa akin. Yung suot nyang uniform ay replika ang uniform ko sa isa 'kong music video, marahil Isa ko din syang taga-hanga at kilala ko din sya. Ang babaeng pinsan sya ni Felip .
"Zen?" Nakangiti 'kong tanong.
Namula kaagad na namula ang mukha nya. "Buti kilala mo pa ako, ate. Wow, ang ganda ganda mo talaga." Kita sa mukha nya ang pagka-amazed sa itsura ko.
"Asan na si Felip?" Yun kaagad ang natanong ko. Miss ko na siya all these years. Gusto ko malaman kung okay lang sya, hindi na nya kasi ako kinontact after namin mag usap. Galit pa rin ba sya sa akin?
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙