Ang Gwapo 'Kong Kidnapper

39 6 0
                                    

Hawak ang payong na nagsisilbing proteksyon ko sa maiinit na sikat nang araw. Mag-isa akong nakatayo dito sa gilid nang kalsada habang naghihintay sa pampasaherong jeep.

Malapit na mag start ang exam namin ngayong hapon pero wala paring dumadaan na sasakyan. Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang oras sa suot 'kong relo at napabuntong hininga nalang ako. 11:30 na. Exactly 12:00 pm pa naman ang start nang exam. Kung lalakarin ko naman ang Nase University mula dito baka abutin ako nang isang oras hayss.

Sige, think positive lang. May dadating din na sasakyan. Relax ka lang, Zel. May darating din.

Mghintay pa ako nang ilang minuto. Hanggang sa isang puting van ang tumigil mismo sa harapan ko. Medyo kinabahan ang magandang si Ako. Hindi ba't ganito 'yung mga nasa balita? Puting van na nangunguha nang bata?

Hindi naman ako bata. Maganda lang. Kung sino man ang driver nang van na ito, ang lakas nya manakot ha. Tanghaling tapat, grabe magpakaba. Makaalis na nga lang.

Nakakaisang hakbang palang ako nang biglang bumukas ang pinto nang van at may taong bumaba mula doon. Nakaramdam ako nang takot nang hilahin nito ang braso ko para makalapit sa kanya at isang panyo ang itinakip nya sa bibig at ilong ko.

WAHHHH! Tulong!

Wala namang pampatulog 'yung panyo kaya nanatili akong may malay. Sinubukan 'kong magpupumiglas subalit higit na mas malakas sya sa akin. Nabitawan ko ang payong ko at sapilitan akong ipinasok sa loob nang van.

Pagkasara nang pinto, kaagad na umaadar ang van. Dalawang lalaki pala ang nandito sa loob. Isang driver at itong lalaki na katabi  na dumakip sa akin.

Pareho silang naka itim na facemask at nakaitim na jacket. May suot din silang sumbrero at nakaitim na salamin. Sino ba sila? Bakit nila ako dinakip?

"Sino kayo? Anong kailangan nyo sa akin?" Lakas loob na tanong ko. Sa ganitong sitwasyon, kahit na natatakot ako kailangan ko paring kumalma para makapag isip ako nang maayos.

"Wag ka nang magtanong. Manahimik ka." Ang boses nya ay parang pilit na iniiba. Siguro para hindi ko makilala. Itinatali nya ang paa at kamay ko. Talagang sinisigurado nyang hindi ako makakatakas ah.

"Sino ba talaga kayo?" Kung kinidnap nila ako para sa pera, malabong tubusin ako nang magulang ko. Mahirap lang naman kami eh. Scholar nga lang ako sa Nase University.

"Manahimik ka nalang." Ang cold naman nang pananalita nya. Suplado naman ni Kuya, nagtatanong lang naman.

"Hala, kuya. Wala akong pera. Walang pera ang pamilya ko, baka nagkamali lang kayo nang kinidnap. Ibaba nyo na ako." Baka naman madaan sila sa pakiusapan, di ba?

"Pwede bang manahimik ka nalang? Hindi kami nagkamali nang kinidnap at mas lalong hindi namin kailangan nang pera mo." May halong inis ang sinabi nya.

Kung hindi pera ang kailangan nila, eh ano pala? Hala! Wag naman sana ang iniingatan ko. Virgin pa po ako! Nooooo! Para kay Stell Ajero lang ako! Naka reserved lang ako sa kanya.

Hayss. Ako ba talaga 'to? Nakidnap na lahat nagawa pa ding lumandi sa isip. Kaka SB19 ko na talaga ito.

"Saan nyo ba kasi ako dadalhin? Pwede bang dumaan muna tayo sa Jollibee drive thru? Gutom na kasi ako. Kinidnap nyo ako na hindi pa ako kumakain. Tutal, papatayin nyo din naman ako, sige na daan muna tayo dun. Order tayo madaming fries." Ako lang ba? Ako lang ba yung demanding na biktima nang kidnap.

Inis na humarap sa akin 'yung katabi ko. "Sinabi nang manahimik ka di ba? Naiinis na ako sa boses mo." Masyado namang highblood itong si Kuya.

Okay fine. Shatap na nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon