"Bea, let's end this." Kaagad akong napatingala sa kanya matapos nyang sabihin ang mga salitang kinakatakutan ko.
"End what, Josh?" Kahit alam ko naman ang ibig nyang sabihin.
Napailing lang sya at ipinaba nya sa mesa ang hawak nna kutsara na ginamit nya pang halo ng kape. "Isn't obvious? Bea, can you please stop being innocent." Bumuntong hininga pa sya. "Ayoko na. I want to get out on this toxic relationship. I can't handle you anymore."
Walang lumabas na kahit anong mga salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob para makipaglaban ng tingin sa kanya.
Josh and I, we're in a relationship 3 years ago, nung mga panahong yun feeling ko ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Josh is a member of famous ppop group SB19 and me? I'm just only his fan before. We met in one of their fan signing and we became close after then.
Sa loob nang tatlong taon, naging masaya naman kami, until, unti-unti kong naramdaman ang pagbabago nya.
At Ngayon, matapos ang masasaya naming mga sandali, heto kami sa loob ng isang coffee shop, ang negosyong iniregalo nya sa akin nung 3rd anniversary namin. Magiging saksi ang lugar na Ito sa break up na magaganap.
"Wag mo nga ako biruin ng ganyan. Ikaw talaga ang hilig mo magprank." Kunwari natawa pa ako kahit gusto ko na umiyak at makisabay sa malakas ng buhos ng ulan sa labas.
Mas naging seryoso ang mukha nya. "Hindi ako nagbibiro, Bea. Ayoko na. Tapos na tayo." Tumayo na sya at tumalikod.
Pero bago pa man sya makalayo muli akong nagsalita. "Ganun mo nalang tatapusin ang lahat? Napakaselfish mo, Josh. Ikaw lang naman ang may gusto sa break up na ito, di ba? Sana noon palang sinabi mo na sa akin na ako ang dahilan nang pagbagsak ng career mo." Bumagsak na ang luha ko.
"Kahit umiyak ka pa sa harap ko, hindi na magbabago ang desisyon ko. It's over, Bea. Accept the fact and move on. You will never know my reason." Hindi na sya muling lumingon pa. Sarado ang coffee shop ngayon kaya malakas ang loob nya na sipain ang upuan na nakaharang sa daraanan nya at tuluyan na nga syang lumabas.
While me, kaagad akong tumayo at humabol sa kanya. Pero pagkalabas ko, nakasakay na sya sa kotse nya. Kahit basang basa na ako ng ulan wala akong naging paki, patakbo kong hinabol ang kotse ng mahal ko na umaandar palayo.
"JOSH! SANDALI! PLEASE DONT LEAVE ME!" Sigaw ko.
Sa pagtakbo ko, hindi ko namalayan ang truck na papalapit sa akin. Saglit akong natulala at hindi makakilos. Katapusan ko na ba?
Nakakabinging busina ng truck ang umalingawngaw sa paligid, at nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa basang semento matapos akong masagasaan.
Unti-unti kong tinanggap ang masakit kong kapalaran at pumikit. Hanggang dito nalan-----
"Bea? Bea? Gaga, gising na! Tanghali na!" Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may sumasampal sa pisngi ko.
Si Randy ang bumungad sa akin. "Bwisit ka, nananaginip pa ako eh." Bumangon ako sa kama at biglang napayakap sa kanya. Tuluyan na akong napaiyak sa balikat nya.
"Hoy, anyare sayo? Masama ba panaginip mo?" Nag aalalang tanong nya.
"Nagbreak daw kami ni bebe Josh ko sa panaginip ko." Parang batang sumbong ko.
Hinagod nya ang buhok ko. "Hayss, wag mo na kasing pangarapin na maging kayo, golden rule of being a fan, never fall in love to an idol. Masasaktan ka lang. You are born to be his fan, not to be his girlfriend---Aray! Wag kang manipa!"
Sinipa ko kasi sya. "Bwisit ka, Randy. Lumayas ka nga dito sa kwarto ko. Mapanakit ang mga salita mo eh." Humarap ako sa malaking poster ni Josh na nakadikit sa pader sa unahan Ng kama ko. "Good morning, bebe Josh. I love you."
"Baliw na ang isang to." Dinig Kong Sabi ni Randy.
Dedicated to: Bea Piamonte Malabanan
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙