Alas nuebe na nang gabi nang maubusan nang gasolina ang sasakyan nang grupo nina Pablo sa isang liblib na lugar. Navolunteer si Ken at ang kasintahan nitong si Chi na maghahanap nang malapit na gasolinahan at maiwan nalang daw ang iba sa sasakyan.
Subalit, dalawang oras na ang lumipas hindi parin bumabalik ang magkasintahan. Nasaan na ba sila pumunta?
"Guys, bakit sobrang tagal nina Ken at Chi? Nag-aalala na ako sa kanilang dalawa. Hindi ko macontact si Ken, walang signal dito sa pwesto natin." Himutok ni Pablo na nakaupo sa driver seat.
Binalingan ni Pablo ang katabi nya. "Hoy, Stell. Ayos ka lang ba?" Napansin kasi ni Pablo ang pananahimik nito habang nakatingin sa labas nang bintana.
"A-ayos lang a-ako." Hindi marunong magsinungaling si Stell, nauutal pa sya at mapapansin na ang pamumutla nang kanyang balat. "Bakit ba kasi sa dami nang lugar na pwede tayong maubusan nang gasolina dito sa napakaliblib. Ni walang kaposte poste man lang dito para magbigay liwanag sa daan." Sambit pa ni Stell.
Hinawakan ni Pablo ang balikat nang kaibigan. Gusto nya iparamdam dito na hindi dapat sya matakot."Nandito naman kami, wag ka nga matakot."
"Dre, sundan na kaya natin sina Ken at Chi? Baka napaano na sila sa daan eh. Mukhang delikado pa naman dito." Suggestion ni Josh, hindi sya nakatingin sa leader nila dahil busy sya sa paglalaro sa cellphone nya.
"Angas mo, pre." Nakikinuod si Justin sa paglalaro ni Josh. "Wala na ngang signal dito nakuha mo pang maglaro. Ikaw na sakalam."
Binuksan ni Pablo ang pinto nang kotse at saka sya bumaba. "Halika na kayo, hanapin na natin 'yung dalawa."
Sa utos nang leader, kanya-kanya naman silang baba at nagsimula na nga silang maglakad.
Ang bilog na bilog na buwan ay nagbibigay nang liwanag sa paglalakad nang apat na magkakaibigan. Walang nagsasalita ni Isa sa kanila kaya't maririnig ang ingay nang mga pang gabing hayop.
Kaagad na napakapit si Stell sa braso nang kanilang leader. Lalaki sya pero hindi nya maiwasang hindi yakapin nang takot kapag nasa ganitong lugar. "G-guys, wala na ba tayong ibang dadaanan? Sa sementeryo ba talaga?" Nadadaanan nila ang madaming lapida. Yung iba, may nakatirik lang buhay na kandila.
"Wag kang matakot dyan Stell, dito naman ako e. Hindi kita iiwan pramis. Magtiwala ka lang." Isang magandang ngiti ang pinakawalan ni Pablo.
Sumiksik pa si Stell sa kaibigan nya. "Nakakatakot talaga eh." Totoo naman na natatakot sya.
"Stell, magpakalalaki ka nga. Dadaan lang naman tayo dito. May patayin ang tv ka pa dyan nung mapanuod mo ang video nyo ni Pablo tapos yayakap-yakap ka din pala. Yieee PaStell lang sakalam." Pang aasar ni Josh pero nakakapit naman sya sa damit ni Justin. "Ang tunay na lalaki, hindi natatakot."
"Manahimik ka nga, Josh. Kung sabihin kong lalaki lang ako at hindi na need maging tunay na lalaki. Ikaw nga nakakapit din eh, kay justin pa talaga!"
"Shhhh! nga kayo! Ingay nyo eh!" Saway ni Justin sa dalawa, Sya ang nangunguna sa paglalakad. Nakatutok ang kanyang camera sa daan. "Vinevideo ko dinadaan natin. Baka may mahagip tayong ghost mag ba viral yun pramis."
Umakbay na si Pablo sa katabi nyang nanginginig ang tuhod. "Nasaan na nga kaya ang magjowang 'yun? Naiinis na ako ha." Kunti nalang lalabas ang ugali nyang mala ate Chona.
"Ang mabuti pa, maghiwa-hiwalay tayong apat." Suggestion ulit ni Josh. Nakatago ito sa likod ni Justin.
Tumango si Pablo. "Sige, dito kami sa kaliwa pupunta. Nakikita nyo ang malaking puno na 'yun?" Itinuro ni Pablo ang isang malaking puno nang mangga sa gitna nang sementeryo. "Doon nalang tayo magkita-kita mamaya. Naiintidihan nyo?"
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙