Nahulog Si Nase

47 4 0
                                    

Maingay ang buong basketball court dahil family reunion na nagaganap. Ang totoo, buong angkan talaga 'to nang mga Lejano. May mga kumakanta, at nagsasayaw. Mga kamag-anak naming ngayon lang ulit nagkita-kita.

Nasaan ako? Heto sa isang sulok. Nakaupo sa monoblock, may hawak na pinggan at kumakain nang letchon na diniwat ko habang wala pang nakatingin.Habang sila, nagsasayaw. Ako andito lang lumalamon. Hehe.

Maya-maya pa, may babaeng lumapit sa akin. Pinsan ko sya na galing sa abroad.  Sosyal ito manamit at napakasexy. Hindi ko gusto ang uri nang pagtingin nya sa akin. Para akong sinusuri na may kasamang panlalait. "Hi, cousin. Enjoying your food?" Nakataas pa ang kilay nito.

Nilunok ko muna ang ngingunguya ko bago sumagot. "Yeah, gusto mo ba?" Inalok ko sa kanya yung kinakain ko.

"Eww. I don't like that. It's full of cholesterol and it will make me fat." Arte naman magsalita nang isang 'to. Lumaki lang sa abroad nang bago na. Dati naman kasama ko pa syang maligo sa ilog at dugyot pa sya nun.

Kung ayaw nya, di wag. Minsan lang ako makatikim nang ganito kaya hindi ko papalampasin ang mga ganitong pagkain.

"Can you see the handsome guy singing over there?" Itinuro nya ang lalaking enjoy na enjoy sa pagkanta sa videoke na ako mismo ang rumenta.

Oo, nakikita ko. May mata ako 'di ba? "Anong meron sa kanya?" Pustahan ipagmamayabang nya jowa nya sa akin.

"That's my boyfriend. He is rich, handsome and talented. A kind of  boyfriend that you will never have." Nakangisi pa sya sa akin. Yabang! Walang poreber!

Bumuntong hininga ako. Ayokong patulan ang malditang ito. "Ah okay." Haba nang reply ko 'di ba?

"Just look at you, you are not pretty enough to attract guys, you look haggard and your fashion? Tsk. Old fashion.

Napatingin naman ako sa sarili ko nang wala sa oras. Nakapusod ang buhok ko at may salamin ako sa mata. Mahaba ang suot 'kong palda at nakalongsleeve din ako tapos naka rubber shoes pa. Nerd na kung nerd.

Hmmmp! Bakit? Maganda pa din naman ako ah. Kamag anak ko ba talaga ang isang 'to? Lakas nya Maka down nang confidence.

For her information, may boyfriend na kaya ako. Nasa ibang nation lang este my imagination.

"In short, Rovie. Your are ugly. With that look? You will never ever gonna find your lifetime partner."

Muntik pa akong mabulunan. Langya naman. Kaya ayokong umattend nang ganitong gathering may kasamang laitan. Ang sama nang ugali nito!

Inayos ko ang salamin ko at hangga't maaari, pinapanatili ko ang sarili ko na kumalma kahit na napipikon na ako. "Excuse me? Ako? Hindi magkakaboyfriend?"

Ipinatong ko sa mesa ang hawak 'kong pinggan at nagpamewang ako sa harap nya. "Para sabihin ko sa'yo, may boyfriend na ako." Yabang, akala mo naman meron talaga.  Of course, it was a lie. Gusto ko lang mapahiya itong kamag-anak ko na ito na wala namang ambag sa buhay ko.

"HAHHAH." Napatawa lang sya. Nagjoke po ba ako? "You are lying. Just look at you, you are a messy nerdy girl. Stop imagine such a thing that will never happend. Assuming."

Naikuyom ko ang palad ko. Kunti nalang masasapak ko na sya. Hindi porket ganito ako manamit sasabihan nya ako nang masasakit na salita.  Maganda lang pero toxic ang ugali.

Lumapit sya sa akin. Ngumisi sya sa akin at napapailing. "Fine. Do you want me to believe you that you have a boyfriend, then bring him here. Ipakilala mo sya sa aming lahat bago matapos ang event na ito. Kapag nalaman ko na nagsinungaling ka sa akin, yare ka. Sino lang ang mapapahiya sa ating dalawa. Even you're child hood friend iniwan ka dahil sa pagiging nerd mo."

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon