Malakas ang buhos nang ulan nang araw na magkita kami ni Pablo. Pareho kaming nakatayo sa gitna nang kalsada at hindi alintana ang malakas na ulan.
"Bhambie, bitiwan mo ako. Hayaan mo na akong umalis." Mas malamig pa sa panahon ang pananalita nya.
Nakayakap ako mula sa likuran at nakasubsub ang aking mukha sa kanyang likod habang umiiyak. "Pablo, please. Ayoko. Hindi ako papayag sa gusto mo." Ayoko ko syang pakawalan.
"Tanggapin mo nalang ang katotohanan na--"
"--Alin sa dalawa ang tatanggapin ko, Pablo." Putol ko sa sinasabi nya. "Alin sa dalawa? Ang katotohanan na dapat 'kong tanggapin? Ang pakikipagbreak mo sa akin o ang pagiging ama mo sa anak mo sa ibang babae?"
Kahit gaano kahigpit ang yakap ko sa bewang nya, nagawa paring alisin ni Pablo ang mga braso ko. Humarap sya sa akin at masama ang tingin na ibinato sa akin. "Pareho, Bhambie. Pareho 'mong tanggapin."
"Pero paano naman ako? Akala ko ba mahal mo ako pero bakit nagawa mo pa akong lokohin. Matatanggap ko pa na niloko mo ako, mapapatawad pa kita pero yung fact na sabihin mo sa akin na nabuntis mo sya? Pablo, sana sinaksak mo nalang ako."
"Tama na, Bhambie. Ayoko na makarinig nang kahit anong salita mula sa'yo." Tumalikod na sya at nagsimulang humakbang pero ako, hindi ako papayag na basta nalang nga ako iiwan.
Mula sa bag ko na nasa semento, inilabas ko ang baril nang kapatid 'kong pulis. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan 'kong itinututok ang dulo nang baril sa aking sentido.
"P-pablo. Kapag Iniwan mo ako, magpapakamatay ako." Desperada na ako, gagawin ko ang lahat para hindi nya ako iwanan.
Tumigil naman sya at muling lumingon sa akin. "Stop saying nonses---" Natigilan sa nakita nya. "Bhambie! Put that gun down! Ngayon na!" Napalitan nang pag-aalala ang mukha nya.
Umiling ako. "Hindi, Pablo. Hindi ko 'to bibitawan hangga't hindi ka bumabalik sa akin." Gusto ko, akin lang sya. Selfish na kung selfish pero akin lang sya.
Unti-unting humakbang papalapit sa akin ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I want him. I love him! Kung hindi rin lang naman kami ang makakatuluyan, dapat na siguro akong mawala. He is my life! At kung mapupunta sya sa iba, wala nang silbi ang buhay ko.
Mas lalong bumuhos ang ulan. Nakikisabay ang panahon sa aking malungkot na kapalaran. "Baliw ka na? Bitawan mo ang baril na yan ngayon na! Ganyan ka na ba ka desperada para bumalik ako sa'--"
"--OO! BALIW NA AKO! BALIW NA BALIW SAYO!"
"Tama na, please! Tigilan na natin 'to." His voice become more worried. Bumuntong hinga sya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Sige, babalik ako sa'yo. Bitawan mo lang yang baril. Akin ang baril mo, loves."
Nanlambot kaagad ang puso ko nang banggitin nya ulit ang tawagan naming dalawa. Nakangiti na sya sa akin ngayon, sa pagtingin ko sa mga mata nya, para akong nahihipnotismo.
Hinayaan ko na syang tuluyang makalapit sa akin, Wala na, tuluyan na din akong naging marupok. Inalis ko ang dulo nang baril sa ulo ko pero hindi ko ito binitawan.
"Dito na ako. Okay?" Sabi nya sa akin habang niyayakap ako. Hinagilap nya ang kamay ko at kinuha sa akin ang baril. "Hindi na kita iiwan, pangako." Hinalikan nya pa ang noo ko.
Yumakap ako pabalik sa kanya. "Mahal na mah--"
Bang!
Isa gitna nang ulan, isang malakas na putok nang baril ang narinig. Taka akong napatingin sa mukha nang lalaking naging mundo ko sa loob ang ilang taon.
"B-bakit?" Isang salita lamang ang nagawa 'kong sabihin sapagkat ang aking dugo ay lumalabas sa aking bibig.
Umiling lang si Pablo habang unti-unting humahakbang paatras sa akin. "Sorry. Kailangan ko na itong gawin."
Itinaas ko aking kamay, puno ito nang dugo. At nang tingnan ko ang aking tiyan, nagmantsa na sa aking puting damit ang pulang dugo na nanggagaling sa akin.
Nanghina ako at bumagsak sa basang semento. Binaril nya ako. B-bakit?
Bago pa man tuluyang manlabo ang paningin ko, naupo pa sa tabi ko ang walang expression na si Pablo. "Minahal kita, Bham, pero tama na. Baka sa susunod na buhay, tayo na talagang dalawa." Itinapon nya ang baril sa mismong tabi ko at saka tumakbo palayo.
Samantalang ako, naiwang nakahiga sa basang semento at naliligo sa sariling dugo. Ito na ba talaga ang katapusan? Nasaan ang hinahintay 'kong magandang buhay kasama ang lalaking mahal na mahal ko? Isang pangarap lang ba ang lahat?
Napakasaklap naman nang aking kapalaran.
Unti-unti akong pumikit at sa huling pagkakataon, dinama ko ang malamig na tubig mula sa kalangitan.
Baka nga, Pablo. Baka nga sa susunod na buhay, tayo na talaga. Sana maging masaya ka sa pinili mong babae.
Paalam sa lahat.
"AND CUT!"
Muli akong nagmulat nang marinig ang malakas na sigaw nang aming direktor. "PANG BEST ACTRESS KA TALAGA, BHAM" Dagdag pa nito.
Bumangon na ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na palakpakan nang lahat. Hindi ko mapigilang mapangiti, yieee. Mukhang maganda ang pagkaka acting ko ah!
Ako si Bhambie Dumalaog, isang artista. Feel na feel ko lang yung paganap ngayon kasi kapangalan ko yung ginagampanan 'kong character.
"Hon, lika na. Galing mo umarte ah." Nakabalik na pala si Pablo at tinulungan nga akong makatayo. He hugged me tight. "Ang galing galing nang mahal ko, I'm so proud of you." Hinalikan nya pa ako sa noo ko.
Oh yes, Pablo and I are real life couple. Kontrabida lang ang peg nya sa bago naming series.
"Sa sobrang galing mo din umarte, muntik mo akong mapaniwala na niloko mo talaga ako." Natatawa 'kong Sabi ko sa kanya.
Pinunasan nya ang pekeng dugo na nasa gilid nang labi ko. "No way, hindi ako hahanap nang iba, Ikaw lang sapat."
And under the rain, we shared a passionate kiss. I really live this man. Napuno tuloy nang malalakas na hiyawan sa set.
Kaloka.
Dedicated to: Bhambie Dumalaog De Juan
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙