Pablo's Supremacy

39 4 0
                                    

9:35 pm, lakad takbo ang ginawa ko habang binabagtas ko ang madilim na kagubatan. Tanging liwanag lamang nang buwan ang nagbibigay tanglaw para makita ko ang dinadaanan ko.

Medyo malakas ang hangin dahilan para liparin ang mahaba 'kong buhok, ganun din ang mahaba at manipis 'kong puting bestida. Kahit malamig ang gabing ito, kailangan ko paring makalayo. Hindi ko alintana ang nakakatakot na tunog nang mga pang gabing hayop.

Ang ngalan ko ay Emel Rose, isang babaeng tumakbo palayo mula sa isang nilalang na sapilitang bumihag sa akin.  Nakakadagdag tindig balahibo pa ang malaki at bilog na bilog na buwan.

Sana hindi pa sya gising sa mga oras na ito. Sana hindi nya pa napapansin na nawawala ako sa mansion nya. Gusto ko nang umuwi!

Saan ba ba ako pupunta?

Nakarating ako sa isang ilog. Payapa ang agos nang tubig nito at nakikita ang reflection nang buwan sa ibabaw nang tubig.  Hindi ko alam pero, naakit ako nang ilog na lumapit sa kanya.

Umupo ako sa gilid at idinawdaw ko ang aking kamay sa tubig. Malamig. Damang dama ko ang lamig, parang tinunaw na yelo. Walang pinagkaiba sa nilalang na pilit akong itinatago sa loob nang mansion nya.

"Akala mo ba matatakasan mo ako?"

Kaagad akong napatayo at lumingon sa nagsalita. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang masilayan kong muli ang kanyang itsura.

Napakagwapo nya.

Pero hindi dapat ako magpalinlang sa mukha nya dahil halimaw parin ang nasa loob nya.

"Bakit hindi mo nalang ako makalayo? Palayain mo na ako, pakawalan mo na ako, Pablo. Hindi ito ang gusto 'kong buhay." Pilit 'kong nilalaban ang takot ko. Wala akong laban sa kanya, normal na tao lang ako. Wala akong magagawa laban sa isang---

Bampira.

Ipinakita nya sa akin ang nakakatakot nyang ngiti. "Palayain? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Emel Rose? Hinding-hindi ko gagawin ang gusto mo. Ako ang masusunod sa ating dalawa."  Dahil may kakaibang kapangyarihan sya, sa isang kisap mata lang, nasa tabi ko na kaagad sya at hawak na kanan 'kong braso.

"Pablo, pakiusap. Pakawalan mo na ako." Nagsimula nang kumawala ang luha ko. Gusto ko nang umuwi.

Mukhang mali atah ang sinabi ko. Humaba ang mga kuko nya at damang-dama ko ang pagbaon nang mga ito sa balat ko. Ang mata nyang kulay itim ay napalitan nang pula. Galit na sya. "Hindi kita papakawalan, Emel Rose. Hindi ngayon sa gabi nang kasal natin."

Oo, ngayong gabi ang kasal namin. Kasal na hindi ko ginusto. "Bitawan mo ako, Pablo! Bitawan mo ako!" Kahit anong tulak ang  gawin ko sa kanya, hindi sya matinag sa kinatatayuan nya. 

"Sabihin mo nga sa akin, Pablo. Sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ayaw mo akong pakawalan. Sapilitan mo akong kinuha sa pamilya ko tapos ipapakasal mo pa ako sa'yo. Hindi tayo bagay, Pablo. Isa akong tao at Isa kang bampira!"

"Emel Rose." Naging mahinahon ang pagtawag nya sa pangalan ko.  Bigla akong natigilan at kumalma. Bakit ganito? Ginagamit na naman ba nya ako nang kapangyarihan nya?

Idinako ni Pablo ang isa nyang palad sa pisngi ko. "Gusto mo talagang malaman ang totoong dahilan kung bakit ayaw kita pakawalan?" Napakakalmado nang boses nya, malayo sa boses nya kanina na parang halimaw.  "Kasi mahal na mahal na mahal kita." Walang luha ang makikita sa mga mata nya pero malungkot ang expression nya.

"Sampong taon ka pa lamang nang una kang mapapadpad dito sa gitna nang gubat, sa pagkaligaw mo noon kita nakilala. Hindi mo ba naaalala ang pangyayaring 'yun? Kahit alam mo na bampira ako, sinabi mo sa akin hintayin kita dahil papakasalan mo ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ka lamang noon dahil napakabata pa nang iyong isipan pero isinapuso ko ang pangako 'mong babalik ka. Ibinalik kita sa magulang mo, hinayaan kitang umalis at magpunta sa syudad para sa mga pangarap mo. Emel Rose, hinintay kita nang labing limang taon. Nangako ka sa akin."

"Pablo, bata pa ako noon. Isang pangako lang yun nang isang batang babae!" Bakit ganito, apektado ako sa lungkot na nararamdaman nya!

"Mahalaga sa amin ang mga pangako, Emel Rose. Wag kang mangangako sa isang bampira kung hindi mo kayang tuparin." Itinuro nya ang puso nya. "Ang puso nang isang bampira, isang beses lamang maaaring magmahal. Kapag, hindi tinanggap nang napupusuan ang inaalok naming pag-ibjg, hihinto na ito sa pagtibok at wala na kaming kaibahan sa mga patay."

Binitawan ni Pablo ang braso ko. "Sige, umalis ka na. Gusto mong lumayo na sa akin, di ba? Malaya ka na. Siguro tama ka nga, ang isang katulad 'kong bampira ay hindi maaaring mahalin nang kahit na sino."

May pagkakataon na nga ako para tumakbo pero bakit ganito? Ayaw kumilos nang mga paa ko. Isang taon nya akong ikinubli sa loob nang kanyang mansion. Oo, naging buhay prinsesa ako sa feeling nya pero hindi ko gustong maging nilalang na katulad nya.

"Pero bago ka sana umalis." Naglabas si Pablo nang isang patalim mula sa bulsa nya at iniaabot ito sa akin. "Isang kahilingan ang hihingin ko sayo kapalit nang pagiging malaya mo. Ang patalim na ito, nais 'kong itarak mo sa aking puso. Tama na ang apat na daan na pamumuhay ko dito sa mundo. Pagod na pagod na din ako. Gusto ko nalang mamahinga. Kung hindi ko rin lang naman makukuha ang babaeng nag iisa 'kong minahal, mabuti pang mawala nalang din ako."

Lumapit sya sa akin. Pareho naming hinawakan ang patalim. Itinapat nya ito sa gitnang dibdib nya. "Ang kamatayan nang isang bambirang tulad ko ay nasa puso. Oras na, mahal ko." Isang mapait na ngiti ang ipinakita nya sa akin.

Hindi ko alam pero pumatak na naman ang luha ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit parang ayoko syang mawala, bakit gusto 'kong tumutol.

"Paalam, mahal ko. Sana maging masaya ka sa pagpanaw ko." Dahan-dahan nyang inilalapit ang patalim sa dibdib nya, ang kamay ko, tumututol.

May narealized ako habang tinititigan ko ang pula nyang mga mata. Sa buong buhay ko, prinotektahan nya ako. Tinutulungan nga ako sa lahat nang gusto 'kong maabot. Bakit naging manhid ako, bakit naging bulag ako sa nilalang na katulad nya? Bakit nauna sa akin ang takot kesa ang makilala pa sya.

Mabilis ang tibok nang puso ko.

Ayoko nang ganitong katapusan.

Ayoko syang mawala.

Mabilis akong kumilos at hinagis ang patalim palayo sa kanya. Kaagad akong yumakap sa kanya. "Hindi, Pablo. Ayoko. Ayokong mawala ka. Patawad, patawad 'kong Hindi ko nakita kaagad kung gaano mo ako kamahal."

Yumakap sya sa akin pabalik. "Hindi ka na aalis?" Bulong nya sa akin.

Humagulhol ako sa dibdib nya. "Hindi. Ayoko nang umalis."

Hinalikan nya ako sa noo ko. "Magsimula Tayo nang bago, mahal ko."

Nang gabing yun, bumalik kami sa mansion. Nagbago ang pakikitungo ko kay Pablo. Alam ko, tao ako at bampira sya pero ang lahat nang nilalang ay maaaring umibig at magkaroon nang happy ending.

Dedicated to: Emel Rose Alburo Potutan

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon