I'm Inlove With Him

37 4 0
                                    

" Jah, masakit ba maoperahan?" Tanong ko sa kanya habang tulak tulak nya ang wheelchair ko. Ilang minuto nalang ooperahan na ako sa puso.

Bahagya syang natawa. "Malay ko, hindi pa naman ako naooperahan eh." Hmmp! Ang pilosopo nang tanong. Kahit kelan talaga hindi maayos kausap itong si Justin. Pangit kabonding. Pwede ba magpalit nang kaibigan?

Napansin atah ni Justin ang pagsimangot ko, sino ba naman ang hindi maiinis 'di ba? Seryoso kaya ako dito. Itinigil nya ang pagtulak at umupo sya sa tapat ko

Hinawakan nya ang mukha ko at ipinakita nya sa akin ang kanyang charming and gummy smile. "Alma, wag ka nang mag-isip dyan, mamaya pagkagising mo may bago ka nang puso. Basta kayanin mo ha. Hindi mo rin naman mraramdaman kung masakit ba o hindi kasi tulog ka naman."

"Pag-gising ko dapat nasa tabi kita." Kapag naging successful ang operation na 'to. Magtatapat ako kay Justin. Magtatapat ako na hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya.

Pero kung ngayon na kaya ako magtapat? Baka kasi di ba, hindi na ako magising after this. I don't want to think negatively pero kinakabahan kasi ako eh.

"Tama na ang usap. Balik na tayo sa kwarto mo para makapagpahinga ka pa. Isang oras nalang ooperahan ka na." Muli nyang itinulak ang wheelchair ko.

Teka, may naalala ako. "Jah, kilala mo ba kung sino ang  donor ko?" Curious kasi ako eh. Alam ko bawal malaman 'yun kasi private ang ganung information.

Nagtaka ako nang nawala ang ngiti ni Justin at hindi pa sya nagsalita. "Hindi ko alam, wag mo na tanungin." Bigla syang naging seryoso, bakit naman kaya? Nagtatanong lang naman ako eh.

Bandang 7: 35 pm, dinala na ako sa operating room at nang magising nasa panibagong kwarto na ako. Si papa ang una kong nakita pag-gising ko.

Teka. Nasaan ang bestfriend ko? Oo, si Justin kaagad ang hinanap ko. "P-papa. Si Justin po? Nasaan?" mahina pa boses ko.

Napatigil si papa sa pagbabalat nang mansanas. Hindi nya din alam kung saan titingin, sa akin ba o sa sahig. "Anak, hindi mo ba alam kung sino ang nagdonate ng puso sayo? Hindi ba nya sinabi sayo?"

Ako naman ang natigilan. Hindi nagsink in sa utak ko ang sinabi ni papa. Ano ang ibig nyang sabihin? Paki explain naman nang maayos oh.

Dug. Tug. Dug. Tug.

Ito ang unang beses na naramdaman ko ang malakas na pagtibok nang bago 'kong puso.

"Pa, nasaan nga si Justin? Wag mo naman akong biruin." Hindi ko alam kung saan nang galing ang mga luha ko. Please, wag naman sana. Wag naman si Justin. Hindi pa nga ako nagtatapat dun eh.

Tumayo si Papa at niyakap ako nang mahigpit. "Sorry nak, wag ka na umiyak. Sorry kung hindi namin sinabi sa'yo. Mahal kasi nang bestfriend mo kaya nakiusap sya na puso nalang nya ang ibigay para mabuhay ka pa. Sorry, ayaw naming masaktan ka kaya inilihim namin." Umiiyak na din si papa.

Hindi! Hindi ako naniniwala! " Papa! Bakit si Justin pa?! Asan sya pa?" Grabe na ang iyak ko. Kaya pala natahimik si Justin kanina habang tinatanong ko sa kanya Kung sino ang donor ko, walang iba pala kundi siya.

"Sorry ulit nak, wag mo nang hanapin si Justin."

"PAPA! IBALIK NYO SI JUSTIN!" Nagwawala na ako sa yakap ni papa. Paulit-ulit 'kong sinusuntok ang braso nya. Hindi 'ko kayang mabuhay kung ganito lang magwawakas ang lahat.

Hinawakan ko ang gitnang dibdib ko at dinama ang puso nang lalaking nagbibigay buhay sa akin ngayon. "Justin naman eh, bakit ka nagdesesyon nang di ko alam."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nilalang na dahilan nang pag-iyak ko. "J-justin? B-buhay ka?"  Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang taong hinahanap ko. Si Justin, may hawak syang bulaklak at balloons.

"HAHAHA." Tumawa pa sya. "Malamang buhay ako, kaya nga nakatayo ako sa harapan mo eh.  Niloko ka na naman ni Tito nuh? Akala mo ako nagdonate? Binilhan lang kita nang bulaklak at balloons nagwala ka na kaagad dyan."

Humiwalay nang yakap sa akin si papa at nakangiti sya nang nakakaloko. "ISSA PRANK!"  Sabay takbo palabas nang kwarto. Pangit ka bonding nang tatay ko! Pagtripan ba naman ako!

Umupo si Justin sa kama at inayos ang magulo 'kong buhok. "Si papa pinapaiyak ako." Sumbong ko sa kanya.

"Hayaan mo na, gagantihan natin sya mamaya. Don't cry okay, buhay ako at sabay pa tayong tatanda eh." Pinunasan nya ang basa 'kong pisngi. "Here, I brought it for you." Inabot nya sa akin ang isang bouquet nang pink roses.

May nakita akong card na nakapatong sa ibabaw nang bulaklak at may nakasulat dito. "I love you. Not for being a bestfriend but I want you to be my lover." Oh Ayan, sya na ang nagbasa.

Napangiti nalang ako, knowing na pareho pala kami nang nararamdaman. I hugged him. Itinapat ko ang ulo ko sa dibdib nya at pinakinggan ang malumanay na tibok nang puso nya. "I love you too, Jah. Akala ko talaga Wala ka na eh. Pinagtripan ako ni papa, masyado syang mapanakit." Sumbong pa more.

Hinalikan ako ng aking prinsipe sa noo ko. "Hayaan mo hindi natin bati si papa mo. Hindi kita iiwan nuh, hindi ko iiwanan ang prinsesa ko." Sabay yakap nya sa akin ng mahigpit.

"Ang panget mo umiyak, love." Biro nya sakin.

"Justin naman eh! Pinagtripan na nga ako ni papa, nilalait mo pa ko!"

Muli nya akong niyakap. " Just kidding. I love you, Alma. Kagaya ng pinangako ko nandito ako pag-gising mo. Ang pangako ay pangako."

Dedicated to: Alma Joy Salisib

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon