"Ma, pano nyo ba nakilala si papa?" Tanong sakin ng panganay naming anak ni Stell. Nagtitimpla sya ng kape at nakatingin sa akin.
"Ngayon ka lang atah na curious kung paano kami nagsimula ni papa mo." Itinigil ko ang pagtatype ko sa aking loptop at inalala ang mga masasayang ala-ala namin namin nang asawa ko.
Libong mga taga farm ang kaagaw ko noon kay Stell pero sa huli, ako pa din talaga ang pinili nya. Napakaswerte ko 'di ba? Ako ang nanalo sa digmaang isang Ajero ang premyo. Isa kasi syang member nang ppop boygroup noon na SB19, kaya madali talaga akong kaagaw.
Napangiti ako ng maalala ko ang unang beses na napanuod ko si Stell, napakalakas nang dati nya sa music video nila noon na 'Go Up'. Na love at first sight talaga ako eh. Idagdag pa gng nakakapaghalina nyang boses na mas mataas pa sa Eiffel tower nang Paris.
Tumabi sakin si Vestel. "Ma, ito kape nyo. So tell me, pano kayo kayo nagka-inlaban? Wag kayong ngumiti lang dyan, magkwento naman kayo."
Uminom muna ako ng kape bago sumagot. " Alam mo kasi nak, nagbabakasyon ako nun sa maynila tapo---"
"---Wag kang maniniwala dyan sa mama mo! Sinungaling yan. Hindi talaga yan nagbakasyon sa maynila kinidnap nya ako bago ang concert namin." Natatawang sabat ni Stell sa sinasabi ko.
Pumasok ang aking mahal na asawa at umupo sa tabi ko. Mabuti naman at umuwi na sya, akala ko aabutin pa sya nang nagdamag kina Pablo eh.
"Seriously Pa? Kinidnap ka ni mama?" Hindi na napigilang humalakhak ni Vestel. Sa totoo lang, kung titingnan parang xerox copy ni Stell si Vestel. Magkamukhang Magkamukha sila, parang pinagbiyak na bunga. Para tuloy ang kaharap ko ngayon ay ang batang Stell noon.
"Nako nak! Oo. Teka nga, painom muna." Inagaw nya ang hawak 'kong tasa at ininom ang kape ko. "Mabalik tayo sa sinasabi ko. Kinidnap nga ako nang mama mo, grabe halos magkagulo ang mga tao sa concert that time kasi nga nawawala ako tapos nung magising ako aba! Nasa kwarto na ako ng mama mo!" Kita sa mukha ni Stell ang excitement habang nagkikwento sa anak nya.
Pero kinidnap? Haha Yeah, tama sya. Kinidnap ko sya dati. Kung mahal mo, kidnapin mo. Hindi na uso ngayon ang maghihintay ka. Gawa-gawa din nang paraan pag may time.
"Hindi nya kasi ako pinapansin dati tapos ang damot pa mag reply sa menpa. Ni isang beses hindi nya ako nireplyan sa message party nila, Kaya ako kinidnap ko nalang ang papa mo."
Umakbay sakin si Stell sabay tingin sa mata ko. "Buti nalang pala kinidnap mo ko kasi kung hindi mo ginawa yun baka hindi ako ganito kasaya sa buhay ko. I'm happy na ang kidnapper ko ang nagbigay kulay sa buhay ko at binigyan pa ako ng limang gwapong mga anak. I love you, Kiam."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. " Hindi ako nagsisisi na kinidnap kita. I love you too, Stell ." He give me a smack kiss.
"Mama, papa. Samahan nyo nga akong magplano Kikidnapin ko din yung crush ko sa campus." Pabirong lintanya ni Vestel.
Aba! Mukhang nagmana sakin ang panganay namin ah!
Dedicated to: Kiamba Bejasa
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙