Jack And Romeo

24 5 0
                                    

"Hoy!" Siniko ko si Pablo sa kanyang tagiliran para makuha ko ang atensyon nya. Kanina pa tapos ang eksena ko sa rehearsal room kanina pero heto at tumatawa pa rin sya.
"Pinuno naman eh! Hindi ka pa rin titigil dyan? Saya mo ah."

Magkatabi kaming nakaupo sa bench at umiinom nang soft drink na nasa lata. After kasi nang kahiya-hiya 'kong pagsasayaw nang sexy dun sa rehearsal room, inaya nya akong magpalamig sa labas. Tumambay kami dito sa park at pareho kaming nakatingin sa paglubog nang haring araw.

"Hahaha." Mahina nyang pagtawa. "Eh kasi naman, hindi ako makapaniwala na sinunod mo talaga si Ken kanina. Kung nakita mo lang itsura mo kanina baka pati ikaw matawa sa sarili mo. Feel na feel mo naman ang pagsayaw nang sexy dance kanina, may pakagat labi ka pang nalalaman." Hindi na magawang mainom ni Pablo ang soft drink nya, tawa kasi nang tawa.

Inis 'kong ginulo ang buhok ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon namumula parin ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Tama na kasi, pwede bang kalimutan nyo nalang 'yun. Hiyang-hiya na nga ako eh." Mukhang di ako makakatulog mamayang gabi dahil sa nangyari.

Uminom muna si Pablo. "Ano, Stell. Uulitin mo pa ba ang pangti-trip sa amin kapag bored ka? Dati si Josh, pinagtripan mo din. Nung natutulog sya, dahil lang sa nakanganga sya, pinakain mo nang biscuit at pinainom mo pa nang tubig. Karma is real di ba?"

Sumandal ako sa backrest nang inuupuan naming kahoy na bench. "Atleast busog sya pag gising nya."

Sumandal din si Pablo at pareho naming pinanuod ang mga taong dumadaan lang sa harapan namin. Hindi atah nila kami namumukhaan na kami ay member nang SB19. Pero ayos narin, namiss ko lang din maging normal citizen dito sa planet earth na malapit nang sakupin nang mga aliens--ayy teka, dami ko kaagad nasabi.

"Ibenta ko kaya ang video clip nang pagsasayaw mo? Paniguradong madaming A'tin ang mahihimlay. Tingin mo? Baka dito na talaga ako yumama--Aray naman! Kailangan ba talagang manakit?" Ibinato ko kasi sa kanya ang lata na wala nang laman. Tumama ito sa dibdib nya.

"Sige, subukan nyo i-upload ang video ko magkakalimutan tayo." Syempre, joke lang. Hindi ko kayang ipagpalit ang SB19 dahil lang sa sexy dance na 'yun. Okay lang din naman. "Sige na nga upload nyo na, ayuda para sa mga berries ko." Magwawala ang mga taga farm kapag napunuod nila ang video ko.

Teka, may naalala lang ako. "Pinuno, may tanong ako sa'yo." Curious lang naman ang pogi nyong bida.

"Oh? Anong tanong?"

Sino gumawa nang pyramid sa Egypt--ayy ano ba! Hindi Yan ang tanong ko. "What if, mahulog ka sa kapwa mo lalaki, ano ang gagawin mo? Magtatapat ka ba sa kanya? Or itatago mo nalang as a secret?" Dami ko ba tanong? Affected much ba ako sa sinabi ko Ken kanina?

"Hmmm." Napahawak pa sya sa buhok nya bago sumagot. Nag-iisip yern. "I don't know, I think it's defend naman sa situation. Kung magkakagusto man ako sa kaibigan ko, dapat ko muna isipin ang mga possible na nang magyari kapag nagtapat ako. Pwede kasing mailang yung taong gusto ko sa magiging confession ko. Sometimes, you must choose your friendship rather than your personal feelings lalo na't hindi madaling tanggapin para sa iba ang nararamdaman mo." Bigla syang tumingin sa mata ko. Puno nang buhay ang mata nya at nangungusap. "But you know what? Love has no gender. Kung mahal mo talaga eh di ipaglaban mo, ang mahalaga wala kayong maapakan na tao."

Napatango nalang ako. "Ang haba nang sagot ah."  Bakit ba kasi ako affected much sa sinabi ni Ken kanina. Ako dapat ang mang pa prank pero kabaliktaran ang nangyari.

Pareho nalang kaming natahimik. Ang ganda nang langit, kulay orange na sya at yung araw-- nice. Lumulubog na sya. Napakaromantic naman. Kapag nakilala ko na ang taong para sa akin, palagi kaming magdedate sa ganitong oras.

SB19 Short Story Present:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon