"Dad, si mommy ba kumuha nang picture na 'to?" Pinakita sakin ni Vester ang isang picture frame kung saan ang nasa picture ay wala iba kundi ako.
Naglilinis kasi kami dito sa bodega at nahalungkat namin yung mga lumang gamit na tinago ng pumanaw kong asawa.
Nakatayo ako sa picture na medyo nakatalikod. "Yeah, it was me. Nasa Korea kami nung mga panahong ito. First date namin as husband and wife." Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko kung gaano kami kasaya noon.
"Dad, you're smiling. Can you tell me how's your lovestory started." Excited na sambit nya.
Tinitigan ko yung frame at ngumiti. "I was a member of a boy group before, kung saan kagrupo ko ang mga Tito mo."
"Yung SB19, Dad? Grabe! Sikat na sikat nga kayo nun! Napapanuod ko mga videos nyo sa YouTube. And then what happend next?"
"Nagsimula talaga ang buong kwento sa aming dalawa nang Tito Pablo mo. Sa grupo namin, kaming dalawa talaga ang pinakaclose. Tandem kami sa kalokohan. Hanggang sa may nakilala kaming babae. Isa sya sa mga fangirl na nakikisigaw sa baba ng stage. Muntik na akong mahulog sa stage nun but your mom, matapang sya at sinalo nya ako. Dun nagsimula ang pagiging close namin. She was really humble, smart, pretty and down to earth. Habang nagiging close kami, unti-unti akong nahuhulog sa kanya pero nalaman ko na si Pablo pala ang gusto nya and I secretly found out na nililigawan na sya ng Tito mo. That was my first heart break."
"What? Si Tito pala ang gusto nya? Then paanong naging kayo ang naging mag asawa?"
"Nalaman ni Pablo na gusto ko ang mommy mo kaya itinigil nya ang panliligaw dito. Ibinigay sakin ni Pablo ang pagkakataon para maka pag tapat sa mommy mo. Maging mabait naman sya sakin at hinayaan nyang iparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Hanggang sa naging kami at nagplano nang kasal. Alam mo yung nakakaiyak sa story na 'to? Tumutulo ang luha ko nun habang naglalakad sa Aisle ang mommy mo, alam ko napilitan lang syang pakasalan ako. Buntis sya at hindi ako ang ama. Gusto kong magalit sa kataksilang ginawa nya pero mahal ko sya at ayokong masira sya sa pamilya kaya tinuloy namin ang kasal."
"Buntis sya? Then who's the father? At asan yung baby?" Nalulungkot na tanong nya.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko at mapait na ngumiti sa itinuring kong anak. "Everytime na nakikita kita, naalala ko sayo ang katotohanang hindi talaga ako minahal nang mommy mo. I'm not your real father. Si Pablo ang totoong tatay mo. Kahit hindi ako ang totoo 'mong ama, still, you are the best gift a ever received in my life."
Dedicated to: Vester Hoon | Phoebe Kate Samsona
BINABASA MO ANG
SB19 Short Story Present:
Short StoryA short stories collection dedicated to A'Tin 💙