WJM: Forty- Five

1K 18 5
                                    

Masaya naghahapunan si Aira kasama si Nana Lina, habang ang kanyang anak ay todo tawa dahil narin sa ginagawang kulitan ng dalawa.


Gabi na ngunit wala parin ang asawa ni Aira na si Steven, masyadong busy ito dahil narin sa mas lalo syang nakilala dahil narin sila ang kanyang ama at nakakatandang kapatid ang gumagawa ng isang sikat na hotel sa isang beach resort.



Habang nilalaro ni Aira ang kanyang anghel bigla naman my nag doorbell sa labas, nag prisinta si Nana Lina na sya na ang magbubukas, pero hindi pumayag si Aira namiss nya masyado ang kanyang Asawa kaya naman mas gusto ni Aira na sya na lamang ang magbukas para sa asawa.


Kitang kita ang ngiti ni Aira habang papalabas sya ng kanilang bahay, ngunit napawi ang ngiti ni Aira ng mapagtanto nya na ang kotse na nakaparada sa kanilang bahay ay hindi kotse ng kanyang asawa.



Nakilala nya kung kanino ang kotse na ito. Agad na lumabas ay lalaking sakay ng kotse ng makitang lumabas ng gate si Aira. Tumingin muna si Aira sa paligid bago nya puntahan ang lalaking nasa harap nya.



Napansin ni Aira ang hindi kaaya ayang among ng lalaki, tila lasing ito. Agad na hinawakan ng lalaki ang kamay ni Aira at inilapit sa kanya.



"Lucas! Anong ginagawa mo dito?" mahinang sigaw ni Aira sa lalaki. Nakita ni Aira ang konting ngisi ng binata.



"Obvious ba? Pinupuntahan ka." Nakakalokong sagot ng binata. Agad na binawi ni Aira ang kamay nya sa binata.



"Wag mo nga akong gawin tanga! Ano ang pinunta mo rito ha?" pigil na sigaw ni Aira. Hanggat maaari gusto nyang makipag usap sa binata na hindi nagagalit. Lalo pa't napansin ni Aira na lasing ito.



"Gusto lang sanang kitang makausap." Malumanay na wika ng Binata, at biglang yumuko ito.



"Nag uusap na tayo." Sarkastikong sagot ni Aira at nag iwas ng tingin.



"No! Baby I mean yung tayong dalawa lang." malambing na sagot ng binata at hinawakan nya ang dalawang kamay ni Aira. Agad naman itong binawi ni Aira at kunot ng noon g binata sa inasal ni Aira.



"Hindi pwede Lucas mamaya lang uuwi na ang asawa ko! Umuwi kana lasing ka!" Sabi ni Aira kay Lucas akmang aalis na si Aira ng bigla hatakin ni Lucas ang braso ni Aira dahilan para maparahap si Aira kay Lucas.




"No Baby hindi ako lasing, naka inom lang pero alam ko pa ang ginagawa ko nasa katinuan pa ako." Malambing na pahayag nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon