WJM: Thirty- Seven

1.7K 36 13
                                    

Thirty- Seven

 

 

Masaya ang pamilya ni Steven ng nalamang buntis ako. Ako lang ata ang hindi Masaya. Nakakaramdam ako ng masamang aura sa loob ng bahay na ito.

Naglagay ako ang ng sugpo sa pinggan ni Charles. “Wag! Hindi pwede si Babe- este si Steven sa sugpo. Hindi sya kumakaen nian.”  Agaw eksena nya sa hapag kainan lahat kami napatingin sa kanya. Bwiset! Asawa ko hindi ko alam kung ano ang ayaw at gustong pagkaen, taray ko syang tinaasan ng kilay. Napahiya ako sa ginawa nya.

“No okay lang Carmela. Kakainin ko ito.” Sabi ni Steven akmang gagalawin nya ng ng bigla ko syang pigilan.

“Wag na! Wag mong pilitin kung ayaw mo.” inis kong kinuha ang sugpo sa pinggan nya at inilagay ko sakin, napatingin naman sila sa ginawa ko.

 “Tsss. Asawa mo hindi mo alam kung anong gusto.” Mataray na sabi nito sakin, at naglagay sya ng ibang pagkaen sa pinggan ni Charles.

 “Eto Steven, eto dapat ang kinakaen mo diba favorite mo itong garlic beef.” Maligayang sabi nito habang patuloy na naglalagay ng pagkaen sa pinggan ni Steven. Narining ko ang mag opo ni Papa at bigla syang nagsalita. “Si-sige na kumaen na tayo.” Sabi nito. Agad ko syang tiningnan ko ng masama si Carmela. Wala syang respecto ginanon nya ako sa harapan ng pamilya ng Asawa ko.

Nawalan ako ng ganang kumaen dahil sa nangyari, habang sila at masayang nagkwkwentuhan samantalang ako pinaglalaruan ko ang pagkaen nasa pinggan ko. Bwiset! Nawalan talaga ako ng gana.

Dapat Masaya ang gabi na ito dahil ipinagdiriwang namin ang pagbubuntis ko pero dahil sa babaeng ito hindi naging maganda ang gabi ko, sa kanila siguro maganda. Tapos na silang kumaen, nag sialisan na sila hiyakap ako ni Mama at Papa at ni Kuya William at binati na Masaya sila sa pagbubuntis ko.

“Steven tara sa pool tayo.” Bigla hatak ni Carmela sa braso ni Steven. Hindi naman agad nakaimik si Steven. Naiiyak nalang ako sa inis, ni wala manlang syang ginawa. Bwiset! Bwiset talaga! Napagpasyahan ko nalang natulungan ang mga katulong na magligpit ng pinagkainan.

“Teka.. tutulungan ko lang ang asawa ko.” Sabay turo samin ni Steven. Binawi nya agad ang braso nya sa pagkakahawak ni Carmela. Napangisi naman ako sa ginawa ni Steven.

“Hayaan mo nalang sya dyan, tumutulong eh. Let’s go namiss kita eh.” Hinawakan nya ulit ang braso ni Steven at hinatak ito. Sa sobrang inis ko nabitawan ko ang pinggan kaya naman nabasag ito. Naiiyak ako sa sobrang inis.

Agad na napaharap si Steven sa nangyari, agad naman akong yumuko para pulutin ang ang nabasag na pinggan. “Ma’am ako na po dyan.” Sabi ng isang katulong. Yumuko narin si Steven at tinulungan ako. “Okay lang ba? Nasaktan kaba? Hayaan muna sila dyan.” Sabi nito sakin habang inaagaw ang bubug sa kamay ko.

“Ang lanta naman.” Mataray na sabi nito at nag cross ang arms nya. Tumingin ako sa kanya at masama ko syang tiningnan tinaasan nya lang ako ng kilay.

“Tara na Honey.” Pagyaya sakin pero agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Pag sama kayo!” bulong lang iyon pero sigurado akong naramdaman nya ang diin at ang galit sa boses ko.

Agad akong tumayo ay padabog na lumakad, sinadya kong bungguin ang balikat nya hindi nya iyon inaasahan kaya naman na out of balance nya. Sana natumba kana! Bwiset! “Ang lambot.” Sakrastiko kong sabi sa kanya. Kung hindi sya naka hawak sa sandalan ng bangko malamang ko natumba nasa ng tuluyan.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon