WJM- NINE
Bridal Shower
“Bess, ready kanaba para mamaya? Doon tayo sa condo ko.” Biglang bungad ni Mandss sakin, isang oras nalang at uwian na. Hindi pa nagtetext sakin si Lucas o kahit si Steven. Teka? Anong text naman ang hihintayin ko kay Steven? TSK!
“Bakit kasi may ganon ganon pa, ang daming arte.” Reklamo ko sa kanya. Hindi ko talaga gusto iyong Bridal Shower na ito. I'm not excited about my wedding.
“Para saan ba ang Bridal Shower? Bridal shower nga diba? Te paki gamit nga ang isip sayang ang ganda.” Sabay suklay nya ng buhok nya gamit lamang ang kamay. Aba loko ito, ginawa pa akong tanga!
“Hoy Thomas, wag mo akong inisin ginawa mo pa akong tanga syempre, alam ko yung bridal shower. Bridal Shower nga diba!” Binilatan nya lang ako. Hahaha ayaw nya akong patulan dahil paniguradong guguluhin ko ang buhok nya.
“Isabel, ikaw nga kumausap sa baliw na babae na iyan. Baka hindi ako makapag pigil.” Sabi nya kay Isabel habang naghahalo ng halo-halo.
“Abnormal kayong dalawa talaga kahit kailan.” sabi ni Isabel pagkatapos sumubo ng Halo halo.
“Whoah! Nahiya naman kasi sa pagiging normal mo Isa.” Okray ni Thomas haha okay Mandy pala.
“Aira, alam mo bang maraming papa mamaya?” excited na sabi ni Isa. Palibhasa Single. Teka? Wala ata akong alam na nagkaroon sa ng Boyfriend. HAHAHA! Hopeless romantic!
“WHAT?” malakas na sigaw ko. MARAMING LALAKI? Jusko namana!
“Oh ayan tatanga tanga nanaman sya. Sasampalin kita Aira umayos ka nga.” Aba sira ulo talaga itong baklang ito. GAGO!
“HOY!” turo ko sa kanya, pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Ang taray talaga.
“Sige, mag shunga shungahan ka jan papabayaran ko sayo lahat ng ginastos namin ni Isa para sa Bridal Shower mo.” Kaya naman pala ang taray mag yabang ng baklitang ito sya naman pala gumastos ang party mamaya, manigas sya sinabi ko pang gumastos sya para sa bridal shower ko. Sira ulo!
“Yabang mo. Kaya naman pala.” Biglang lumapit si Isabel sa desk ko at my binagay na box.
“Ano ito?” tanong ko. Relax na relax sumagot si Mandss sakin. “Buksan mo, sana inabot nalang namin sayo ng walang box kung itatanong mo din samin kung ano iyan.” Aba talaga nya naman ang tindi ng tabas ng dila ng bakla na ito.
“Hoy! Mandy ako tigil tigilan mo ng pagtataray effect mo jan ha. Pag ikaw hindi ko pinasama mamaya sa bridal shower ko, kahit gastos mo pa iyon ewan ko nalang sayo, kami ni Isa mag eenjoy sa mga iyon ikaw pangangangahin kita ng walang subo sinasabi ko sayo. Tigilan mo ako.” Pagtataray ko sa kanya pero syempre loko lang.
“Tumigil kana nga Mandss.” Natatawang sabi ni Isa, haha natatawa naman kasi ang itsura ni Mandss. Parang ewan kasi yung itsura nya, parang hindi makapaniwala na ewan, aba luging lugi sya , kami ni Isabel Masaya sa party nag eenjoy sa mga sparkling abs sya naka nganga hahaha.
“Fine! Sige na buksan mo na iyan.” Tumingin muna ako sa kanila bago ko buksan nung box.
“NIGHTIES? ” malakas na sigaw ko, as in MALAKAS. Aba pang hindi ako makahinga sa nakikita ko ngayon, at hindi lang ito isa kundi dalawa. DALAWA? What the pak? Seriously? Agad ko silang binalingan masamang tingin nakita ko lang na nagpipigil sila ng tawa at nag apir pa.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...