WJM: Forty- Two

1.1K 24 2
                                    

WJM- Forty Two

Steven's POV

Ilang oras na kaming nandito sa ospital. Hindi pa ako natutulog dahil sa pagbabantay kay Aira. 8 am kanina sinugod namin sya sa ospital dahil pumutok na ang water bag nya. Ilang oras na rin syang nag lalabor. Naaawa ako sa kanya kapag nakikita ko syang nahihirapan, pero kapag tatanungin ko lang kung okay lang sya matamis na ngiti lang ang isinasagot nya sakin.

"Are you okay Honey?"  tanong ko ulit dito dahil panay ang kagat nya sa kanyang labi halatang pinipigilan nya ang sakit. Hindi parin nawawala ang ganda nya kahit nakikita kong nahihirapan sya.

"Don't worry about me Honey. Kaya ko ito." then ngumiti sya sakin pero ang isang mata nya ang nakapikit. Nandito lang ako sa tabi ng kanyang kama, mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. nasa bahay muna si Nana at pinaayos ko ang mga gamit na kailangan namin mamaya lang siguro ay nandito na.

Nagising ako sa sobrang ingay, nakita kong namimilipit sya sa sakit. "Mr. Madrid. Mangangak na po sya." tarantang sabi ng Nurse sakin habang nag aayos sila . Agad akong lumapit kay Aira na halos hindi maipinta ang kanyang mukha sa sobrang pamimilipit. Tsk! Hindi ko kayang nakikita syang nahihirapan, parang ayoko na ulit syang buntisin kapag ganyang pala ang paghihirapan ng mga babae sa panganganak.

Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kanyang kamay at hinalikan ko sya, bago ako lumabas hindi ko kaya na makita ko sya ng ganon ang kanyang mukha, nakikita kong nahihirapan nya. Hindi ko kaya! Iyon ang aking kahinaan ang makita kung umiiyak sya at nahihirapan.

Halos hindi ako mapakali sa labas ng kwarto, umupo ako at nag dasal. Sana maging maayos ang kanyang panganganak. Sana walang mangyari sa anak at sa asawa ko. Sana maging maayos ang lahat.

Biglang dumating si Nana kasabay naman iyon ang paglabas ng Doctor. Dali dali akong lumapit sa Doctor para kamustahin ang pangangak ni Aira.

"Doc? Kamusta po ang mag-ina ko?" tarantang tanong ko. Ngumiti lang ito sakin at masaya akong sinagot. "They're both okay Mr. Madrid, and the baby is Healty. Maaari na po kayong pumasok." masayang sabi ng Doctor, tinapik lang ni yaya ang balikat ko at dali dali na kaming pumasok sa loob.

Nakikita kong yakap ni Aira ang Baby namin sa kanyang dibdib at umiiyak ito, nakita kong nakayakap sya sa bata pero pikit ang kanyang mga mata. Agad naman akong kinabahan kaya nag tanong ako sa nurse na naiwan doon "Nurse, anong nangyari sa asawa ko?" pag aalalang tanong ko. "Sir, okay lang po sya. Nakatulog lang po. Normal po iyon." nakangiting sabi sakin ng nurse. 

Nkahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng nurse kaya naman agad ko hinalikan ang anak ko na dahan dahan humihinto sa pag iyak pati si Aira na mahimbing na natutulog, hinalikan ko sila pareho ng punong puno ng pagmamahal.

Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo, hindi ko inakala na magiging ganito kaganda ang buhay ko. 

Maingat na kinuha ng nurse ang anak ko sa dibdib ni Aira ang ibinigay ito sakin. Nanlaki ang mata ko ang hindi ko alam ang gagawin ko. "Nana!" tawag ko kay Nana, nangiti ito sakin dahil sa inasta ko, oo gusto kong mahawakan ang anak ko pero natatakot ako na baka mabali ang kanyang katawan, nakaktakot hawakan dahil sa sobrang liit.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon