WJM: Forty- Four

1.3K 27 4
                                    

WJM: Forty- Four

Desperado

Lucas POV


Nag resign na ako sa company nila Aira. Ayaw akong paalisin ni Tita Cecil pero hindi ko na kayang mag tagal pa doon. Hindi na ako makatagal. Pati ang building na iyon nag papaalala samin dalawa ni Aira.

Ilang buwan na ba ang nakalipas? Mahigpit isang taon narin ang nakalipas simula ng magulo ang buhay naming dalawa. O baka nga buhay ko lang dahil masaya na ngayon si Aira sa buhay nya.

Kung tatanungin nyo ako kung kamusta na ako? Magsisinungaling ako kapag sinabi kong 'Okay ako' pero ang totoo hindi ko alam kung paano ako makakapag move on, ni hindi pa nga ako nakakapag move on. Para naman akong high school sa nararanasan ko ngayon.

Siguro dahil wala akong ginagawa para makalimutan ko sa Aira. Siguro ganito talaga kahirap hindi biro ang pinag samahan namin. Hindi iyon isang laro na kapag nag sawa ka ay titigil ka nalang basta basta.

Hindi isang biro ang almost 3years naming pinag samahan. Hindi kami iyong klase ng puppy love, halos malapit na kaming ikasal noon, tanging taon nalang ang hinihintay namin at ikakasal na kami.

Sana pala ay itunuloy ko na ang pagpapakasal kay Aira at hindi sya pinakinggan sa gusto nya na mag hintay muna kami ng 2 years bago ikasal, sana pala ang sarili ko nalang ang pinakinggan siguro ay masaya na kami ngayon.

Sa loob ng mahigit dalawang taon naming magkasama, lahat ng nangyari sa buhay namin masaya man o puro pag aaway lahat ng iyon ginawa kong magandang alaala sakin. I treasured every moment na magkasama kami.

Si Aira yung taong hindi madaling sumuko at matapang, iyon ang isa sa pinakagusto ko sa ugali nya. Wala syang inuurungan na kahit ano, lahat ng bagay gusto nyang gawin, lahat ng bagay para sa kanya kayang kaya nya.

Ni ayaw nyang makikita ko syang umiiyak kapag hindi nya nagagawa ng maayos ng isang bagay dahil para sa kanya kaya nya ang lahat. Hindi sya sumusuko hanggang hndi nya ito sinusubukan ng buong kaya. Akala ko pati sa relasyon namin taglay nya ang ganong ugali nya, pero lubos akong nasaktan ng malaman kong tuluyan na syang sumuko sa relasyon namin.

"Madali lang naman mag move on, basta tulungan mo lang ang sarili mo na kalimutan nya." laging pangaral sakin ni Erin na halos araw araw kong gustong subukan pero hindi ko kaya. Hindi pa siguro ngayon, masyado pang sariwa ang lahat ng sakit.

Hindi ko ata iyon magagawa agad agad. Oh siguro talagang hindi ko pa sinusubukan na tulungan ang sarili kong makalimutan sya.

"Ano kaba! Makakalimutan mo rin sya." aniya ni Erin. Siguro nga. Oo, makakalimutan ko sya pero hindi pa ngayon dahil hindi pa ako handa kung ano man ang nangyari saming dalawa.

Hindi ko pa sya kayang i let go, umaasa parin ako na kahit papano mayroon parin syang natitirang magmamahal sakin, umaasa parin ako na hindi nya pa nakakalimutan ang dati naming magmamahalan.

"Sabi nga sa isang radio station na napakinggan ko. Ang isang sawing puso makakapag move on din, dahil lahat ng nakasanayan ng kayo pa ay mapapalitan iyon. Makakasanayan mo na nawala sya sa araw araw na mag dadaan, ibig sabihin nun nakamove on kana pala hindi mo lang nararamdaman." mga pangaral pa sakin ni Erin.

Lagi ko syang sinasagot ng "Oo Erin, makakalimutan ko sya pero hindi ngayon, dahil hindi pa ako handa." lagi nya nalang akong iniirapan sa tuwing ito ang paulit ulit kong sagot sa kanya.

Sa ngayon sa Company muna ako ni Daddy nag tratrabaho, tinutulungan ko muna sya na mag handle ng company.

"Lucas, anak?" tawag sakin ni Mommy habang gumagawa ng presentation.

"Yes My? Pasok po." sabi ko sa kanya na hindi manlang sya binibigyan ng tingin dahil busy ako saking ginagawa.

"Ayoko sanang makielam anak, pero kasi narinig ko ang pagtatalo nyo kanina na Erin, pero hindi ko naman sinasadya na makinig." malumanay na sabi ni Mommy na parang nag iingat sa kanyang masasabi. Napatigil muna ako sa pag type at nag isip isip bago ko unti unting tumingin sa kanya. Nakita kong nakaupo sya sa dulo ng kama ko at nakatingin sakin at nag hihintay ng sagot.

"Ma-" agad na pinutol ni Mama ang sasabihin ko.

"Anak, hindi ba kasalanan iyang binabalak mo?" aniya nya.

"My, eto lang po ang naisip kong paraan desperado na po ako." pusong puso kong sabi sa kanya.

Oo alam kong kasalanan ang naiisip kong gawin pero eto nalang ang tangi kong paraan para makuha ulit si Aira. Para makasama ko sya.

"Anak naman! Ilalayo mo sya sa pamilya nya. Akala ko ba napag usapan na natin ito. Akala ko ba titigil kana? Akala ko ba kakalimutan mo sya. Ano nanaman itong naiisip mong gawin." hindi maiwasang tumaas ang boses ni Mama sakin.

Napag usapan na namin ito ng isang araw umiyak ako sa kanya dahil sa sobrang mangungulila ko kay Aira.

"Pero My Desperado na po ako!" pag suyaw ko dito.

--

Malapit na ang pasukan pero hindi ko pa nagagawa yung mga school works ko. Nakakaloka >.<

Dapat ang pasukan namin Jan.7 pa (college) pero dahil nagtuturo na ako sa elementary Jan.5 palang pasukan na :( hahaha

Sana magustuhan nyo, votes and comment lang po :D

12-29-14

Kimmysssss

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon