WJM: Thirty- Nine

1.4K 34 3
                                    

Thirty- Nine

Yelo

 

 

 

Nakaramdam ako ng maliliit na halik sa tyan ko. Hindi ko ito pinapansin pero nakikiliti talaga ako. Pati ang Anak ko tila nakikiliti din sa maliliit at maiinit na halik na dumadapo sa tyan ko.

“Good morning My Princess.” Sabi nito gamit ang malalambing na boses at sabay himas sa tyan ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko.Nakita kong nakahubog ang kanyang mainit na kamay at tyan ko, nakahalik at nakapikit tila dinadamdam ang bawat sandali. Ilang minuto ko pa syang tiningnan bago ko unti unting ilagay ang kamay ko sa kanyang magulong buhok.

Maharan ko itong hinamas. Napadilat ito sa gulat, ngumiti sakin at pumikit ulit habang ganong parin ang kanyang posisyon kaya naman tuloy lang ako sa pag himas sa kanyang buhok.

Hindi ko ito naisip. Hindi ko ito inakala na mararamdaman ko sa kanya. Ang lalaking ayaw kong makasama ni mapakasalan dahil sa hindi ko alam pero ito ako ngayon, nakahiga inanamnam ang bawat hawak, yakap nya sakin.

Akala ko dati puro ako Lucas. Akala ko literal na mamamatay ako kapag hindi sya ang kasama ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay  nawala sya. Akala ko sa kanya ako lagi nakadipende. Akala ko wala akong bukang bibig kung hindi Lucas.

Iyong bang puro si Lucas. Teka si Lucas. Dapat si Lucas. Saan si Lucas. Lucas! Lucas! Akala mo puro Lucas nalang. Hindi ko inakala na ang magiging Lucas ay hihigitan pa ng isang Steven.

Steven. Steven! Nana si Steven. Steven kumaen kana? Steven ingat ka. Saan ka Steven. Teka si Steven. Hindi ko inakala na mamahalin ko sya. Una nag sisisi ako kung bakit ko sya pinakasalan. Bakit ako pumayag sa gusto ng Lolo ko. Bakit mas sinunod ko sila. Lahat pala ng iyon ay my dahilan. Kasi MAMAHALIN KO SYA.

Natatawa nalang ako. Ang arte arte ko pa noon. Iyon pala mamahalin ko rin sya. Hindi naman talaga sya mahirap mahalin. Talagang ayoko lang NOON.

 

Kung tutuusin para sakin isa sya sa mga ideal man ng mga babae. Sobrang malambing, mabait, hindi man ganoong vocal sa love at least pinapakita nya by action, magaling kumanta, magaling mag luto, sobrang haba ng pasensia, sobrang maalalahanin, sobrang maalaga, sobrang maasikaso, nakapa responsible, perfect and features sya bilang silang husband and daddy.

Kung tutuusin pwede naman si Nana ang mag alaga sakin, bihira nalang naman ang lalaking maalaga hindi ba? Pero sya gusto nya sya mismo. Nakakatuwa! Oo nga masasabi kong sobrang swerte ko. Napaka swerte ko. Salamat!

“Honey? Wake up.” Narinig kong bulong nito sa tenga ko.

“Hmmmm.” Sabay ikot sa kabilang side. Sobrang antok pa ako.

“Honey it’s already 11am. Hindi pa kayo kumakaen ni Baby. Tayo na dyan.” Aniya habang inihimas ang buhok ko. WHAT? 11am na? Nakatulog pala ako sa sobrang mag iisip.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon