WJM- Four
“March palang pero parang araw na ang mga patay yang mukha mo. Ano ba iyan JAZZMINE AIRA.?” Malakas na sigaw ni Mandy sakin. Nako dapat talaga hindi nalang ako pumasok ngayon, mas lalo lang nagiging masama ang mood ko dahil sa boses nya. Wala ako sa mood. Sobrang naiinis ako. Sobrang sama ng loob ko sa lahat nangyayari sa buhay ko.
“Pwede ba Mandy, Shut up.” Sigaw ko dito.
“Shut up your face.” Sabi nito sabay irap. Bahagya naman syang pinalo ni Isabel sa braso at sinabing tumahimik.
“Girl, anong nangyari mukhang hindi ka nakatulog ng maayos kagabii ha?” seryosong tanong ni Isabel. Tiningnan ko lang sya, napabuntong hininga nalang ako hindi ko alam kung ano na gagawin ko sa buhay ko.
FLASHBACK
“Aira bumangon kana dyan, Ala-sais na remember eight pm dinner natin sa mga Madrid.” Sigaw ni Mommy habang kumakatok sa pinto, nakoooo hindi nga ako pumasok at hindi ako nagpakita sa kanila para hindi nila maalala na Thursday ngayon, Damn! Naiinis na ako kay Lucas dahil hindi nanaman nagparamdam sakin, tapos sasabay pa ito. Hindi parin ako sumasagot panay parin ang katok ni Mommy sa pinto ng kwarto ko.
“Jazzmine Aira, alam kong naririnig mo ako wag ka ngang magbingibingihan dyan.” halata sa boses ni Mama ang inis. Grrr! Sya lang ba ang naiinis? Ako din naiinis na, parang namamatay ako sa boses ni Mama, I trying to call Lucas! The Fuck! Ring lang ng ring hindi manlang sumagot ni magtext wala. Nakakabwiset na! Kung kailan na kailangan ko sya staka naman wala.
“Mom, pwede ba kalimutan nyo na iyan.” Sigaw ko. Sabay sabunot sa buhok ko. Putcha! Mababaliw na ako! Anong klaseng buhay ito.
“Aira, wag mong hintayin na ang Daddy mo pa ang kumatok sayo, dahil siguradong hindi mo magugustuhan.” Malakas na sigaw ni Mama. Grrrrr! Panakot nya talaga si Dad, mabait na tao si Dad, pero pag na galit hindi mo naman inakala kaya naman talagang nakakatakot magalit ni Dad. Padabog kong binuksan ang pinto.
“Damn!” sabay ngiti ni Mommy sakin.
“Maya maya mag ayos kana susundoin tayo ng daddy mo dito pagkagaling sa office.” I sighed and rolled my eyes. So no choice ilang oras na pagmumukmok at pagmumuni muni tapos na akong mag-ayos maglalagay nalang ng make up, ng biglang may kumatok sa kwato ko. Si Ate lang pala. Ngumiti lang ako sa kanya ng mapait I know alam nya ang nararamdaman ko.
“Anong feeling.?” Casual na tanong ni ate. Tumingin ako sa kanya at inirapan ko lang sya. Nakangisi pa, sasampalin kita Ate.
“Inis.” Simpleng sagot ko, narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya. Tiningnan ko sya ng masama. Hindi sya natinag. Bwiset! Ate kita! Ate!
“Ate, alam mong mahal ko si Lucas. Ikaw nalang magpakasal. Diba single ka naman.” Biglang tabi ko sa kama kung saan naka upo si Ate. Nagpuppy eyes ako sa kanya.
“Hell no! Aira alam mo naman wala akong balak ng mag-asawa ng maaga ano, marami pa akong gagawin sa buhay ko hindi pa ako nakakapag trip around the world, hahanap pa ako ng foreign yung mayaman. Babalandra pa ako ng hubad sa isang sikat na magazine, Jusko! Hindi ako basta basta magpapakasal ng ganon ganon lang.” Automatic naman akong napasimangot sa sagot ni Ate, ano ba yan! Sino na tutulong sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...