WJM: Thirty- Two

1.8K 29 23
                                    

Thirty- Two

 

 

 

Aira’s POV

 

 

 

 

“Okay kanaba?”  tanong sakin ni Isabel. Habang hinahawi ang buhok ko.

 

  

“Yeah. I’m fine.” Tipid na sagot ko.

 

 

 

“Tara na? Baka hinahanap kana ng Asawa mo?” nag retouch muna ako ng make-up bago kami lumabas ng restroom salamat naman at walang tao sa labas.

 

 

Nakita kong nagkwekwentuhan sila Mandy at Charles. Agad akong nakaramdam ng guilt dahil sa nangyari kanina, pinasadahan lang ako ng masamang tingin ni Mandy pero agad akong nag iwas ng tingin hindi ko kayang tagalan ang galit na tingin nya sakin, mas lalo lang akong naguguilty dahil sa ginagawa ko.

 

 

 

“OH heto na pala ang Asawa mo. may diin ang pagkakasabi nya sa ‘Asawa mo’paniguradong si Isabel at ako ay napansin iyon pero si Charles ay hindi iyon mapapansin.

 

 

 

Agad nya akong sinalubong at inalalayan. Ngumiti muna ito sakin bago nya inusod ang bangko at inalalayan akong umupo. Inilapit nya ang upuan nya sakin at hinawakan ang kamay ko.

 

 

 

 

“Are you okay Honey? You look pale?” ramdam na ramdam ko ang pag-aaalala nya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya sinubukan kong wag nyang mapansin na my kakaiba sa kilos ko, awa ng diyos ay hindi na sya nangulit pa at tinuon ang pansin nya sa stage.

 

 

 

“Hi Guys.” Isang pagbati ang narinig ko sa isang taong kilalang kilala ko kung sino ay may ari ng boses na iyon. Hindi ako agad makalingon dahil sobrang kaba ang naramdaman ko.

 

 

“Oh L-Lucas.” Halata sa boses ni Isabel ang kaba.

 

 

“Kanina ko pa kayo hinahanap, nandito lang pala kayo.” sabi nito at umupo sa tabi ni Isabel ito ay isang bakanteng umupuan na katapat naman namin ni Steven. Inalis ko ang magkakahawak ng kamay ko kay Charles para hindi nya maramdaman ang manginginig ko.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon