WJM: Forty- One

1.4K 39 4
                                    

WJM- Forty-One

 Bitter

Erin’s POV

“Umiinom ka nanaman?” buntong hininga kong sabi dito. Nakakasawa na sya sa totoo lang. Palagi nalang syang ganyang, palagi nalang syang umiinom, palagi syang lasing, palaging tulala ni halos hindi mo na sya makilala. Nag resign na sya sa trabaho kahit pa sobrang ganyang ng performance nya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Hindi ko sya maaaring pabayaan na ganyan sya. Hindi ko nga alam kung nakakakain pa ba sya ng maayos pero sa tingin ko ay hindi na. Medyo bumagsak ang katawan nya.

Kahit ang bigote at ang kanyang balbas at hindi na naaahit. Sobrang gulo ng condo nya. Ako nalang ang nag hire ang taga linis dito dahil hindi ko naman kayang linisin ang condo nya.

“DIBA ANG SABI KO WAG KANANG PUMUNTA DITO!”  malakas na sigaw nito sakin. Lagi naman. Lagi syang galit. Lagi syang ganyan. Hindi ko nalang pinapansin dahil alam kong kahit ayaw nya ng karamay ako parin ang makakatulong sa kanya.

Hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa pagligpit ng bote ng alak na nakalakat sa mesa at sya naman at nakaupo lamang sa sofa habang ang isang kamay nya ay may hawak na bote ng alak at ang isa naman ay nakadantay sa sofa.

“UMALIS KANA!” sigaw pa nito. Napabuntong hininga nalang ako.

“Lucas.” Pagsukong tawag ko sa kanya.

“ERIN PLEASE! AYOKO NG MAY IBANG TAO DITO!” aniya.

“Lucas naman! Tingnan mo nga iyang sarili mo! Hindi na kita halos makilala!” inis kong sabi sa kanya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kabilang bahagi ng sofa. Narinig ko ang impit na pag-iyak nya.

“WALA KANG PAKIELAM!” sigaw nya sakin. Halos mapapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw nya sakin.

“Lucas kahit anong gawin mo hindi na sya babalik sayo! Hindi na sya magiging sayo! Kaya itigil mo na iyang kahibangan mo! Wala ng patutunguhan iyan!” sigaw ko.

“TUMIGIL KA ERIN! HINDI TOTOO IYANG SINASABI MO! MABABAWI KO SYA! MAPAPASAKIN ULIT SYA! AKO ANG MAHAL NYA! AKO LANG!” aniya. I just rolled my eyes. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nasisiraan na sya ng bait! Nababaliw na sya!

“Kung talagang mahal ka nya, hindi sya magpapaagaw sa iba. Kung talagang mahal ka nya, hindi ka nya iiwan. Kung talagang mahal ka nya, ikaw ang pipiliin nya. Pero ano ngayon Lucas? Nasaan sya? Nandoon sa ASAWA NYA. Sa lalaking pinakasalan nya! Sa lalaking pinili nya! Sa lalaking mas gusto nyang makasama! At HINDI IKAW IYON!” Sigaw ko.  Gusto kong ipamukha sa kanya na wala na syang lugar pa para kay Aira. Na huli na ang lahat sa kanila. NAWALA NG LUCAS AT AIRA.

Bigla nalang itong tumayo at nagwawala. Napahawak nalang ako sa tenga ko sa sobrang sakit ang tenga ng pagwawala na. Naiiyak ako sa nangyayari sa kanya. Nalulungkot ako. Matagal na kaming magkasama sa France parin naging close na kami halos best friend na ang turing ko sa kanya pero itong mga nakaraang araw iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko I entertain and feeling ko sa kanya dahil alam kong hindi naman nya ako mapapansin ngayon wala syang ibang bukang bibig kundi si Aira.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon