WJM: Eight

2.3K 28 1
                                    

WJM- EIGHT

Blushing

 

“Sister nasa labas na daw si Papa Steven sabi ng guard.” nagkakandaripas pa sya pa si Mandy sa pagbabalita.

“Okay. Sige baba na ako.” sabi ko,  Sabay ligpit ng gamit ko,2pm palang. Inaya ako ni Steven na mamili ng gamit namin sa bahay, no choice kahit papano bahay ko na iyon/namin.

Seriously? Nagulat talaga ako ng nalaman kong na paghandaan na ni Steven ang mga ganong bahay. Katulad nga ng sabi nya surprise dapat iyon pero natanong ni Tito kaya naman nalaman ko. Ipapakita nya lang sakin ag picture ng bahay, para makapili ako ng magiging design ng bahay.

“Sorry, natagalan ako. My tinapos lang ako.” Nakita ko syang nag aantay sa parking lot. Sobrang bagay na bagay sa kanya ang polo shirt and maong pants at magandang klaseng sapato, mas lalo syang gumwapo. Mas lalong umangat ang gandang katawan nya.

“No! No! It’s okay. So let’s go?” Sabay ngiti nya sakin, tumango lang ako at pinagbuksan nya na ako ng pinto ng sasakyan.

“Punta ka sa gallery makikita mo yung picture ng magiging bahay natin.”  Sabay abot nya ng cellphone nya, tumango lang ako at binuksan ito, kaso my password.

“Steven, password.” Sabay abot ko sa kanya para matype nya, pero bahagya nyang tinulak ito pabalik sakin.

“040714.” Sabay lingon sakin at ngiti. Ngumiti rin naman ako sa kanya at mabilis na nag iwas ng tingin. Naaakit ako sa mga tingin nga. Masyadong syang magandang lalaki lalo na kapag nakangiti. 

“040714.” Paguulit ko ng sinabi nya.. Tumingin ulit ito sakin at ngumit. “Yeah. Our Wedding Date.” Oo nga ano, bakit hindi agad na naisip iyon.

 Okay sige hindi ko maiwasan na ngumiti dahil sa password nya. Tell me, bihira lang ang ganitong lalaki. Yung bang lahat ng bagay my magandang ibig sabihin sa kanya. Duh! It’s just a password what the hell Aira!

Nagulat ako pagbukas ko ng cellphone nya dahil naka wallpaper sa kanya ang stolen na picture ko, ang isang side ang naka smile ako kuha nito kahapon nung sa bahay nila. Ang pangalawa naman at nakasimangot ako, kuha ito nung nag dinner kami. Literal na nanlaki ang mata ko, agad akong humarap sa kanya, pero sumisipol lang ito.

“What is this?” tanong ko sa kanya, pero parang patay malisya lang sya. Nakatingin sa daan, ang cool ng magkakahawak sa manubela, nakangiti, at nag kibitbalikat nalang sya. 

“ My gorgeous soon-to-be-wife. ” he smiled, a big smile to be exact. Napakagat naman ako sa labi ko at napangiti. Aaminin ko natuwa ako dahil naka wallpaper ako sa cellphone nya but I think it’s normal, nothing serious about sa pag wallpaper nya ng stolen picture ko, ako lang ang nabibigay ng ibang kahulugan nito.

Huminto muna kami sa isang restaurant malapit sa mall, actually hindi kasi ako nag lunch, dahil yung break time ko ginamit ko para matapos ko yung gagawin ko at makaalis ako agad, nandito kami ngayon sa isang Italian Restaurant. La Peddle.

“Whole Lasagna please.” Sabi ko sa waiter. “Chicago pasta and Rosalie’s Wine.” Then umalis na ang waiter.

“So okay na ba ang wedding dress mo? Sabi ko kay Tita Olivia ay tayong dalawa ang pupunta sa boutique para ma check natin pero ayaw mo daw kaya ako nalang ang ngpunta mag-isa.” Bigla nyang sabi na hindi manlang inalis ang tingin sya sakin. Ugh! Bakit iba ang pakiramdam ko pag tumitingin sya sakin, parang may kakaiba sakin pero hindi ko malaman kung ano at parang ayoko na rin alamin kung ano man ito.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon