WJM- Thirty- Eight

1.4K 39 4
                                        

Thirty- Eight

Baby

 

 

 

Ang bilis dumaan ng panahon na buhay ko, sa buhay naming mag asawa. 7 months na ang tyan ko ngayon. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ang tagal tagal dumaan ng mga araw, pero 7 months na pala ang tyan ko, ilang buwan nalang at manganganak na ako.

Madalas kaming mag away ni Steven. Sobrang napaka moody ko kasi, madalas naming pag awayan ang maliliit na bagay, napaka sensitive ko ngayon buti nalang lagi nga akong iniintindi, hindi sya nag sasawang intindihin ako, kaya naman kapalit ng mga pambwibwiset ko sa kanya mas double ang pag aasikaso ko sa kanya.

Akala ko malalaglagan pa ako ng anak. Noong mga 4months ko pumunta dito sa bahay si Lucas…

“Nana, ako na po ang magbubukas.” Sabi ni Steven habang matahimik kaming kumakaen ng iniluto ni Nana na masarap ng pagkaen. Alas-nueve narin ng gabi, late kaming kumaen dahil mas gusto kong hintayin si Steven para magsabay kaming mag dinner.

Nasanay kasi ako ngayon na kahit anong oras syang umuwi at hinihintay ko sya para sabay kaming kumaen sya ata kasi ang pinaglilihian ko. Para kasing gusto ko lagi ko syang nakikita, minsan madalas syang malate sa umaga dahil sa panlalambing ko.

Alam ko may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Takot man akong aminin sa sarili ko pero alam ko kung anong feeling ito, kung ano ang kahulugan. Dahil mas higit pa ito sa naramdaman ko ng aminin ko sa sarili kong mahal ko sa Lucas.

Pero takot akong aminin iyon sa kanya. Hindi ko alam! Pero ayokong malaman nya. Okay na iyong napapakita ko sa galaw ko, pero hindi ko alam kung kaya kong sabahin.

Madalas kapag sinasabihan nya ako ng I LOVE YOU, nag rereply ako ng THANK YOU kapag malayo kami sa isa’t isa, pero kapag nandito sa bahay sumasagot ko sa pamamagitan ng mainit na mga halik.

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE!” malakas na malakas ito kaya naman malinaw ang pagkakarinig namin dito, galit nag alit ang boses ni Steven. Base sa boses nya alam ko kung sino iyon.

Agad kong nabitawan ang spoon at nagkatinginan kami ni Nana, akmang tatayo ako ng pigilan nya ang kamay ko. “Wag na nak. Baka madisgrasya ka. Ako nalang ang lalabas dito ka nalang.” Nagdalawang isip muna ako pero bandang huli ang sinunud ko rin sya.

“AIRA! LUMABAS KA DYAN! SUMAMA KANA SAKIN!” desperadong sigaw ni Lucas. Binalot nalang ng kaba ang dibdib ko, nanginginig ang buo kong katawan, nakaramdam din ako ng konting kirot sa tyan ko kaya naman na agad kong hinawakan ang baby ko tila pati sa kinakabahan din.

“PWEDE BA! UMALIS KANA DITO! NAG IINGAY KALANG NAKAKAHIYA SA MGA KAPIT BAHAY NAMIN.” sigaw ang galit ng galit na sagot ni Steven.

“NO! I WANT TO GET BACK MY GIRL!” puno ang emotional ang kanyang boses. Natutuliro na ako gusto kong lumabas baka kung ano na ang nangyayari sa kanila doon, pero mas pilinit kong umupo, manahimik, at makinig sa kanila.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon