WJM: Twenty-Five

1.9K 21 4
                                    

Aira's POV

Hindi na kami muli pang nag usap ni Lucas ng inihatid nya ako sa office. Nag sorry ako sa kanya pero hindi nya tinanggap kaya naman hindi ko na pinilit lalo na at may tampo pa ito sakin.

Nakasalubong kong nag tatawanan sila Isabel at Mandy. Napawi ang kanilang mga ngiti ng nakita nila ako.

"Sister, what happened? Bakit ganyang iyang mukha mo?" tanong ni Mandy sakin bahagya lang akong ngumiti.

"Hay nako let's go. Doon tayo sa office mag usap. Mukhang marami rami kang kwento samin." sabi ni Isabel kaya naman hinawakan nila ang magbilang kamay ko at hinila ako.

"Gora kwento na." tiningnan ko lang sila habang nag hihintay sila sa kwento ko.

"Nag away kami ni Steven." malungkot na sabi ko.

"Then?" -Isa

"Nung gabing nag bar tayo. Anong oras na tayo nakauwi. Hindi ko alam na my inihanda pala syang dinner para saming dalawa. Lowbat kasi ako noon. Tapos ayon nung umuwi ako sa bahay nagkasagutan kami."

"Oh tapos, ano nangyari. Ano sabi nyo?" kinikwento ko sa kanila yung sagutan namin, kompleto walang labis walang kulang.

"Eh gaga ka palang babae ka. Pagsalitaan mo ba naman ng ganon ang Asawa mo."

"Sobrang sama lang ng loob ko." I pout.

"Wow Bessy ha, ikaw pa talaga ang masama ang loob. Hello nabalewala kaya ang effort ni Steven sayo." sabi ni Isabel na napapakamot pa ng ulo.

"Eh hindi ko naman alam eh." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Kakaiba ka talaga Bessy, ikaw na may kasalanan ikaw pa galit. Remember bessy 3rd monthsary nyo. Naalala nya, buti pa sya. Ikaw ba naalala mo?"

"Tsk.Wala naman akong paki doon. Monthsary-monthsary pa." kibit balikat ko. Akmang babatuhin ako ni Mandy ng kanyang sapatos akmang iilag din ako.

"Shunga mo te. Kakainis ka." gigil na gigil na ito sakin.

Eh totoo naman wala akong pakielam sa monthsary monthsary na iyan, uso lang iyan sa mga mag boyfriend and girlfriend specially sa mga nag mamahal. Kaya samin wala na iyon para sakin.

"Alam mo kung ikaw wala kang gagawin na effort para maayos ang relastionship nyong mag asawa kahit konting considirasyon nalang mag bigay ka naman." -Mandy

"Mandss, ano bang pinag sasabi mo dyan. Effort? Hindi ko naman sya mahal at wala naman akong balak na sumama sa kanya forever. Hindi ko sya mahal, mahirap bang intindihin iyon." galit kong saad dito.

"Hoy. Nasa tamang edad kana wag mo nga akong sagutin ng ganyan, sana pala kung hindi ka handang makisama ng maganda kay Steven ay hindi ka nalang nag pakasal sana pala tumakas ka nalang, tinulungan kapa namin." -Isa

"Iyan naman talaga ang dapat kong gagawin diba, magtatanan kami ni Lucas pero dahil mahal ko si Lolo mas pinili ko ang gusto nya." naiinis nanaman ako kapag naaalala ko ang paglalaro ni Lolo sa buhay ko, at ako naman inilaro ko ito. Eto ngayon nahihirapan akong makisama sa mahal ko, sa tunay kong mahal.

"Ewan ko sayo. Bakit ba hindi mo sya magawang pag aralan na mahalin? Ay hindi kahit hindi na mahalin kahit pag aralan mo nalang makisama sa kanya bilang isang ASAWA." -Mandss

"Bakit ginagawa ko naman ah? Bago ako pumasok kapag naabutan ko sya ako nag aayos ng gamit nya, tabi kaming matulog. Ano pa bang kulang doon.?"

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon