TWENTY-NINE
Thank you sa gumawa ng isa Book cover ko, gagamitin ko sya pero hindi ngayon :D May naisip ako eh :D Thank you. @Babyayame
--
Steven's POV
"Hiwalayan mo na ang asawa ko."- inis kong sabi sa lalaking bigla nalang nawala ang ngiti ng marinig nya na ang salita ako.
Huminto muna sya at dahang dahang humarap sakin. Hindi ko manlang nakita ang pag tataka sa kanyang mukha. Sa bagay, masama ang tinginan namin noon hinatid ko si Aira sa office nya.
Kumuha sya ng private investigator para lang alamin kung sino ako. Pano ko nalaman? Narinig ni Cyruz na may kausap sya four days pag kauwi nya dito sa pinas.
Nakita ko ang nakakalokong ngiti nya. Agad naman kumulo ang dugo ko sa asal nya. Asal hayop.
"Pwede ko bang malaman kung sino ka?"- tanong nito seryoso ang kanyang mukha pero hindi parin pinalampas ng aking mata ang nakatakas na ngisi sa kanyang labi. Kaya mas lalong nag init ang ulo ko.
"Wag na tayong mag lokohan." -matapang na sabi ko. Nag igting ang bagang ko, hindi ko mapigilan ang galit ko sa lalaking ito.
Bigla itong tumawa ng malakas at inilagay ang dalawang kamay nya sa kanyang bulsa.
"HAHA ikaw pala ang "asawa lang" ng mahal ko." -pagmamalaki nyang sabi. Walang pag lagyan ng inis ko pero agad akong nakaramdam ng talo lalo na sa sinabi nya.
'Asawa lang'
'Asawa lang'
'Asawa lang'
'Asawa lang'
'Asawa lang'
Biglang nag pintig ang tenga ko sa narinig ko. Paulit ulit. Iyon ba talaga 'Asawa lang' ako. Shit! Umurong ang dila ko sa sinabi nya. Parang naging malamig na bangkay ako sa kanyang sinabi.
Nakita ko ang ngiti sa kanyang abi. Ngiti nang tagumpay alam nyang talo ako sa laban na ito, pero hindi ako makakapayag, eto na ang panagarap ko hahayaan ko nalang bang mawala ito sakin? Nag hirap ako dito.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...