WJM: Three

2.8K 30 5
                                    

WJM- Three
Bad News

It’s been one week since umalis na si Lucas, yung one week na natitira nya dito ay sinulit namin.  Wala kaming ginawa kundi umalis mamasyal dito na rin muna sya sa bahay tumira. Nagkaayos na kami masakit man pero wala na akong magagawa. Ayoko na ako ang hadlang sa pangarap nya kaya kahit labag sakin tinanggap.

“Stress ang lola mo.” Narinig kong sabi ni Mandy.

“Loko ka marinig ka nyan. Nakita mong wala sa mood eh. Ikaw talaga ang lakas mong mang-asar.” Tapos tumawa sila. Hays wala ako sa mood kaya tinuloy ko nalang at pagsusulat ko.

“Mandy, Isabel mauna na ako ha. Bye ingat kayo.” Nakita pagbeso beso ako. Kanina nakausap ko si Lucas, kaso saglit lang ang dami daw kasi nilang ginagawa. Hays namimiss ko na agad sya, pati trabaho ko naaapektuhan ng dahil sa pagkamiss ko sa kanya.

Mabilis na lumipas lang oras. Nagdrive na rin ako pauwi ng bahay. Sa labas parang ay naririnig ko na ang mga tawan nila.

“I’m home.” walang gana kong sabi.

“Come baby, join us.” Agad naman akong pumunta sa pwesto nila at sinaluhan silang kumaen. Nandito na nga pala si Mama, umuwi last 3days dahil sa birthday ni ate kahapon. Matatagalan pa ata daw sya dito kaya makakapag bonding pa kami.

“Kumaen kanaba ?” tanong sakin ni Ate Summer.

“Tapos na ate.” Sabi ko. Tumayo nalang ako para kumuha ng isang basong tubig sa ref. Niyaya pa nila akong sumalo sa kanila sa hapagkainan pero wala talaga ako sa mood, stress na ako at masyado ko pang iniisip si Lucas nako dapat maging Masaya ako sa kanya dahil unti unti na nyang matutupad ang pangarap nya na maging isang mahusay na manunulat.

“Hi Baby. Miss na kita.” Malungkot kong sabi dito. Nahiga ako ngayon, kausap sya sa Skype sakto kasing kadarating nya palang ni hindi panga sya nakakapag bihis nahiga na agad kita ko ang pagod sa mukha nya ganon ba talaga kadami ang ginagawa nya.

“I miss you more baby. Hays nakakapagod ngayong araw.” Reklamo nya pero nakita ko ang ngiti sa labi nya.

“Magshower kana at magpahinga. Kumaen kana din.” Gusto ko man syang maka-usap ng makatagal pero halata sa kanya ang pagod kaya naman sa susunod nalang.

“Okay. Tawagan kita mamaya Baby. Mahal na mahal kita.” Sabay kiss nito sa camera ng laptop. Ginaya ko rin naman sya. Darn! Miss na miss ko na sya, pero kailangan kong magtiis dahil pinayagan ko ang pag alis nya.

“Bye. Mas mahal na mahal kita.” paalam ko sa kanya.

Summer’s POV

“Mom, tuloy ba iyong gusto ni Lolo?” Tanong ko kay Mommy habang nag didiner kami.

“Yeah at gusto ng lolo mo as soon as possible dahil gusto nyang makitang ikakasal ng kapatid mo.”

“Pano pag hindi pumayag si Aira sa gusto ni Lolo.” Tanong ko sa kanya. Nako imposilbeng pumayag si Jazz sa gusto ni Lolo, patay ng patay iyon kay Lucas. Bigla tuloy akong naawa kay Jazz.

“I don’t know Sum, pero wala naman magagawa si Aira ang Lolo mu ang nagsabi.” kibit balikat ni mama.

“Good luck Mom. So kalian nyo po balak sabihin sa kanya.”

“Gusto ko sana tomorrow na, dahil sa Thrusday imemeet na natin ang mga Madrid.” WHAT? Agad agad? Nako kawawa naman ang sis ko, parang namatay pa naman iyon simula ng umalis si Lucas.

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon