TWELVE- BAGUIO/ HONEYMOON (DAY 1 continuation)
Hello muna sa dalawang ito, para sa inyo ito :)
@ICEGIRL180
@iamandreauy13
(Yung mga pictures nasa right side)
Kumaen kami sa isang sikat na Restaurant dito sa Baguio, ang sasarap ng mga pagkaen nila dito kakaiba rin. Then namasyal kami picturan dito picturan doon, nakakatuwang kasama si Charles kasi Masaya syang kasama, hindi sya KJ, pero possessive nya lang.
“Oh pare luluwa na ang mata mo, tama na tingin sa Asawa ko.” Sarkastikong nyang sabi sa isang binata na naglalakad na may kasamang babae, parang ako naman ang nahiya sa ginawa nya parang hindi alam nung lalaki kung ano gagawin nya tapos yung kasamang nya naman babae inis akong tiningnan at yung boy na sama nya ‘baka wag mo akong tingnan ng ganyan ha’ sabi ko sa isip ko kaya naman agad kong siniko si Charles
“What?” matawa tawa nyang tanong.
“Bakit naman nag salita kapa ng ganon. Tsk!” medyo naiinis kong sabi nakakahiya naman kasi kasama pa iyong girlfriend baka mamaya mag away pa ang mga iyon. Bigla nya naman hinapit ang beywang ko habang patuloy parin kaming naglalakad.
“Tsk panong hindi ko sisitahin may kasama ng iba, kung makatingin pa sayo ay parang walang gwapo sa tabi mo, ang likot ng mata. Bakit ba kasi sobrang ganda ganda mo? Psh!” sa last part ay lumumanay na ang pagkakasabi nya, proud sya na gwapo sya ha? Well totoo naman hindi ba? Kasalanan ko bang maging maganda? Tsk!
“Kahit na sana hindi mo nalang pinansin.”

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...