NINETEEN- AKO ANG MAHAL NYA
Lucas POV
“So ano ngayon ang plano mo aber?” tanong sakin ni Mandy. Napantingin lang ako sa kanya, dahil kahit ako hindi klaro ang plano ko basta ang gusto ko lang mangyari ay mabawi ko saya iyon lang hindi ko alam kung pano ko haharapin ang consequences ng mga galaw na gagawin ko.
“I don’t know.”iyon lamang ang sagot ko dahil iyon ang totoo. Nakapamewang syang humarap sakin.
“Your kidding right?”tanong nyang nakataas ang isang kilay.
“I’m not.”simpleng sagot ko habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko.
“Are you serious?” medyo galit nyang tanong. Hindi ako sumagot tumitig lang ako sa kanyang mata at mukhang nahalata nya ang sagot ko ay Oo.
“So are you telling me na umuwi ka dito pero hindi mo alam kung anong plano mo? hindi mo alam kung ano ang posibleng mangyari ng pag umuwi ka rito?” mataray nyang tanong. Hindi ako makapag focus sa kanya dahil iniisip ko kung anong magiging reaction ni Aira kapag nakita nya ako, magagalit ba sya? Matutuwa? Sasampalin ako? Yayakapin? Hahalikan? Hindi ko alam.
Gusto ko na syang makita pero late syang pumasok ngayon. Tapos eto inaaway pa ako ni Mandy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ako nakatulog kagabi sa totoo lang as in puyat ako. Nag iimagine kasi ako kung ano ang magiging reaction nya kapag nakita kami.
“Mandy. Hindi ko alam basta gusto ko lang makasama sya, mabawi sya, mapasaakin sya. Iyon lang ang alam ko aside from that mawala na.” simpleng sagot ko. Hindi ako nakatingin sa kanya nakasandal lang ako sa aking umupan habang masusing pinagmamasdan ang ballpen na hawak ko.

BINABASA MO ANG
We're Just Married
RomanceSiya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, nagpakatanga, nagpakabaliw para lang mahalin nya ako katulad ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya, anong klaseng tao ba ako at bakit hindi niya ako magawang mahalin? Isa lang ang hinihingi ko, ang mahali...