WJM: Thirty- Five

1.6K 34 8
                                    

Thirty- Five

 

 

Steven’s POV

 

 

“Carmela, hindi paba tayo uwi? Grabe! Araw araw kanang nagshoshopping.” Magmamaktol ko. Lately kasi late na akong umuwi lagi kong naaabutan si Aira na tulog na, kapag umaga naman mas maaga syang nagigising sakin. Halos hindi na kami nakakapag usap, namiss ko na sya.

Balita ko pa kay Nana masama ang pakiramdam nyo itong nakaraang araw. Kaso laging nagpapasama si Carmela sakin, simula ng umuwi sya dito wala na syang inatupag kundi mag shopping. Damn! Tapos ako ang pinagdadala nya.

“Ma’am sorry po hindi ko sinasadya.” Sabi noong isang estudyanteng nakabunggo ni Carmela sadly dahil natapon ang softdrinks sa damit ni Carmela.

“WHAT THE HELL! Tatanga tanga naman.” Malakas na sigaw nya halos pagtinginan na kami ng mga tao dito sa mall. Tumingin sakin ang dalaga na tila nanghihingi ng tulong kaya naman kumilos na ako.

“Tama na iyan Carmela, pabayaan muna hindi naman sinasadya eh. Tara.” Sabi ko sabay hawak sa siko nya at niyaya ko na syang maglakad pero nagmatigas sya.

“No! Tatanga tanga itong babae na ito eh. Hindi ka kasi tumutingin sa dinadaanan mo. Alam mo bang ang mahal mahal ng damit ko?” malakas na sigaw nya.

“So…sorry po hindi ko naman po sinasadya eh.” Paliwanag pa ang dalaga.

“Sorry? Sorry lang? Bayaran mo itong damit ko. Galing pang Paris ito. Limited edition tapos tatapunan mo lang ng walang kwentang softdrinks mo. Tatanga tanga kasi.” Halos naagaw na ni Carmela ang lahat ng attention dito sa mall. Binalot naman ako ng hiya sa ginawa nya. Kaya naman hinala ko sya.

“Damn Carmela. Nakakahiya kana tara na! Parang natapunan kalang ng soft drinks natatanggal din naman iyan. Hindi muna kailangan pang ipahiya yung bata sa maraming tao. TARA NA!” giit na sigaw ko dito hindi nga lang ganong kalakas dahil ang dami nyang nakatangin. Ayaw nya pang magpahila pero tiningnan ko sya ng matalim kaya naman sumunod na sya sakin.

“Babe sorry na. Nainis lang ako. Remember ito pa iyong regalo mo sakin noong birthday ko. Alam mo naman basta galing sayo iniingatan ko.” Maglalambing ito sakin bigla kumapit sa braso ko. Nairita naman ako sa ginawa nya.

“Binatawan mo ako Carmela, baka may makakita sakin sabihin may babae pa ako.” Inis ko na sabi dito.

“Ang sungit mo naman.” Padabog nyang tinggal pero binalik nya rin napa ‘Tsss’ nalang ako, patuloy lang ako sa paglalakad hanggat makarating kami sa parking lot. I’m so damn tired. Gusto ko ng makita ang asawa ko, miss na miss ko na sya. Ilang araw ko na syang hindi nakakausap, nakakamusta. Nakakamiss!

We're Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon